Maskara

158 1 0
                                    

Iba't ibang klase ng maskara
May nakangiti, malungkot at tumatawa
Maskarang nagagamit ng bawat isa
Kung nais itago ang tunay na nadarama
Emosyon na pinaniniwalaan ng iba
Tanging saya lang ang nakikita
Sa harap ng iba ay pilit na tumatawa
Sa harap ng iba ay para bang walang problema
Akala ng iba ay totoong matatag ka
Pero yun lang talaga ang akala nila
Dahil sa kabila ng masaya at nakangiti mong maskara
Ay ang patuloy na pagpatak ng luha sa iyong mga mata
Nandun yung sakit na mag-isa mong dinadala
Nandun yung lungkot na pilit mong tinatago sa kanila
Nandun yung takot na baka maiwan kang mag-isa
Kapag sinubukan mong maglabas ng drama
Natatakot na baka tawanan ka
Na baka maramdaman mo na hindi ka mahalaga
Kaya sa maskarang iyong kinakapitan
Nakatago ang bigat ng iyong kalooban
Umaasang may makapansin na isang tunay na kaibigan
Na handang makinig kapag kailangan
Yung handa ka rin damayan
Yung walang plano na ikaw ay talikuran
Yung taong handa na ang luha sa mata mo ay punasan
Pero hanggang pag-asa na lang
Dahil sa mundong ating ginagalawan
Kaunti na lang ang may pakialam
Sa mundong ating kinabibilangan
Mas nauuso na ang plastikan
Lahat ay may maskarang hinahawakan
Mahirap ng paniwalaan kung ano ang katotohanan
Hindi na alam kung sinong dapat pagkatiwalaan
Hindi na alam kung sino ang dapat lapitan
Tanging maskara na lang ang nagiging sandalan
Pagpapanggap na lang ang tanging paraan
Para hindi ka na sobra pang masaktan.

Short Spoken PoetryWhere stories live. Discover now