Makita Kang Muli

380 68 52
                                    


MAKITA KANG MULI
Isinulat ni: Zurichian

Pagsabog ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. Nasundan pa ito ng maraming beses. Palakas nang palakas ang pagsabog. Napuno ng makakapal na usok ang buong paligid. Akala ko ay ito na ang katapusan ng mundo. Mukha kasing tumigil ng ilang sandali at maya maya ay narinig ko ang ilang iyak at hinagpis ng aking mga kababayan.

Pinilit kong tumayo sa kabila ng iniindang sakit ngunit dahil sa mga bubog na tumama sa 'kin ay hindi ko magawang bumangon. Masakit ang aking likuran. Biglang kumirot ang tuhod ko at nang tingnan ko iyon ay may ilang sugat.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Sira at hindi na maipinta ang itsura ng mga bahay na naroon maging ang simbahang saksi ng aming pagmamahalan. Muli kong sinubukang bumangon at sa pagkakataong ito, unti-unti na akong nakagalaw.

Nabuhayan na ako ng pag-asa na makabangon mula sa aking kinalalagyan ngunit sumunod ang isang malakas na pagsabog na dahilan para lamumin ako ng dilim.

Ako si Marga Delos Santos at ito ang aking kuwento sa gitna ng madugong bakbakan sa Marawi.

Important Notice:

This story was a project and intended for Philippine History with a topic of Modern Philippine Issue. The author write this story to show and give inspiration to all survivors out there and to all readers to not lose hope in life. Happy reading!

You can check the multimedia section to listen the song "Makita Kang Muli" by Sugarfree.

Maraming salamat!

Makita Kang Muli (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon