Ano nga ba ako?

113 1 0
                                    

Babaeng di mababakasan ng kalungkutan
Mga problema ay pilit na tinatawanan
Umaasang ito ay malalampasan
Naniniwalang ito ay pagsubok lang
Masyadong naging kampante sa pinagdadaanan
Ngayon ay hindi na mahanap ang kasiyahan
Hindi alam kung meron pang patutunguhan
Tinalikuran ang mga sariling kagustuhan
Tinalikuran maging ang mga kaibigan
Hindi alam kung paano pa malalampasan
Wala ng kahit sino pang masandalan
Nagpapadala na lang sa agos ng kinabuhasan
Mga ngiting hindi na alam kung paano ipapakita
Tanging mababakas na lang sa mata ay pagluha
Pilit umaahon sa pagkakabaon sa lupa
Nabubuhay siya sa mundong hindi niya kontrolado
Dahil pati siya ay kinokontrol na ng mga tao
Hinahanap ang lugar niya sa mundo
Tanging kinakapitan na lang ay kanyang anino
Nagmumukmok na sa sariling kwarto
Nakikinig ng mga musika sa telepono
Ano nga bang buhay meron siya?
Ano nga bang halaga ng buhay niya?
May paraan pa ba para sumaya?
O tama bang sumuko na?

Short Spoken PoetryWhere stories live. Discover now