Gusto ko lang na malaman mo
Ok lang ako
Hindi na ako apektado
Sa ginawa mong panloloko
Panloloko na akala mo ako na yung talo
Pero yan ang akala mo
Dahil sinabayan ko lang ang larong gusto mo
At kung akala mo ikaw na ang panalo
Aba siguraduhin mong yun ang totoo
Akala mo ba magpapakatanga pa ako sayo?
Na hahabulin ko ang manlolokong tulad mo?
Magpapakapagod pa ba ako?
Kung pwede naman na kitang ihatid papuntang impyerno 😏
Hindi ka nababagay dito sa mundo 😪
Dun ka sa mga kapwa mo demonyo
Akala mo ba magmumukmok ako sa kwarto?
Akala mo ba magpapakapuyat ako para iyakan ang tulad mo?
Simulan mo ng tumalon ng tatlo
Dapat una ang iyong ulo
Hindi ko sasayangin ang mga luha ko sayo
Wala ka naman kwentang tao 😏
Aaminin kong nasaktan mo ako
Pero hanggang dun lang ang naibigay mo
Dahil kaya kong bumangon muli ng wala ka na sa buhay ko.
YOU ARE READING
Short Spoken Poetry
Poetryspoken poetry na kung saan maghahatid sa inyo ng lungkot at sakit.. Tula na mabilis kayong makakarelate.. Yun ay kung di kayo pusong bato hahahaha.. peace tayo.. So enjoy reading.. Tumatanggap din ako ng comments 😊... Labyah all P.S first time ko p...