Hindi ko na alam ang tunay kong nadarama
Hindi ko na alam kung lalaban pa ba o susuko na
Mahal, alam kong nasasaktan ka na
Hindi ko na naiibigay yung saya
Yung saya na naramdaman mo noong una tayong nagkakilala
Napapatanong ako kung deserve pa ba kita
Kung dapat pa bang panghawakan ka
Hindi ko na magawang titigan ka sa mata
O kahit sabihin ang salitang "Mahal Kita"
Alam kong hindi mo na kaya
Bakit ba hanggang ngayon lumalaban ka?
Maiintindihan ko naman kung susuko ka na
Nasasaktan nakita ng sobra
Ayaw na kitang saktan
Ayaw na kitang mahirapan
Bakit ayaw mo pa akong bitawan?
Pareho na lang tayong nasasaktan
Pero alam mo bang ang saya ko?
Kasi dumating ka noong pakiramdam ko ay tinalikuran na ako ng mundo
Minahal kita ng totoo
Napapasaya mo ako ng todo
Pero makakaya pa ba natin ito?
Masasalba pa ba natin ang tayo?
Mahal, di ko na alam kung paano
Malaki na ang aking pinagbago
Hindi ko yun itatanggi sayo
Hindi na ako nangangako
Kasi lagi lang napapako at lagi kitang nabibigo
Alam kong konti na lang, susuko na ang iyong puso
Kung susuko ka na talaga
Hayaan mo muna akong yakapin ka
Pahirin ang luha sa iyong mga mata
Hahayaan kong tumalikod ka
Papanuorin kong ihakbang mo ang iyong mga paa
Hanggang sa maiwan akong mag-isa
Hahayaan kong makahanap ka ng iba
Dahil karapatan mo ang sumaya
Hahayaan kong maiwan akong may luha rin sa mga mata
Hindi dahil sa ako ay masaya
Kundi dahil wala ka na
Tuluyan ng nakalaya sa pagkakakulong sa tulad kong walang kwenta
Hiling ko lang ay sumaya ka
Kahit hindi dahil ko, kundi dahil ng iba
Alam ko naman na mahal pa rin kita
Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko maipakita
Siguro nga, isa akong tanga
Dahil yung taong minahal ako ng sobra
Puro sakit at hirap ang aking naipadama
Mahal, mahal na mahal kita
Kaya papalayain ka na
Kailangan mo na ng pahinga
Kung tayo talaga para sa isa't isa
Si tadhana na ang gagawa ng paraan para muli tayong magkasama
Siya lang ang nakakaalam kung saan o kung kanino tayo sasaya.
YOU ARE READING
Short Spoken Poetry
Poetryspoken poetry na kung saan maghahatid sa inyo ng lungkot at sakit.. Tula na mabilis kayong makakarelate.. Yun ay kung di kayo pusong bato hahahaha.. peace tayo.. So enjoy reading.. Tumatanggap din ako ng comments 😊... Labyah all P.S first time ko p...