PROLOGUE
Nandito ako sa harap ng Monreal Corporation para mag-apply bilang secretary.
Huminto ang taxi na sinasakyan ko sa harap ng Building. Tumingala ako para makita ang kabuuan ng building. Sobrang tayog!
"Monreal Corporation here I come" sabi ko sabay dipa sa mga braso ko na parang yayakapin ako ng building.
*Piiiiiiiiiiiiip*piiiiiiiiiip*piiiiiiiiiiiiiip*
Nagulat ako ng may narinig akong busina.
"Hooooooyyyyy, siraulo ka ba? Gusto mo ba akong mamatay ? Ha !" Sigaw ko dun sa lalaking nasa sasakyan.
Kinalampag ko ang bintana ng kotse niya at binababa niya naman ito.
Ng binaba niya na ang bintana nakakita ako ng isang anghel na nakakunot ang kilay. Meron bang ganon.?
Sobrang gwapo niya nakasuot ng isang potter eye glass. Nakabusangot at nakakunot ang noo pero gwapo parin.
"It's not my fault miss, you've been blocking my way. "Mahinahon niyang sabi. It's just a simple sentence pero ang lakas ng dating.
"So I guess wala ka ng masabi, Can I go now I have so many meetings to attend ." Sabi niya na nakapoker face parin.
Wala akong masabi . Umalis na yung masungit na lalaki. Sayang gwapo sana kaso masungit tsaka cold hayysst.
Nabahiran na tuloy bad vibes ang araw ko.
Kahit na mayroon ng nakasira ng araw ko positibo parin akong magiging maayos ito.
Pumasok na ako sa Monreal building at agad na pumunta sa floor na sinabi ng nasa frontdesk kung saan may Hiring ng Secretary.
Agad akong umupo sa upuan at dumagdag sa mataas na pila.
Nagpaypay ako sa sarili ko dahil ramdam ko na pinagpapawisan na ako."Hi , what's your name?" Tanong ng babaeng katabi ko sakin.
"I'm Psyche Yela Garcia" sagot ko .
Siya naman ang nagpakilala.
"Ako pala si Janara Maris Ferrer" pakilala niya naman sa sarili niya at naglahad pa ng kamay.
Inaabot ko ang kamay niya.
"Nice too meet you" sabi niya.
"Nice to meet you too" sagot ko naman.
Nag-usap kami ng iba't ibang bagay tulad ng saan kami nakagraduate, saan kami nakatira at kung ano-ano pa. Sino crush namin at ano ang motto in life. Parang slam book lang.
Dahil sa daldal niya hindi na niya namalayan na siya na pala ang susunod na iinterview-hin
"Good luck, fighting!"Sabi ko at pinapatibay ang loob niya
She mouthed thank you at pumasok na sa loob para sa interview. Ako at nagsisimula naring kabahan
Ilang sandali lang ay lumabas na siya sa silid kung saan siys ininterview.
"Kumusta?" Tanong ko kahit halata na sa mukha nya na naging maayos ang interview.
"Sabi ay 'I will call you if you passed the qualification'"sabi niya na tila nanggaya pa ng boses ng lalaki.
"Ibig sabihin may chance? Congrats in advance huh! " Sabi ko sa kanya. At nagpasalamat naman siya at sobrang tuwa dahil nairaos niya ang kanyang interview sa pinakamalaking companya sa buong bansa at kahit sa ibang bansa.
"Ms. Psyche Yela Garcia" narinig kong may tumawag kaya nilingon ko agad ang babae na naka corporate business attire.
Sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya kaya yun ang ginawa ko. Si Janara naman ang nag good luck sakin . Habang naglalakad ako papasok sa office ay unti-unting lumakas sng kabog ng dibdib ko
"Sir, here's the next applicant" sabi nung babae sa lalaking nakatayo sa may glass wall kung saan kitang kita mo ang kabuuan ng Metro Manila.
Dahan-dahang lumingon sakin ang lalaki na may dalang wine glass.
"I-ikaw?" Natulala ako sa lalaki na nasa harap ko.
❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
PLAYING WITH FIRE ( Seducing Series #3)
RomanceWhat if Fire meet someone who look exactly with his deceased ex girlfriend? Is destiny playing with FIRE?