Chapter 15: Papatalsikin
Pinatawag si Shemera ng principal kaya naman agad siyang nagpunta sa principal's office.
"Principal, nararapat lamang na paalisin si Shymera sa paaralang ito. Unang-una pinaupo niya ako sa kanyang upuang may super glue. Tapos binuhusan pa ako ng malamig na tubig. She humiliated me." Sumbong ni Teacher Jenny. Ang kanilang guro sa galaxy section.
"Hindi rin siya magandang example ng mga babae dahil pinipilit niya ang kanyang sarili sa top student ng paaralang ito na si Mr. Zarte. Biruin niyo, kababae niyang tao hinahabol niya ang isang lalaking ayaw na ayaw sa kanya at nilalandi pa mismo sa harap ng publiko?" Dagdag pa ni Teacher Jenny.
May dalawang estudyanteng mga babae ang dinala ni Teacher Jenny para magsilbing mga saksi sa imoralidad na ginawa ni Shemera. May pinakita pa silang video kung paano pinipilit ni Shemera na halikan si Crescent at kung paano naman nagkandarapa sa pagtakbo ang lalake.
"Gusto niyo bang masira ang pag-aaral ng top student niyo dahil sa estudyanteng katulad ni Miss Olivar?" Si Crescent kasi ang maituturing na pinakamatalino sa 2moons Academy.
"Higit sa lahat, binato niya ang upuan sa glass window na ikinabasag nito. Siguro naman sapat na ito na dahilan upang paalisin siya sa paaralang ito." Dagdag pa ng guro.
Tumingin naman ang principal kay Shemera.
"Anong masasabi mo Lady Shymerah?" Tanong ng principal sa kanya.
"May CCTV naman po kayo di ba? Bakit niyo pa ako tinatanong?" May CCTV naman sa bawat classroom pero bakit tila yata madalas parin naapi si Shymerah? Ano pa bang silbi ng mga CCTV kung di parin naman namomonitor ang mga estudyante at hinahayaan parin nilang mang-api ang mga ito sa kapwa? Kaya naman, hindi maganda ang impression ni Shemerah sa principal na ito.
Natigilan naman si Mr. Jones. Ito ang unang beses na sinagot siya ng ganito ni Shymerah. Dati kasi yuyuko lamang ito at hindi nagsasalita. Ang kuya Shymin niya ang palaging nagsasalita para sa kanya. Hindi rin ito nakikipagtitigan directly sa mata pero ang Shymerah ngayon ay nakikipagtitigan na sa kanya.
Malakas ang loob at matapang na nakatingin sa kanya. Kahit may panyo itong itinakip sa ilong at sa kalahating mukha, pero natitiyak niyang naka-smirked ito. Ito ba ang nag-iisang anak na babae ng mga Brill? Di kaya may pumalit na sa kanya?
Napansin ni Shemera na mukhang nagdududa na ang principal dahil sa inasal niya. Pero naiinis siya e. Naiinis siya na may gurong katulad ni Teacher Jenny sa paaralang ito. Sa halip na alamin kung sino ang naglagay ng super glue sa upuan niya at kung sino ang gumawa ng prank kay Shymerah, mas pinili niyang patalsikin si Shymerah sa paaralang ito. Ang gurong katulad niya ang hindi magandang ehimplo sa paaralang ito.
Napapaisip tuloy siya na hindi talaga lahat ng guro ay good example para sa mga estudyante dahil may mga guro ring siyang dahilan kung bakit lumalala ang mga pagkakamaling ginagawa ng ibang mga estudyante. Sabagay, nobody is perfect nga di ba?
"Ano pang ginagawa niyo principal? Bakit di niyo pa siya pinapaalis sa paaralang ito?" Malakas ang loob ni Teacher Jenny dahil alam niyang mabait sa kanya ang principal na ito. Noong hiniling niyang paalisin ang isang gurong minsan niyang nakatalo, agad ngang pinatalsik ng principal. Kaya naman sigurado siyang pagbibigyan ulit siya ni Mr. Jones lalo pa't isang simpleng estudyante lang naman ang papaalisin niya.
Si Shemera naman pinili na lamang na magsi-cellphone.
May gusto si Mr. Jones kay Teacher Jenny kaya di niya ito kayang tanggihan pero di naman niya kayang patalsikin si Shymerah lalo pa't alam niyang anak ito ng may-ari ng paaralan.
BINABASA MO ANG
Suddenly, Unexpectedly! Engaged (On Hold)
Novela JuvenilDahil sa pagiging badboy, his parents engage him to someone he doesn't like. Since di niya mababago ang desisyon ng mga magulang naisipan niyang gumawa ng paraan para ang babae na mismo ang umayaw at makiusap na bawiin ang napagkasunduang engagement...