Totoo ba talaga?
Kapag mahal ka, babalikan ka?
Eh bakit ba iniwan ka niya?
Kung babalik din naman pala siya?
Tama ba na bigyan ng pagkakataon pa?
Kahit hindi mo na sigurado kung magwowork pa ba?
Naramdaman ko na naman
Yung kilig na dati mong pinaparamdam
Naaalala ko pa kung paano natin to sinimulan
Lagi tayong nagbibiruan
Nahuhulog na pala tayo ng hindi natin namamalayan
Sinimulan natin yun pag usapan
Umamin ako ng aking nararamdaman
Hindi ang sarili sa iyong magiging kasagutan
Pero ang saya ko ay walang paglagyan
Nung sinabi mo na ako rin pala ay iyo ng nagugustuhan
Nakuntento ako kahit na walang pinanghahawakan
Hindi ko alam kung tayo ba o M.U lang
Akala ko yun na ang pangmatagalan
Ngunit tulad ng iba, hanggang pansamantala na naman
Kasi bigla kang hindi nagparamdam
Bawat message ko, binabalewala mo lang
Kahit alam kong nababasa mo naman
Hanggang sa dumating na yung aking kinakatakutan
Bigla mo na lang akong iiwan
Sabi mo hindi mo gusto mo na akong bitawan
Di dahil wala ka ng nararamdaman
Kundi dahil ikaw ay nahihirapan
Inintindi kita
Kahit ang sakit sobra
Ilang buwan kang nawala
At ngayon bumalik ka
Sinabi mo na ako ay gusto mo pa
Ako namang si tanga
Nagpadala na naman sa iyong mga salita
Di na inisip kung maiiwan na naman ba akong lumuluha
Pero ano pa ba ang aking magagawa?
Mahal kita at hanggang ngayon, ikaw pa rin at wala ng iba
Sana ngayon, panindigan mo na
Dahil di ko na yata kakayanin pa
Kapag naulit na naman yung dati mong ginawa
Mahal kita
Kaya pipiliin ko na lang magpakatanga.
YOU ARE READING
Short Spoken Poetry
Poetryspoken poetry na kung saan maghahatid sa inyo ng lungkot at sakit.. Tula na mabilis kayong makakarelate.. Yun ay kung di kayo pusong bato hahahaha.. peace tayo.. So enjoy reading.. Tumatanggap din ako ng comments 😊... Labyah all P.S first time ko p...