Martyr

109 0 0
                                    

Tanga ba ako?
Kasi kahit nasasaktan ako, sinusuportahan ko pa rin kayo?
Kahit na kaibigan ko ang gusto mo
Boto pa rin ako sa inyo
Alam kong hindi ka niya gusto
Pero ipinupush ko pa rin ang "Kayo"
Hindi naman siguro ako tanga,  diba?
Gusto ko lang na parehas kayong maging masaya
Kaibigan kita at kaibigan ko siya
Gusto mo siya pero may gusto siyang iba
Gusto kita, pero gusto mo siya
Ang gulo naman talaga
Pero kahit ganun, susuportahan ko kayo para sa isa't isa
At kung sakali man na magustuhan ka na rin niya
Alam kong di ka niya sasaktan pa
Kasi kilala ko siya
Mamahalin ka niya ng higit pa sa sobra
Alam kong dun din ang punta niyong dalawa
Inamin mo sa akin na mayron ka ng nagugustuhan
Kasi lagi rin kayong may pinag-uusapan
Alam kong ako ang inyong magiging sandalan
At sinabi ko pa na kapag meron na rin siyang nararamdaman
Dapat ako ang unang makakaalam
Gusto kong ang feelings niyo ay maging mutual
Kasi yun ang iyong magiging kasiyahan
Gagawin ko ang lahat ng aking makakayanan
Kahit ako na ang maging daan
Para kayo ang magkatuluyan
Magpapakamartyr na lang
Dahil ayaw kong masaktan ka na naman
Sakaling hindi ka niya magustuhan
Tanggap ko kahit na sobra akong masasaktan
Pero dahil parehas ko kayong kaibigan
Nagkakilala kayo dahil sa aking kalokohan
Kalokohan na magiging dahilan ng aking kabiguan
Hindi ko alam na akin itong mararanasan
Dati kasi tinatawanan ko lang
Kapag may nagpapakamartyr para sa taong mahal
Pero ngayon alam ko na ang pakiramdam
Gusto lang pala nila na makita ang kanilang pinakamamahal
Sa kanya mo yun mararanasan
Sa kanya mo lang yun mararamdaman
Alam kong ako ay hanggang kaibigan niyo lang
Alam kong balang araw isa ako sa inyong papasalamatan
Magagawa ko naman kayong ngitian
Pero bigla ko na lang kayong tatalikuran
Dahil baka makita niyo ang mata kong luhaan
Masasaktan ako kahit walang karapatan
Hindi ko naman yun maiiwasan
Basta tandaan niyong ako ay nandito lang
Ang MARTYR niyong KAIBIGAN.

Short Spoken PoetryWhere stories live. Discover now