Bakit nga ba tayo iniiwan?
Kasi may kulang?
Bakit tayo kailangan iwanan?
Kasi meron ng ibang mahal?
Sapat ba yun na dahilan
Para kami ay inyong saktan?
Hindi ko naman nilalahat ang kalalakihan at kababaihan
Eto ay para lang dun sa matatamaan
Matatamaan kasi minsan ng nang-iwan
Masaya ba sa pakiramdam?
Yung nakakakita ka ng matang luhaan
Yung may magmamakaawa na wag mong iwan
Minsan nga may nagpapakamatay na lang
Kasi hindi nila makayanan
Masaya ba sa pakiramdam?
Yung panahon na iniwan mo siyang luhaan
Tapos malalaman mo na lang na pinaglalamayan
Pero hindi yun ang dapat nating malaman
May mga tao naman talagang dapat lang na iwanan
Kasi may mga ugali tayong di nagugustuhan
Pero sana, iwan natin sa maayos na paraan
Hindi yung sobra pa nating sasaktan
Kasi dapat lagi nating tandaan
Na kapag mayroon tayong iniwan
Kahit gaano pa tayo kamahal niyan
Hindi na natin yan magagawang balikan
Kasi natuto na yan
Na wag ka ng pagkatiwalaan
Kaya pagsisisihan mo na lang
Kasi yung dati mong sinayang
Makakahanap ng bagong pagmamahal
At babalewalain ka na lang
Na parang wala kayong pinagsamahan.
YOU ARE READING
Short Spoken Poetry
Poetryspoken poetry na kung saan maghahatid sa inyo ng lungkot at sakit.. Tula na mabilis kayong makakarelate.. Yun ay kung di kayo pusong bato hahahaha.. peace tayo.. So enjoy reading.. Tumatanggap din ako ng comments 😊... Labyah all P.S first time ko p...