Bawat tao may dinadalang problema
Minsan kinakaya, minsan sinusukuan na
Mahirap kapag mag-isa
Yung tipong wala kang mapagsabihan kasi walang nagpapakita ng halaga
Walang mapagsabihan kasi walang gustong makisama
Ang hirap at ang bigat kapag mag-isang dinadala
Nagagawa mo na lang umiyak dahil sa bigat ng nadarama
Masarap tumakas sa mundong puno ng pagdurusa
Masarap magtago at wag na lang magpakita
Sa bawat araw na dumaraan
Para bang lalo lang nadaragdagan
Mga problemang araw-araw mong pinapasan
Napapaisip kung wala na bang katapusan
Mga kaibigang nangako na ikaw ay sasamahan at dadamayan
Ngayon ay hindi mo na alam kung nasaan
Nakakasama mo lang sa oras ng kasiyahan
Pero naiiwan kang mag-isa kapag problema na ang pinag-uusapan.
Sa mundong ating ginagalawan
Kawawa ka kung hindi ka marunong makipagsabayan
Kakawawain ka kapag hindi ka marunong lumaban
Sa mundong ating ginagalawan
Problema ang unang bagay na mahirap takasan
Sa bawat araw na dumaraan
Kakaharaping pagsubok ay tila ba walang katapusan
Sa dilim ay tahimik na nagdarasal
Humihingi ng tulong sa Poong Maykapal
Mga luha ay patuloy na naglalabasan
Ang labi ay hindi na nababakasan ng kasiyahan
Tanging dalangin ay bigyan ng lakas ng kalooban
Upang kaharapin ang bukas at subukan muling lumaban.
YOU ARE READING
Short Spoken Poetry
Poetryspoken poetry na kung saan maghahatid sa inyo ng lungkot at sakit.. Tula na mabilis kayong makakarelate.. Yun ay kung di kayo pusong bato hahahaha.. peace tayo.. So enjoy reading.. Tumatanggap din ako ng comments 😊... Labyah all P.S first time ko p...