Nine ✔

4.4K 48 1
                                    

Dont forget to vote and comment your thoughts heaven readers....

"every page is important like our life we cant skip the pages even if it's the worst."my moto

Chapter nine

————————
"Nathan pov"

Kanina pa ako nangigigil habang nakatingin sa dalawa lalo na nung narinig ko yung halinghing niya kanina sa telepono at para akong mababaliw kaya naman lumabas ako at sakto non na nag doorbell sila mustafa at yuhada kasama si angela at nagkataon naman na kaibigan din pala nila mustafa at yehuda tong boyfriend ni michelle kaya naman sumama ako sakanila at mamaya ko nalang sasabihin ang dahilan dahil kanina parin nila ako kinukulit lalo na si yehuda kung bakit daw gusto kong pumunta dito.

"ang sweet nilang tignan ha!  lagot ka sakin mamaya hindi kita papatulugin"bigla akong napangisi sa naisip ko wala akong masamang ginawa dahil asawa ko siya at babawiin ko siya .

"pre okay ka lang."tanong sakin ng madaldal na yehuda na to.

"wala ka na dun."sabi ko at hinawakan ang kamay ni angela para magselos si yehuda at tantanan ako alam ko kasing may gusto siya kay angela kaso nga lang mag kaibigan kami at ang number one rule namin ay walang magkakagusto sa kaibigan para narin hindi ito magkawatak-watak at parang nakakabatang kapatid ko na si angela kaya wala lang sakanya ang ginagawa ko.

Nakita kong sumama ang timpla ng mukha ni yehuda kaya naman napangisi kong tinanggal ang kamay ko kay angela at tumingin ulit ako kay michelle at nakita ko sa mata niya na parang naiirita siya habang nakatingin sakin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

"guys lets watch a movie tutal naman wala tayong ginagawa."nakangiti niyang sabi bago hinawakan sa kamay si alex.

Alam ko na yang binabalak niya pagseselosin niya ko katulad ng ginawa niya nang makita niya na may kasama akong babae ang kaibahan nga lang ay sa kaibigan niya nung college.

"ako pipili ng palabas."sabi ni yehuda.

"no' ako ang pipili."angela

"okay guys gagawa lang ako ng snack saglit lang ako."sabi ni michelle at dumiretso na sa kusina at ang nakakainis ay sumunod ang bwisit na yon.

"i gotta go then."sabi ni mustafa at tumayo na pero pinigilan siya ni angela siya ang spoiled sa barkada kaya naman lahat kami napapasunod niya pero pag alam niyang wala kami sa mood tahimik lang siya kaya naman umupo ulit si mustafa habang naka poker face parin.

Naiinip ako at hindi mapakali ang utak ko baka kasi mamaya gawin din ng gago na yun ang ginawa ko kanina, Kaya naman tumayo na ako at sumunod sa kusina para makita ko kung anong ginagawa nila at nakita ko silang nagtatawanan kaya naman nakatiim bagang ako nagsisimula na siyang mang inis.

"nang-iinis ba talaga siya o nag-eenjoy talaga na kasama ang alex na yon."

"Michelle pov"

Bigla akong natawa hindi dahil nakakatawa ang joke niya kung hindi dahi ang corny grabe hindi talaga ako makapaniwala seryoso kasi kaming nag uusap tapos babanat siya.

Bigla nalang napa baling ang paningin ko sa pintuan dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sakin at tama nga ako  nakita ko si nathan doon na masamang masama ang tingin samin kaya naman nawala ang ngiti ko bakit ba ako naaapektuhan e siya naman tong unang gumawa non kanina nung may narinig akong babae sa telepono tapos hindi niya pako tinawagan ng binabaan ko siya.

"oh pare may kailangan kaba?"sabi ni alex ng makita niyang nakabaling ang mata ko sa pintuan kaya naman tumingin din siya.

"actually yes?."sabi ni nathan.

My affair to my ex-wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon