Kabanata II

151 52 102
                                    


DIGMAAN NG PUSO

"MARGA! Marga!"

Malakas na sigaw ni Francisco habang kumakatok sa kanilang pinto. Lumipas pa ilang segundo bago binuksan ni Marga ang kanilang pinto.

"Oh, Francisco! Bakit ka naparito?" bungad na tanong ni Marga nang makitang humahangos ang kaibigang lalake.

"Nagkaroon ng isang pagsabog sa pamilihan sa bayan natin. Hindi mo ba narinig ang pagsabog kanina?" usisa nito habang kinakapos ng hininga matapos ang mabilis na pagtakbo.

"Narinig ko pero hindi ko alam na galing 'yun sa pamilihan," ani Marga kay Francisco.

"Ang ama mo ba'y nagtatrabaho sa oras na ito? Ang mabuti siguro ay magpunta tayo doon upang masiguro nating ligtas ang ama mo." Tumayo si Marga at tinahak nila ang daan patungo sa pamilihan.



"ISANG malaking pagsabog ang naganap sa isang pamilihan sa Marawi City. "

Tutok na tutok ang ina ni Francisco na si
Clarissa sa panood ng telebisyon. Hindi niya niwawaglit ang paningin sa balita dahil naganap ito sa kanilang lugar. Pagkatapos maiulat ito ng isang reporter ay dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan ang anak. Nag-aalala siya rito dahil hindi pa umuuwi si Francisco galing sa training nito sa kampo ng mga militar. Ilang beses niyang sinubukan pero palagi lang itong nagri-ring.

"Fraklin! Hindi sumasagot si Francisco. Kinakabahan na ako kasi may naganap na pagsabog sa pamilihan". Kinakabahang wika ni Clarissa sa kaharap nitong asawa na umiinom ng kape sa harden nila.

"Clarissa, imposibleng madamay ang anak mo roon. At hindi ba gustong magsundalo si Francisco, papaano na 'yan kung palagi kang mag-aalala." Katwiran ng dating heneral sa asawa nito na patuloy pa ring kinakabahan.

"Nag-aalala lang ang ako kay Francisco dahil siya lang ang nag-iisang anak natin.
Ayaw kong mawala siya sa atin. " Puno ng pag-aalala sambit ni Clarissa at nakaramdam siya ng kaunting lungkot sa kanyang sinasabi.

"Hindi siya mawawala kung may lakas at marunong siya sa pakikipaglaban. Ganyan ako dati, kaya nga kita mo malakas at buhay pa ako". Malamig at bruskong saad ni Franklin pagkatapos ay tumayo siya at niyakap ang asawa. Hinagkan niya ito sa noo at sabay sabi, "Magiging magiting na sundalo rin si Francisco balang araw".

Ramdam ni Clarissa ang pamamahal ng asawa kaya hindi niya maitatagong kiligin at namnamin ang tibay ng kanilang pamamahalan at ng kanilang pamilya. Pagkatapos ng mainit nilang yakapan ay kinuha niya ang kanyang cellphone at ulit na sinubukang tawagan si Francisco. Sa pagkakataong ito ay nakausap na niya ang kanyang anak. Nalaman niya na naroon ito sa pamilihan kung naganap ang isang pagsabog.

Agad nilang pinuntahan nina Clarissa at Franklin ang pinangyarihan sakay ng kanilang kotse. Lagpas mga pitong kilometro ang layo ng bahay nila sa pamilihan kaya medyo matagal ang biyahe nito. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan at kapwa nagpapakiramdaman sa buong paligid.

Nang makarating sila ay bumungad sa kanila ang sira at durog na mga piraso ng semento na pinagyarian ng pamilihan. Marami kagamitan ang nagkakalat at mga pulis na patuloy sa pag-iimbestiga. Sa pakikipag-ugnayan ni Franklin sa mga pulis, nalaman na sa dalawang maliliit na bomba nanggaling ang pagsabog. Tiniyak din ng mga pulis ang mga bilang ng mga nasugatan at nasuri itong lagpas isang daan ang bilang ng nasugatan at may pitong nabawian ng buhay.

Nakita ni Clarissa sa Francisco kasama nito ang kaibigang babae na si Marga. Maayos naman ito at nakasuot pa ito ng puting damit na palatandaang nanggaling pa sa training.

"Anak, salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa 'yo". Agad niya itong niyakap habang tiningnan ang lumuluhang kaibigan nito. Nang makita niya ang kalagayan ni Marga ay tinungo niya ito at sinubukang kausapin.

"Hija, bakit ka umiiyak? Anong nangyari?". Malumanay na tanong nito kay Marga sabay tahan sa likuran nito.

"Kasama po ang ama ko sa nasugatan. Malaki po ang naidulot ng pinsala sa kanya. Sana po ay maagapan ang kanyang sugat na natamo". Sagot ni Marga sa ina ni Francisco at tuluyan siya nitong niyakap.

"Huwag kang mag-alala. Gagaling din ang ama mo. Natitiyak kong magagamot siya ng mga nurse". Pagbibigay lakas-loob ni Clarissa kay Marga. Nararamdaman din niya na may magandang naidudulot ng kabutihan ito sa kanyang anak. Ramdam niya ang gaan sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag.

- - -

Sa panibagong araw ng taga- Marawi ay sinubukan nilang bumangon sa pinsalang dulot ng pagsabog. Hindi sila nagpatinag sa nangyari bagkus lumakas ang loob nila upang bumangon muli. Nalaman din nila na patuloy sa pag-iimbestiga ang mga pulis kung sino ang may gawa at naglagay ng dalawang bomba. Nagbayanihan ang mga tao roon at inayos ang mga nasirang establisiyemento. Sinisikap nilang maging matatag kahit nasira ang kanilang mga paninda. Ito rin kasi ang kanilang pamumuhay kaya pinagbubutihan nila ito upang may makain sa araw-araw. 

Si Marga ay pilit pumapasok kahit may masamang nangyari. Pinapasok siya ng kanyang ina dahil ito na raw ang magbabantay sa kanilang ama sa ospital. Gustuhin mang suwayin ang bilin ng ina upang matapoa ang paggawa ng basket ay wala siyang nagawa. Pumasok siya at pilit nagpapapakatatag sa kabila ng nangyari.

"Magandang Umaga, Marga!".

Biglang bumungad sa harapan ni Marga ang bagong ligo na si Francisco na may kasamang matamis na ngiti. Kitang-kita nito ang mapuputing ngipin at mapulang labi dahil sa ginawa. Agad na nakaramdam ng kakaiba si Marga nang marinig ang boses nito. Mukhang may kung anong pakiramdam siyang hindi maipaliwanag.

Nakadilat ang kanyang mata dahil sa kaba. Ngunit napalitan ito ng kung anong saya matapos masilayan niya ang mapangang mukha ni Francisco na bumagay naman sa korte ng buhok nito. Mga mapupungay na matang nangungusap at ang ilong nitong medyo may kahabaan na dumagdag sa kaguwapohan nito.

" Pinagnanasaan ko ba si Francisco? Isang napakalaking hindi. Inilalarawan ko lang ang taglay niya na ngayon ko lang napapansin. Pero bakit may iba? Mukhang may nagbago. Pagbabago na may malaking dulot sa'kin ".

"Oy! Okay ka lang?". Gising ni Francisco sa diwa ni Marga. Palagay kasi nito na may malalim itong iniisip kaya agad niya at tinanong ang pakiramdam nito.

"A-a-k-o? Oo, okay lang ako! Pero teka ba't narito ka na? E, hindi ba ay may trainig ka pa sa kampo?". Sinubukang ibahin ni Marga ang usapan kaya maigi niyang tinanong ang lalake patungkol sa kanilang training.

"Kakatapos lang namin kahapon. Nagkaroon nga kami ng final training ang tamang pagbaril sa kalaban. At ito pa, alam mo ba, siyempre hindi mo alam kaya ikukuwento ko ---- aray!". Nakatanggap ng isang masakit na hampas si Francisco galing kay Marga. Seryoso kasi itong nakikinig ngunit nakuha pa nitong magbiro.

"E 'di siyempre hindi ko alam. Ayos ka rin ano, nag-training din ba ako?". Pambabasag ni Marga kay Francisco. Kabayaran bilang pagputol sa sersyosong pakikinig niya sa usapan.

"At ito nga, nakatanggap lang naman ang gwapo at matsong kaibigan mo ng maraming papuri sa mga militar. Hindi basta militar, papuri galing sa heneral ". Pagmamayabang nito sa harap ng kaibigan sabay pose sa pinagsasalita niya.

Hindi alam ni Marga kung ano ang kanyang isasagot. Mukhang umurong ang dila niya nang marinig ang salitang gwapo mula kay Francisco. Hindi niya mawari kung ano ang kanyang nararamdaman basta pakiramdam niya ay may kung anong nagbago.

Makita Kang Muli (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon