Don't forget to vote and comment your thoughs heaven readers.....
Hello heaven reader malapit na siyang matapos kaya sana i support niya ang MATMEW I appreciate your strong and lovely support love you all .....
Chapter thirty-six
-------------------------
"Michelle pov."
Nakaligo na ako at kakalabas ko lang sa banyo ng maamoy ko ang masarap na amoy ng pag-kain parang lalong kumulo ang tiyan ko sa gutom kaya naman dali-dali akong lumabas at pumunta sa kusina at nakita ko sa lamesa ang paborito kong sinigang na baboy na may maraming gulay na nag patakam lalo sa akin dahil nakita ko ang sinangag at tuyo at may scramble egg din.
"nandito ka na pala, kumain na tayo." masaya naman akong umupo sa harapan niya at sinandukan naman ako nito ng kanin at ng lalagyan na ako nito ng sinigang ay tinabig ko ito kaya naman natapon sa lamesa ang dapat na ilalagay niya.
Masama itong tumingin sa akin at nahihiya naman akong tumungo hindi ko din alam kung bakit ko tinabig ang kamay niya parang nag-kusa nalang ang kamay ko ng maamoy ko ang sinigang kaya naman hindi ko din alam kung anong sasabihin ko.
"why? don't you like it." malambing at nag-aalala nitong sabi kaya naman napatingin ako sakanya at nakita ko ang malambot na itsura ng mukha nito na parang nag-aalo ng bata kaya naman na lalo akong na-guilty sa ginawa ko pinag hirapan niyang lutuin yon tapos gaganonin ko lang.
"hey! honey it's okay wag kang umiyak ok lang yon," napatingin ako sakanya ng punasan nito ang mukha ko kaya naman hindi ko napigilang lumapit sa kanya at kumadong sa hita niya bago ko iyakap ang mga braso ko sa leeg niya at isiniksik ang mukha ko bago umiyak.
"sor-r-y hin-di kk-o nam-an sin-asadya n-a tabigi-n yun-g kamay mo e." humihikbi at utal-utal kong sabi sakanya at mas lalong hinigpitan ang kapit sa kanya.
"hon are you okey." nag-aalala nitong sabi habang hinahaplos ang likod ko tumango namang ako bilang sagot ko sakanya.
"your'e weird hon parang madalas na ang pagiging iyakin mo ah, youre now my crying baby huh?" nang aasar nitong sabi kaya naman natatawa kong hinampas siya sa braso bago ko siya hinalikan sa pisngi at bumalik sa upuan ko at kumuha ng tuyo bago itinaas ang paa at kumain ng naka-kamay.
"ba't ba titig ka ng titig diyan hindi ako makakain ng maayos sayo." naiinis ko siyang tinignan at ang sira ngumiti lang sa akin. "kumain kana wag mo nga akong ngitian diyan hindi ka mabubusog." inirapan ko ito bago itinuloy ang pag-kain ko narinig ko naman ang mahinang pag-tawa nito kaya naman masama ko itong tinitigan.
"ang sarap mo kasing kumain nakakagutom parang ang lakas mong kumain nakakatuwa masarap ba kong mag-luto?." napahinto ako ng pag-kain at napatingin sa kanya, malakas ba akong kumain? napatingin ako sa katawan ko at medyo nag-gain nga ako ng weight kailangan ko na atang mag-exercise kahit papaano.
"hey kumain ka pa." nakangiti nitong sabi kaya naman naiinis akong tumayo at nag-hugas ng kamay parang demonyo kasi sa pandinig ko yung sinabi niya nawalan ako ng gana.
"busog na ako."sabi ko dito bago tumingin sa kanya, nag-tataka naman itong tumango bago inubos ang pag-kain niya.
"hindi mo tinikman yung sinigang na niluto ko para sayo." parang saka niya lang naalala na hindi ako kumain ng sinigang kaya naman lumukot ang mukha ko pagkasabi niya palang ng wo rd na sinigang.
"ayoko ng amoy." simpleng sabi ko dito bago umalis sa harap niya gusto ko kasing matulog kahit na kakagising ko palang.
Maya maya pa ay nakita ko ng sumunod ito sa akin bago umupo sa katabi kong sofa at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.
"aalis muna ako."mahina nitong sabi na parang ayaw nitong marinig ko at kung hindi lang ako nakasandal sakanya ay baka hindi ko marinig.
Lumayo ako sakanya at tumingin muna sa bintana at hindi ko alam pero kung anong mga senaryo ang nakikita ko sa utak ko kaya naman naiinis na napailing nalang ako.
"umalis ka ba't nag papaalam ka pa sa akin."mahina kong sabi dito bago tumayo ng maramdaman ko ang mga braso ng pumulupot sa bewang ko at mahigpit na kumapit doon bago ipinailalim ang mukha sa leeg ko.
"i told you i'm going to fix my mess mahal kita michelle at napaka gago ko kung bakit nag-paloko ako sakanya at kung bakit hindi kita naging priority alam kong wala akong kwentang asawa pero hindi ko rin maipapangako na magiging perfect ako kung anong meron ako at kung ano ang nararapat para sayo ay ibibigay ko please sabihin mong kakapit ka pa." nanghina ang mga tuhod ko sa mga sinabi niya pero pilit ko paring pinatatag ang loob ko dahil yun ang kailangan oo nga at nag-pakahina ako dati at tinakasan ang problema naming mag-asawa pero ngayon pa na nalaman kong sa hinaba-haba ng panahon ay siya parin bakit ako susuko kung ang landas na ang nag-bigay ng second chance para saming dalawa.
"please bumalik ka." mahinang sabi ko dito at mas lalo pang humigpit ang mga kapit ng braso niya sa bewang ko at naramdaman ko ang pamamasa ng leeg ko nanginginig kong hinawakan ang kamay niya na nakakapit sa akin at mahigpit yon na hinawakan.
"thank you, thank you hon mahal na mahal kita this time i won't give you a reason to give up but i will give you every day a reason why we should fight for our love."mahina nitong bulong sa tenga ko at ramdam ko ang init ng hininga niya na nalatay sa buong katawan ko hinarap ako nito sakanya at nakita ko ang bakas ng luha sa mga mata niya at pamumula ng ilong at tenga niya dahil sa pag-pipigil ng iyak.
"mag pahinga kana hon pag gising mmo nasa tabi mo na ako." mapupungay ang mga matang nakatunghay ito sa akin kaya naman tumango ako sakanya at nagulat ako ng buhatin niya ako ng pang bridal style at ikinapit ko na lamang ang braso ko sakanya at humilig sa malaki niyang dibdib.
Napapikit nalang ako sa mga braso niya hanggang sa ilapag niya ako sa malambot na kama at hindi ko alam dahil feeling ko talaga wala akong tulog kahit na ang haba haba na ng tulog ko kanina kaya naman hindi ko na namalayan na unti-unti nang bumibigat ang mga talukap at ang huli ko nalng naramdaman ay ang madiin na halik sa aking noo at sa labi.
"i love you michelle i promise pag-gising mo wala kanang po-problemahin pa patawad sa mga nagawa kong kasalanan rest well hon." huli kong narinig bago ako tuluyang lamunin ng antok.
-------------------------------------------
Authors note:
So next chapter niyo na malalaman kung bakit nagawa ni nathan yon at pov's niya next chaper kaya goodluck comment your thoughs about this chapter and i highly appreciated it love lots by your loving author MAHABAGINGLANGIT ❤💕
BINABASA MO ANG
My affair to my ex-wife
Narrativa generaleHighest rank💖 1#-hotness 1#maturity 1#fobidden 4/25/2019 #4Marriage 5/1/2019 Every time you make a decision you should make it the way you wanted it to be because if you failed to make it right someone might missed and that's how she slipped out of...