(Sorry sa matagal na update. Here is the next chapter..)
Sumama ang barkada para makita kung ano ang hitsura ng weird na nerd ng school nila. Nagpahuli pa naman sila pero mas huli pa pala ang babae.
Umupo si Crescent sa table na inihanda para sa date nila. Habang ang magbarkada umupo sa pinakasulok na parte ng restaurant.
“hindi kaya mahuhuli si Crescent? " tanong ni Draco.
"Sino bang pinaka-basagulero dito? Di ba si Cryzt lang? Sino bang mag-aakalang ang neat-freak nating kaibigan mukhang pulubi na ngayon? Hindi non malalaman. Ang arte kaya ni Crescent." Sagot naman ni Phoenix.
"Tingin niyo sa akin dugyot?" Nandidilat ang matang tanong ni Cryzt.
"Di mo pala pansin yon?" Pang-aasar ni Lesthin kaya sinamaan siyang lalo ng tingin.
Hinihintay nilang may papasok na lady riding hood. Ganon naman palage ang ayos ng weird na fiance ni Cryzt e. May iilang pumasok sa restaurant pero nilalayuan si Crescent. Mukha nga kasing gangster na galing makipagbugbugan kaya takot silang mapalapit dito. Dagdagan pa ng sakit sa ilong na pabango.
Ten minutes.... Passed..
"Di na yun sisipot. Natakot yata." Sabi ni Draco.
"Hintay tayo sandali." Sabi pa ni Cryzt.
Twenty minutes passed pero wala paring anino ng babaing weird.
Thirty minutes. Nainip na si Crescent at tatayo na sana nang may babaing naka-rainbow hood ang pumasok. Nakaboots ito ng black at long legs kaya silang mahilig sa long legs napatitig.
"Mukhang ayan na yata." Sambit ni Draco na iniinom ang isang fresh juice.
Nag-angat ng tingin ang nagseselpon na si Crescent at tiningnan ang papalapit na pigura. Di niya maiwasang kabahan.
'Para kay Fara. I can do this." Sambit niya sa sarili. Lumapit ang bagong dating sa table niya. Titisorin na sana niya ito pero nauna itong nagsalita.
"Hi fafa! Ang dugyot mo!" Sabay-sabay na napaubo sina Cryzt at Lesthin. Naibuga naman ni Draco ang iniinom na juice.
Hindi lang kasi bakla ang lumapit, nilait pa si Crescent. Ang neat freak nilang kaibigan, nasabihang dugyot. Gusto tuloy nilang mag-celebrate.
"Bakla si Weird? Kaya pala palaging naghohood." Phoenix said.
"Eeww! Pinagpantasyahan ko pa naman legs niya kanina." Nag-anyo pang nasusuka si Lesthin.
"Get out of my sight!" Cold na sabi ni Crescent sa bakla.
"Di sa likuran mo nalang." Agad na umikot sa likuran ni Crescent si Shymar na nagpapanggap na bakla.
"Gusto mong mabugbog?" Banta ni Crescent pero napatigil dahil pamilyar ang boses ng baklang to. Titingnan na sana niya ang mukha na natakpan ng hood nito pero nagmamadali ng umalis si Shymar. Takot lang niyang mahuli.
Hahabulin na sana siya ni Crescent pero may dumating na naman na nakajacket na may hood. Black hood ang suot nito at may suot na medyas na hanggang tuhod. Kita ang hita nitong maputi sana kaso may parang mga red at black dot.
Long sexy legs, may seductive figure. Na kahit nakajacket halatang sexy parin ito. Wala silang pakialam kung panget ang ayos nito. Ang mahalaga sa kanila na sexy at long legs ito. Kaya lang....
"What is that?" Tanong ni Cryzt.
Ayos na sana e. Pero bakit may BUN-I?
"Parang ring worms bro. Lagot na. Magbibigti na si Crescent. I-rescue na natin." Sambit ni Draco.
