Sinayang Mo Lang Ako

162 0 0
                                    

Hindi ako perpektong tao
Aaminin ko na may mga pagkakamali din ako
Na hindi ako yung taong pinapangarap mo
Na hindi ako yung taong bubuo ng panibago mong mundo
Na kaya mo akong palitan ng bago
Pero isa lang ang tanging sigurado
Palitan mo man ako, ikaw ang manghihinayang hindi ako
Nagagawa mo akong saktan
Nagawa mo akong bitawan
Nagawa mo akong palitan
Pero ang hinahanap mong pagmamahal
Sa akin mo lang mararamdaman
Dahil mahalin ka man nila, sa huli ikaw rin ang masasaktan
Hindi naman sa aking pinangungunahan
Gusto ko lang na iyong malaman
Na hindi porket ako ang iyong iniwan
Ako na agad ang masasaktan
Oo, iniwan mo ako ng ganun na lang
Binalewala mo na parang isang basahan
Pero kaya kong ipamukha sayo na hindi ka kawalan
Na kahit nagawa mo akong iwang luhaan
Kayang-kaya kitang ngitian
Sayang lang ang aking mga pinaghirapan
Sayang yung mga ibinigay kong pagmamahal
Napunta lang sa walang karapatan
Karapatan na sumaya kahit minsan
Tapos na akong mahalin ka
Hindi dahil alam kong wala ka na
At hindi ka na babalik pa
Wala naman akong balak na habulin ka
O kahit magpakatanga
Tama na yung mga ipinaramdam kong pagpapahalaga
At kung makahanap ka man ng iba
Icocongratz ko siya
Papaalalahanan ko na rin pala
Dahil alam kong kahit pangakuan mo siya
Kung mapupunta siya sa tulad mong hindi marunong magpahalaga
Alam kong sa akin siya magagaya
Na kapag sawa ka na
Lilipat ka na naman at hahanap ng iba
Kawawa lang diba?
Ayaw kong makitang may luha ang mga mata niya
Kasi hindi dapat kami o siya ang masaktan ng sobra
Kundi ikaw na hindi marunong makuntento sa isa
Makuntento ka man, hindi sa isa
Kundi sa dami ng iyong reserba
Pero hindi yun ang aking binibigyan ng halaga
Kundi yung pagmamahal ko na nasasayang lang pala
Darating yung araw na manghihinayang ka
Sinayang mo ako na mahal ka ng sobra
Sinayang mo ako na ang gusto ay ikaw ang sumaya
Sinayang mo ang taong nagmahal sayo ng sobra pa sa sarili niya.

Short Spoken PoetryWhere stories live. Discover now