Agad na pinuntahan ni Shemera si Shymin at sinabi rito ang tungkol sa principal."Baka naman mabibigyan mo pa si Mr. Jones ng isa pang pagkakataon." Sabi ni Shymin. Hindi mapagpabaya sa trabaho si Mr. Jones kahit na nagiging bias ito dahil sa babae. Kaya naman nag-aatubili si Shymin na ipatanggal ito
"Kuya. Alam mo bang inaapi ang kapatid mo?" Tanong ni Shemera. May CCTV naman sa classroom nila bakit kailangan ni Shymerah na magtiis sa mga pang-aapi ng iba?
"Alam mo ba na guro na mismo ang nagpasimuno sa pang-aapi sa kanya?" Base kasi sa pakikitungo ng guro kay Shemera, hindi na ito kaaya-aya. Ibig sabihin, ganito rin ang pakikitungo ng gurong ito sa naglayas na si Shymerah.
Totoong walang naaapi kung walang nagpapaapi ngunit walang naaapi kung walang mang-aapi. Hinayaan ng mga nakasaksi kahit pa ng guro nina Shymerah na apihin ang dalaga kaya mas lalong naging kampante ang mga estudyante sa pang-aapi kay Shymerah. Kung agad itong pinigilan ng principal, mangyayari ba ang mga bagay na ito? Kasangkot parin ang principal sa dinaranas na pang-aapi ni Shymerah sa paaralang ito.
"Principal siya. Pero isa siya sa nagbubulag-bulagan sa katotohanan. Sabihin niyo nga, tama bang hindi man lang inalam ang totoo at sasabihan ka na agad na siyang mali? At kung di ako isang Brill, ipapa-expell agad ako? Kundi ko lang siya ginagalang dahil sa kayo ang nagluklok sa kanya sa pwesto siguradong binugbog ko na siya kanina pa."
Ibinigay ni Shemera ang diary ni Shymerah kay Shymin.
Dahil dito nalaman ni Shymin ang pang-aaping dinanas si Shymerah sa loob at labas ng paaralan. Mula sa pagpasok sa paaralan hanggang sa pagsisimula ng klase at kahit nagrereklamo siya sa guro siya pa ang pinapagalitan.
Gusto niyang magsabi sa mga magulang kaya lang busy ang mag-asawa sa kanilang mga trabaho. Gusto niyang ikwento sa kapatid kaya lang palaging kasama ni Shymar ang barkada. Gusto niyang lapitan ang kuya ngunit abala rin ang kuya sa personal nitong buhay. Gusto niyang magkwento kay Emma na personal maid niya kaya lang nakita niyang nalulungkot ito nang dahil sa kanya.
Kaya mas pinili na lamang ni Shymerah ang manahimik. At isinulat sa notebook ang lahat ng kanyang mga nararamdaman at mga saloobin.
Naikuyom ni Shymin ang kamao. Galit na galit na pumunta sa principal's office. Nasuspende ang principal ng ilang buwan habang pinaalis na ng tuluyan si teacher Jenny. Pinag-community service naman ng tatlong linggo ang tatlong estudyante na mahilig magprank kay Shymerah. Dahil dito, wala ng may gustong pagtripan si Shemera.
***
Nakapolo ngayon si Shemera. Naglagay ng panglalaki na kilay at nagsuot ng maikling wig. Sinigurado na muna niyang guwapong-guwapo siyang tingnan bago tumakas sa kanilang tahanan.
Agad siyang nagtungo sa Aeresh eatery. Nakita niya ang isang lalaking may ginintuang buhok na nag-aasikaso ng mga customer. Pagkatapos ibigay ang mga order sa customer nito napatingin siya kay Shemera na kakapasok lamang.
"Shem." Tawag ng lalaki kay Shemera.
5'8 ang height nito, may maouting balat, matangos ang ilong at may nakakaakit na ngiti. 18 years old. Siya si Ryder, isang half-American Filipino na kaibigan at bestfriend ni Shemera.
"Shem. Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Ryder sa kanya. Kahit ano pa mang ayos ni Shemera, siya ang palaging unang nakakakilala rito lalo na't nakita na niya halos lahat ng mga desguise ni Shemera.
Nasa Aeresh eatery sila ngayon. Isang maliit na eatery na ginawa nilang limang magbabarkada.
"May nangyari kaya hindi ako nakarating." Ikinuwento niya kay Ryder kung bakit hindi siya nakarating sa usapan nila na magkita.
![](https://img.wattpad.com/cover/172894469-288-k984598.jpg)
BINABASA MO ANG
Suddenly, Unexpectedly! Engaged (On Hold)
Ficção AdolescenteDahil sa pagiging badboy, his parents engage him to someone he doesn't like. Since di niya mababago ang desisyon ng mga magulang naisipan niyang gumawa ng paraan para ang babae na mismo ang umayaw at makiusap na bawiin ang napagkasunduang engagement...