Story cover credits to: @CrescentPiper
AMERIKA...
"Hey! Old man! Don't you ever worry about your hot, gorgeous and sexy beautiful princess. If I ever heard that you didn't eat properly because I left you there, I'll hit your butt!" Iyan ang mga nakasulat sa malaking papel na nakadikit sa mini table sa kwarto ng kanyang sakit sa ulong apo.
Ginaya pa talaga ang mga katagang binibitiwan niya kapag binabantaan niya ito. "If ever I heard that you escape from your class again, I will hit your butt!" Ganon ang palage niyang sinasabi rito.
Sumandal siya sa pintuan dahil nakaramdam siya ng pagkahilo kaso bukas nga pala ang pintuan kaya muntik na tuloy siyang bumagsak sa sahig. Buti nalang agad siyang nahawakan ng secretary niya.
"That brat, really wanted me to die early." Sambit niya at napahilot sa sentido. Ikaw kayang muntik ng mapahiga sa sahig. Sino ba ang dapat niyang sisihin? E di ang apo niyang naglayas.
He is Shemerah's grandfather. Fifty years old pero aakalain ng sinuman na nasa late thirties pa lamang siya dahil may hitsura parin ito at mukhang bata. Siya at ang kanyang asawa ang nag-alaga at nagpalaki kay Shemerah.
"Master, what shall we do?" Nag-alalang tanong ng secretary niya.
"Find her! No matter what." Utos niya sa mga tauhan.
Sa Pilipinas...
Napangiti si Shemerah dahil sa wakas, nakatakas na rin siya sa mahigpit niyang lolo. At ngayon, nasa Pilipinas na rin siya at makikita na rin niya ang baby bro at ang baby Sis niyang kasing kulit niya. Para lang di agad makilala, nagsuot siya ng high collared black jacket. Nagsumbrero ng black at nakablack pants din at panglalaki lahat.
"Hello Philippines! Welcome your princess." Sambit niya at ini-spread pa ang dalawang braso. Pagkalabas niya ng airport.
"Crazy!" Muntik na tuloy siyang mapatalon sa gulat dahil sa lalakeng nagsalita sa likuran niya.
Kaya agad niyang naibaba ang mga braso kaso tumama ang kanyang siko sa noo ng lalake na tumigil pala kanina dahil inaayos ang sintas ng sapatos. Kaya lang pag-angat ng ulo, bigla ring naibaba ni Shemerah ang mga kamay kaya tumama ang kanyang siko sa lalake.
"Ano ba Miss! Wag ka nga basta-basta nalang naniniko!" Asik ng lalaking tinamaan niya.
"Ops! Sorry!" Sincere niyang sabi na napatakip ng bibig. Di naman talaga niya sinasadya e.
Sinamaan lamang siya ng tingin ng lalake. Aaminin niyang may hitsura ito at pansin rin niyang pinagtitinginan na pala sila ng mga tao sa paligid. May mga babae pang nagnanakaw ng pictures sa kanila o sa lalake ba kaya. Kaya lang ang cold ng lalake at ang sungit. Umiling na lamang siya at hinila na ang kanyang maleta paalis.
"Hey! Bro! Naabutan mo ba?" Tawag ng isa sa grupo ng mga nakaunipormeng mga kabataang lalake sa masungit na si Crescent. Makakasalubong nila si Shemerah na nakasumbrero at nakalong-sleeve jacket. Hindi gaanong makita ang kanyang mukha dahil nakayuko siya.
Dire-diretso lamang silang naglakad at walang pakialam kung may mababangga ba sila. Nabanggaan ng isa si Shemerah. Hindi naman kasi niya naisip na mamamangga ang mga kabataang ito at walang pakialam sa paligid. Muntik na tuloy siyang matumba.
BINABASA MO ANG
Suddenly, Unexpectedly! Engaged (On Hold)
Ficção AdolescenteDahil sa pagiging badboy, his parents engage him to someone he doesn't like. Since di niya mababago ang desisyon ng mga magulang naisipan niyang gumawa ng paraan para ang babae na mismo ang umayaw at makiusap na bawiin ang napagkasunduang engagement...