Alam mo bang hinihintay kita?
Hinihintay kita kasi nakakamiss ka na
Miss ko na yung dating saya
Miss ko na yung closeness nating dalawa
Di ko naman sinasabi na wala ka na
Siguro nangungulila lang ako kasi malayo tayo sa isa't isa
Yung tipong hindi kita mahahawakan pa
Hindi na rin kita nakikita
Bumalik ka na
Andito lang ako at inaabangan ka
Bawat oras iniisip kita
Bawat minuto, gusto kitang makausap pa
Ang gulo lang diba?
Umaakto ako na merong tayong dalawa
Kahit wala naman talaga
Ang weird ko na ba?
Siguro nga yun ang iyong nakikita
Pero nasabi ko na ba sayo na mahal na kita?
Hindi pa diba?
Oh ngayon alam mo na
Hinihintay lang naman kita
At oras na bumalik ka
Pangako, di na tayo magkakahiwalay pa.
YOU ARE READING
Short Spoken Poetry
Poetryspoken poetry na kung saan maghahatid sa inyo ng lungkot at sakit.. Tula na mabilis kayong makakarelate.. Yun ay kung di kayo pusong bato hahahaha.. peace tayo.. So enjoy reading.. Tumatanggap din ako ng comments 😊... Labyah all P.S first time ko p...