Alam nilang ayaw na ayaw ni Crescent ang madumihan tapos may ring worms pa ang ka-date. Kita nila ang paninigas ni Crescent na nakatingin sa hita ng babaing nakajacket na may hood at naglalakad palapit sa table nito.
"No. No. No. Sana hindi siya. Lord. Pangako. Di naulit ako magpapanggap at manloko ng tao. Wag lang siya ang magiging ka-date ko this night."
Panay dasal ni Crescent habang papalapit sa kanya ang babae. Napapigil pa siya nang hininga nang tumapat ito sa table niya. Pero napahinga din siya ng maluwag nang lagpasan siya nito.
"Thank you!" Ang nasambit pa niya at napainom ng juice ng wala sa oras. Kaya lang naglaho ang agad ang nararamdaman niyang relief dahil hinubad lang pala ng babae ang jacket at bumalik agad.
"Hi bhaby ko. I'm sorry I'm late. Nag-ayos pa kasi ako para sayo. Maganda ba?" Nagpose pa sa tapat niya ang babae at umupo sa mesa sabay flipped ng hair na buhol-buhol.
Nabilaokan tuloy si Crescent sa iniinom na juice. Agad namang lumapit ang babae.
"Babe, are you okay?" Lalapitan na sana si Crescent. Sa takot na maglapat ang mga balat nila, nalaglag pa si Crescent sa inuupuan.
"A-ayos lang ako." Sambit niya na umaatras habang nakaupo parin sa sahig.
'O my ghad! I don't want to die." Sambit niya pa. Gusto na niyang tumakbo.
"No. No. No. It can't be her right?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Cryzt. Bakit sa dami ng mga babae ang tulad pa ng mukhang clown na babaing to? Proud pa itong nagpose sa harap ni Crescent. Di ba nito nakikita ang sarili sa salamin?
Buhol-buhol na buhok, makapal na lipstick,makapal na make up na nagmukha tuloy itong clown. Nakasleeveless pa. Ang dami pa namang an-an sa mga braso. Parang an-an na nagkaroon lang ng katawan. Maganda sana ang hugis ng mukha pero yung mga pimples di natakpan ng make up. Parang pimples na nagkaroon ng mukha.
"Why do my parents punish me like this?' Halos maiyak ng sambit ni Cryzt.
" bro, nakikiramay ako." Tinapik-tapik pa ni Draco ang likod ni Cryzt.
"Wag kang mag-alala bro, sagot namin ang kabaong mo." Gatong din ni Lesthin. Gusto na tuloy upakan ni Cryzt ang mga siraulong mga kaibigan.
"Sandali. I-cheer muna natin si Crescent baka magback-out yon." Agad na sambit ni Phoenix at tinex ang kaibigan.
‘gold kaya mo yan! Wag kang susuko.' Text niya.
Napakunot ang noo ni Crescent dahil sa sunod-sunod na text galing sa barkada.
'Wag mo nalang sipain bro, patay ka sa dad niya. Paliguan mo nalang ng alcohol. Ulam din yan.' Galing kay Lesthin.
'Ikaw na bahala diyan Crescent. Utang ko sayo ang buhay ko. I love you bro. Muah!' Text ni Cryzt.
Lalo tuloy gusto ng tumakbo ni Crescent. Bakit kasi siya pumayag sa loko-loko niyang pinsan? Ayan ang napala niya. Gusto na niyang mahimatay on the spot.
Itutuloy...
![](https://img.wattpad.com/cover/172894469-288-k984598.jpg)
BINABASA MO ANG
Suddenly, Unexpectedly! Engaged (On Hold)
Fiksi RemajaDahil sa pagiging badboy, his parents engage him to someone he doesn't like. Since di niya mababago ang desisyon ng mga magulang naisipan niyang gumawa ng paraan para ang babae na mismo ang umayaw at makiusap na bawiin ang napagkasunduang engagement...