Hindi ko alam kung paano sisimulan
Kasi hindi ko alam kung bakit natin kailangan wakasan
Hindi ko alam kung ako, o ikaw ba ang may pagkukulang
O baka naman nasobrahan?
Mahal, wala naman tayong pinag-awayan
Sa lahat ng gusto mo, ikaw ay pinagbibigyan
Sinusuyo naman kita kapag tayo ay nagkakatampuhan
Mahal, naaalala mo ba nung tayo pa?
Ang saya naman natin sa tuwing tayo ay magkasama
Lagi mo pa nga akong pinagtitripan, diba?
Naaalala mo din ba
Naaalala mo ba nung panahon na may kausap kang iba
Binalewala ko yun kasi sabi mo kaibigan mo lang siya.
Mahal, nung tayo pa
May nagawa ba ako para masaktan ka?
Meron ba tayong naging problema?
Mahal, sa totoo lang ayaw ko ng maalala
Ayaw ko ng maalala na minahal kita
Ayaw ko ng maalala na may isang ikaw na minahal ko ng sobra
Binigyan naman kita ng halaga
Halaga na nararapat mong maramdaman kasi mas pinili mo ako kesa sa kanila
Halaga na gusto kong ikaw lang ang makadama
Halaga.
Oo halaga.
Halaga na hindi mo sakin pinadama
Mahal, ang saya ko nung nakilala kita
Ang saya ko na dumating ka
Hindi ko alam kung bakit ko binabalikan
Pilit kong binabalikan ang nakaraan
Kasi nung tayo pa, hindi ko naisip na ika'y bitawan
Nung tayo pa, nangako tayo ng walang hanggang pagmamahalan
Nung tayo pa, ang sarap lang balikan
Pero naisip ko lang
Mahal, nung tayo pa, masyado mo na din akong sinaktan
"Nung tayo pa" yan ang bagay na ayaw ko na talagang balikan
At bagay na ayaw ko na ulit maranasan
Magpapatuloy na ako sa pagharap ng aking kinabukasan
Dahil mahal, oras na para ibaon ka sa nakaraan.
YOU ARE READING
Short Spoken Poetry
Poetryspoken poetry na kung saan maghahatid sa inyo ng lungkot at sakit.. Tula na mabilis kayong makakarelate.. Yun ay kung di kayo pusong bato hahahaha.. peace tayo.. So enjoy reading.. Tumatanggap din ako ng comments 😊... Labyah all P.S first time ko p...