Kabanata VII

76 33 9
                                    

SAGISAG NG BABAE

ANG pagiging babae ay kilala bilang mahina. Kaya sa oras na ito pinatunayan ni Marga na ang paniniwalang iyon ay isang mali. Matapos makita siya ng isang sundalo na palakad-lakad sa lugar na nagmimistulang ghost town na. Dinala si Marga sa kampo ng mga militar. Pagdating niya ay pinakain muna siya at pagkatapos ay binigyan ng damit para maligo at makapag-ayos sa sarili. Laking pasasalamat lamang ni Marga na sundalo pala ang tumutok sa kanya ng armas at hindi isang kasamahan ng Maute Group. Hanggang ngayon ay nagpapasalamat pa rin siya sa pagkakataong ibinigay ni Asylum sa kanya kapalit ang buhay nito. Naniniwala si Marga na ang masasama talaga ay mayroon pa ring kabutihang taglay na bahagi ng kanilang puso. Ang kailangan lamang nito ay taong uunawa sa kanila upang mabuksan ang kabutihang ito.

Matapos ang pag-aayos niya ay nagpahinga muna saglit si Marga dahil ayon sa sinabi ng sundalo sa kanya may hinihintay pa silang kasamahan na paparating. Kinakailangan ang salaysay ni Marga sa mga ito upang malaman ang kota kung saan nagtatago ang mga Maute. Nakuha agad naman ni Marga ang bilin sa kanya ng sundalo kaya minabuti niyang magpahangin na lang muna. Nais niya ring alalahanin ang sinapit ng pamilya niya. Nagdasal na rin siya na sana ay patnubayan ang kaluluwa ng pamilya niya ng Panginoong Hesus. Unti-unti na ring tinanggap ni Marga ang lahat ng pait at sakit na nararanasan niya dahil alam niyang may plano ang Diyos sa lahat. Mas makapangyarihan ang Diyos sa tao. Buong puso na lang tatanggapin niya ang tadhang ito dahil alam may maganda at malalim na rason kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanya.

Presko pa rin ang lahat ng nangyari sa kamay niya ng Maute Group. Sa kanyang pagiging alipin, minabuti niyang magpalakas sa harap ng kanyang kababayan. Siya ang naging lider doon at sandalan sa mga nawawalan ng pag-asang makalaya. Si Marga ang naglakas-loob na labanan noon si Isnilon ngunit nabigo ito dahil malakas at maraming kasama ito sa pinagtataguan. Maraming beses niyang pinagplanuhan na maghiganti ngunit ang lahat ng iyon ay hindi natupad. Ang naging kalabasan ay mas pinahihirapan siya at ang mga kasama dahil sa pagtangkang lumaban.

Naghintay na lang sila na mayroong tutulong sa kanila kahit walang kasiguraduhan. Palagi silang nagdadasal na sana may kusang tumulong sa kanila at natupad nga iyon sa tulong ni Asylum.

Nagpapalakas ng loob din si Marga dahil ito ang nararapat. Bilang isang babae, kinakailangan na magiging matatag sila sa bawat pagsubok na nararanasan nila. Naaalala na lamang ni Marga ang sinapit ng mga kababaihan sa ilalim ng kamay ni Isnolin na ginagawang parausin nila sa tuwing tinatawag sila ng laman. Babae tinatrato nilang parang hayop. Naging mas matatag si Marga sa isiping iyon.

"Dapat pagbayaran ni Isnolin ang lahat! " gigil na turan niya habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao. Ramdam niya ang bawat hinagpis ng babae sa tuwing sila'y sinasaktan habang nandoon pa siya. Wala man siyang nagawang paraan para pigilan iyon. Ngunit sa pagkakataong ito ayaw na niyang maging duwag. Gusto na niyang ipaglaban ang karapatan ng kababaihan at ang kalayaan ng mga taong inalipin ng mga walang pusong nilalang.

Naitigil bigla ni Marga ang ginagawa niya ng marinig niyang tinawag ang kanyang pangalan. Inaanyayahan na siyang pumunta sa formation area sa gitna ng kampo upang doon ibahagi ang mga mahahalagang detalye upang malaman at matalo nila ang kalaban. Sa bawat hakbang na ginagawa ni Marga ay nakaramdam siya ng kakaiba. Bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Hindi niya mawari kung ano ang dahilan. Bigla niya lang itong naramdaman sa hindi inaasahan.

Habang si Heneral Francisco Baltazar naman ay kakababa lang ng military truck na sumundo sa kanila sa binabaang sasakyang panghimpapawid. Agad na nag-ayos ang lahat at kinuha na ang mga dalang gamit. Nakita ni Francisco na nagkaroon na ng pagtitipon sa formation area. Kaya minadali nila ang pagkuha sa mga kagamitan. Nang matapos ay mabagal siyang naglakad patungo sa formation area. Sa umpisa ay nakikinig lamang siya ng hindi tumitingin sa nagsasalita ngunit kalaunan habang patagal na patagal ang pagsasalita ng babae ay nakabuo ng isang ala-ala si Francisco. Ala-alang sumpaan nila ni Marga sa simbahan na parehong-parehong boses nito ang nagsasalita ngayon.

Nang tumama ang palagay ni Francisco, unti-unti niyang sinilayan ang nagsasalita at doon na lamang gulat niya ng makitang muli ang matagal na niyang pinakamamahal na babae. Si Marga Delos Santos. Ang babaeng inaasahan niyang buhay pa at nagkakatotoo nga ang pag-asa niya. Kaharap na niya ngayon ang babae na wala pa ring pinagbago makalipas ang ilang taon. Babaeng matapang habang isinasalaysay ang kanyang buhay sa ilalim ng mga Maute. Babaeng may pagmamahal sa bayan at kapwa niya tao. Ang babaeng pinakamaganda at bumihag sa puso niya.

Matapos marinig ni Francisco ang salaysay nito ay mas lalong bumilib siya sa kasintahan. Bumilib siya sa pagiging matapang nito sa kabila ng pang-aalipin. Agad niya sana itong puntahan ngunit kaagad itong dinala ng isang sundalo sa loob ng kampo. Wala na rin siyang nagawa kasi naghundyat na magsisimula na madugong sagupaan.

Makita Kang Muli (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon