PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPAMATAPOS ang usapan nina Marga at Asylum ay nagpasalamat pa rin si Marga dahil sa kabaitang taglay ng lalaki. At kinabukasan, pagsabit ng tanghalian habang patuloy sa pagkain ang lahat ng kasapi ng Maute ay isinagawa ang pagpapalaya ni Asylum kay Marga sa kamay nila. Bago pa tuluyang lumabas ay binigyan ni Marga si Asylum ng mainit na yakap bilang pasasalamat sa kabutihang ibinigay nito. Nangako rin si Marga na babalik siya upang iligtas ang mga kababayang iniwan niya.
Matagumpay na nakalaya si Marga ngunit ng makarating na siya sa maraming kakahuyan ay nakarinig siya ng isang malakas na putok ng baril. Alam niyang galing iyon sa kota ng mga Maute. Napabuntong-hininga lamang siya sa pag-alalang paglaya sa kanya ni Asylum. Batid niyang nahuli siya at pinatay. Kaya ganun na lamang ka bilis ang pagtakas ni Marga dahil sa pagkakataong ibinigay. Itinatak niya sa kanyang isipan na dapat hindi sayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya ni Asylum.Pagkarating na pagkarating niya sa bayan nila ay ganun pa rin ang mukha nito. Wala itong ipinagbago nang lisanin niya ito. Nangako siya na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng kababayan niyang Marawi. Nagulat na lamang siya ng may tumunog na pagbunot ng armas sa likuran niya. Agad niya itong nilingon at nasapo niya ang kanyang dibdib dahil sa dulot nitong kaba.
- - -
MASAYA ang pagtatapos ni Francisco. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang pangarap niyang maging sundalo. Matapos ang ilang taon ng pag-aaral ay nakapagtapos na rin siya sa wakas. Mas lalong naging masaya pa siya dahil sa wakas mababalikan na niya ang lupang kanyang kinagisnan. Nasasabik siyang pumunta roon upang makipagbakbakan sa patuloy na giyera. Nalaman na rin kasi nila na may mga taong binihag ng Maute Group ayon sa ulat ng isang taong nakaligtas sa kamay ng Maute. Muling nabuhay ang pag-asa ni Francisco na baka ay buhay pa rin sa ngayon ang mahal niyang si Marga.
Umabot na sa isang daan at siyam ang buhay na nasawi ng nga mga sundalo kaya inaasahan na sa susunod na araw ay ibabala na sila roon upang matigil na ang mahigit ilang taong sagupaan. Marami na rin ang bilang ng mga sugatan sa hanay ng ng mga gobyerno. Tinataya ring aabot sa ilang bilyong halaga ang mga nasirang ari-arian sa naganap na pagsabog. Aminado ang kampo ng mga militar na llamado sila mas gamay ang Maute Group sa kanilang lugar. Mas alam nila ang pasikot-sikot at pagtatago dahil sa matagal na paniniharan ng grupo sa lugar.
Sumapit na ang araw kung saan nakatakdang sumabak na sa madugong labanan si Heneral Francisco Baltazar. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Francisco na isa na siyang ganap na sundalo. Parang kahapon lang ay nangangarap pa lang siya at ngayon ay natupad na niya ito. Naghanda muna sila sa lahat ng mga gagamitin sa pakikipaglaban. Armas at mga bala na sinisigurado nilang magagamit sa gitna ng bakbakan. Nagdasal muna sila bago lumipad patungong Marawi City.
Todo dasal ang ina ni Francisco na si Clarissa na sana ay maging ligtas ang anak niya sa labanan. Habang ang ama niyang si Franklin ay umaasa na matutupad ni Francisco ang hamon niya. Sa kaloob-looban naman sa puso ni Franklin ay hanga sa kanyang anak ngunit ipinapakita lamang niya ang pagiging istrikto upang lumaki at may aral na makuha si Francisco. Dapat na sa pagkamit ng tagumpay ay kailangan ng tiyaga at determinasyon upang maabot ito. At sa kalayaan ng Marawi na hinahangad niya, kinakailangan na may tapang at lakas ng loob na harapin at labanan ito upang malasap ang tunay na kalayaan.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ang sasakyang panghihimpawid na sinasakyan nila. Agad na nagkaroon ng maikling pag-uusap lahat ng militar bago lumusob sa kampo ng Maute Group. Ipinakilala rin sa kanilang harapan ang babaeng itinuturong nakatakas sa kampo ng kalaban. Ang babaeng pinagbatayan sa lahat ng impormasyon na nakuha nila mula sa lugar na pinagtataguan ng Maute Group, mga kasamahang kasalukuyang ginawang alipin sa kamay nila at ang planong pagtayo ng islamikong panlalawigan. Ang matapang na babaeng iyon ay wala iba kundi ang inaasam-asam at matagal ng hindi nakikita ni Heneral Francisco Baltazar, si Marga Delos Santos.
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli (Completed)
RomanceDalawang taong may pangarap sa sarili, pamilya at bayan. Hanggang saan dadalhin ng pangarap sina Francisco Baltazar at Marga Delos Santos sa kabila ng kaguluhang nagaganap sa kanilang paligid? Kaguluhang pipigil sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap...