PAGLISAN NG PAG-IBIGNAGPATULOY sa pagkukuwento nang marinig nila ang tunog ng bell sa kanilang paaralan. Nagpapaalala lamang ito na hudyat na ng pasukan. Hinawakan ni Francisco ang kamay ni Marga at nagsimula silang maglakad patungo sa building ng Senior High School. Hindi mawari kung bakit bumibilis ang pintig ng puso ni Marga sa saglit na hawakan ni Francisco ang kanyang kamay. Ngunit isa lang ang ikinasisiguro niya, nakaramdam siya ng kilig.
- - -
TANAW ang kalawakan ng buong paaralan sa isang malayo at mataas na bukirin. Kitang-kita rin nito ang buong kalupaan ng bayan ng Marawi. Mula sa kabukiran na iyon ay tanaw ng isang Isnilon Kadete ang inaasam na pangarap. Kabukiran na tinataguan ng mga taong nagbabadya ng panganib sa buong bayan.
Si Isnilon Kadete ay ang utak ng Maute Group. Isang samahan na mag-aalasang sakupin ang bayan ng Marawi upang itaas ito bilang islamikong estado sa Kapitolyong Panlalawigan ng Lanao del Sur. Agad na nagsagawa ang plano ang grupo ni Isnilon matapos napagpasyahan nila ang pag-aalsa. Gumawa sila ng improvised explosive device na magmumukhang isang kagamitan ng bahay upang hindi agad ito makilala.
Mabilis na lumipas ang panahon. Magsasampung buwan na rin ang lumipas matapos ang insidenteng naganap. Kitang-kita ang pagpupunyagi ng mga tao roon na bumangon sa pagsubok. Balik na rin sa pagtatrabaho ang ama ni Marga matapos gumaling sa natamong sugat. At isang buwan na lang ay magtatapos na rin sina Marga at Francisco kaya sinusulit nila ang bawat pagkakataon na magkasama. Hindi kasi nila alam ang tadhana nila kung magkakasama pa rin sila kapag sila ay nakapagtapos na. Hindi kasi natitiyak ni Marga kung makakapag-aral siya pero pipilitan niya ito. Napagtanto rin ni Francisco na baka maghiwalay sila dahil militar ang kukunin niya at nandoon ito sa ibang lugar dapat pag-aralan.
Maganda at talagang nakakabangon na Marawi. Maayos na ang pinagsabugan na pamilihan noon. Mas naging maganda pa ito ng nagtapat ang isa't isa kanilang tunay na nararamdaman. Kasalukuyan ding nagkakasiyahan ang mga tao roon dahil taunang piyesta ito sa kanilang bayan. Nagkaroon ng maikling parada na makukulay. May banda na rin na tumutugtog. Mga taong nagsipaghandaan sa hapagkainan. Nagsalo-salo ang mga tao bilang pasasalamat sa bagong pag-asa sa kabila ng pagsubok na dumating.
Tunay na mararamdaman ang kasiyahan ng bawat isa. Binaon sa limot ang isang pangyayaring itinuring nilang isang bangungot. Ang isang sandaling kasiyahan ay agad nagbabadyang mauwi sa isang kaguluhan na maaaring maghatid sa kanila sa kamatayan.
Hinay-hinay na bumaba ang mga Maute Group mula sa kabukiran para isagawa na ang kanilang plano. Itinanim nila ang bomba sa iba't ibang pook ng bayan. May itinanim sa simbahan ng Santa Maria at nabihag ang pari nito matapos makita sila. Ang iba naman ay nasa mga mababang paaralan. Hindi rin nakaligtas ang mga establisyemento sa bombang mga itinanim. Dahil sa pagiging busy ay hindi ito namatyagan ng mga tao.
Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Isnilo Kadete matapos maisakatuparan ang mga plano niya. Umakyat na sila pabalik ng bundok at nagpahinga saglit sa kanilang kota. Hindi rin sila nagpahuli sa kasiyahan. Nag-iinuman sila bilang tagumpay sa plano. Tiningnan ni Isnilon ang mga taong patuloy na nagsisiyahan sa bayan. Mga taong hindi alam na ito na pala ang oras ng kanilang kamatayan.
"Sige lang, magpakasaya kayo! Naghihintay na ang kamatayan sa inyo!". Isang malakas na pagtawa ang binitawan nito sabay inom ng alak. Binabantayan niya ng maigi dahil anumang oras ay sasabog na ang mga bombang itinanim nila. Nakikita na niya ang pagtaas ng islamikong panlalawigan.
Sa kabila ng nagbabadyang panganib ay sabay na naglalakad ang bagong magkasintahan na si Francisco at Marga. Magkahawak ang kanilang mga kamay at nagtungo sila sa harap sa labas ng simbahan upang magsumpaan. Umaapaw ang kanilang mga matatamis na ngiti sa kanilang pagiging ganap na magkasintahan.
"Pangako, walang iwanan!"
"Pangako, walang iwanan!"
Sabay na sinumpaan nila ang mga katagang iyon at pagkatapos ay nilasap nila ang unang halik ng kanilang pag-iibigan. Naging saksi ang simbahan sa kanilang pagmamahalan. Sinong mag-aakala na sa bandang huli ay sila rin ang magkakatuluyan dahil sa mga tuksuhan. Ngunit ang sayang sumasabog sa puso nila ay napalitan din ng isang malaking pagsabog sa pamilihan. Hindi na mabilang ang sumunod pang pagsabog at natamaan nilang huling sumabog ang simbahang naging saksi sa pag-ibig nila.
Napuno ng alikabok at makakapal na usok ang bawat paligid. Tumilapon si Marga habang si Francisco naman ay natamaan sa sumabog na simbahan. Parehong nawalan ng malay ang dalawa. Matapos ang malaking pagsabog ay bumalot sa buong paligid ang katahimikan. Ilang minuto ang lumipas at nagising si Francisco sa pagkakahimatay matapos marinig ang ingay ng sirena na likha ng ambulansya.
Sinubukan ni Francisco na tumayo ngunit nahihirapan siya dahil nagkaroon siya ng sugat sa bandang tuhod at kamay niya. Pinilit niyang kunin ang mga bubog ng semento na nakapatong sa katawan niya at unti-unti siyang bumangon. Naglakad siya ng naglakad upang hanapin si Marga ngunit wala siyang maaninag dahil sa kapal ng usok kaya minabuti niyang sumigaw upang may makarinig din sa kanya. Hindi nga siya nagkamali dahil naramdaman niyang may paparating sa kanyang pinagtatayuan. Nang papalapit ito ng papalapit ay nakita niya ang kanyang ina at ama. Agad na niyakap si Francisco ng kanyang magulang ng matagpuang ligtas ito. Agad siyang dinala nito ngunit nagpupumilit siyang hanapin muna si Marga. Sa bandang huli ay wala siyang nagawa. Sinunod na rin niya ang utos ng kanyang magulang para sa kanyang kaligtasan pero nangangamba siya kung nasaan at ano ang kalagayan ni Marga. Buhay pa kaya ito at nakaligtas sa pagsabog?
Dinala si Francisco sa isang pribadong pagamutan sa kabilang bayan para gamutin ang sugat na natamo. Hindi naman ito malala kaya nakapagpahinga ng maluwag ang kanyang mga magulang. Natatakot kasi ito nang maganap ang pagsabog dahil wala ito sa tabi nila. Napagpasiyahan na rin ng mag-asawa na lumikas na sa Marawi at minabuting magtungo sa Maynila upanh doon manirahan ng tahimik at matiwasay.
Nang matapos linisan ang sugat at nalagyan ng plaster ay humahanap sila ng isang mumurahing hotel upang doon maipalipas ang gabi. Naisipan din ng mag-asawa na bukas na bukas ay kukuha sila ng ticket pagkatapos ng pagkuha nila ng mga naiwang gamit sa bahay nila. Buong araw na nagpahinga si Francisco dahil medyo masama ang pakiramdam nito. Matapos lahat ng pangangailangan ay nilisan ng pamilya Baltazar ang bayan ng Marawi.
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli (Completed)
RomanceDalawang taong may pangarap sa sarili, pamilya at bayan. Hanggang saan dadalhin ng pangarap sina Francisco Baltazar at Marga Delos Santos sa kabila ng kaguluhang nagaganap sa kanilang paligid? Kaguluhang pipigil sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap...