Kabanata V

78 38 22
                                    

PAG-ABOT NG PANGARAP


NANG dumating ang pamilya Baltazar sa lugar ng Maynila ay naghanap agad sila ng matutuluyan. May nakita silang isang bahay na pinauupahan at agad nilang kinausap ang may-ari nito. Matapos nakipagsundo ay ibinigay ni Clarissa ang pera bilang downpayment. Kaagad namang binuksan ng may-ari ang pinto. Pagkapasok ay sumalubong sa kanila ang alikabok sa loob. Maayos naman ang bahay. Isang two-storey house. Katamtaman lang ang laki ng sala at kainan. May maliit na kusina at mayroong dalawang kwarto sa itaas na saktong-sakto sa kanila.

Matapos iwan sila ng may-ari ay nagpahinga muna sila dahil sa pagod ng biyahe. Si Francisco ay lumabas muna para magpahangin. Iniisip pa rin niya si Marga at kung kamusta na ito. Buhay pa kaya ito? Tanong ng kanyang isip pero naniniwala siya at sa kaloob-looban ng puso niya na buhay si Marga. Nakatapak man siya sa Maynila ay nananatiling nakakatatak sa puso't isipan niya ang pag-ibig sa kanyang lupang kinalakihan at ang pag-ibig na dulot ni Marga.

Tinanggap na rin ni Francisco ang tadhanang para sa kanya. Magkahiwalay man ngunit nakatatak sa bawat puso nila ni Marga na mahal nila ang isa't isa. Hindi niya maiwasang manghinayang sa naudlot nilang pagmamahalan ngunit alam niyang maipagpapatuloy ito. Masakit mang isipin pero pilit tinanggap ni Francisco ang katotohanang magkalayo sila ni Marga.

- - -

LUMIPAS ang ilang araw ay patuloy pa rin na laman sa balita ang nangyari sa kanilang lugar. Hindi niya maiwasang mag-alala kung ano na ang kalagayan ni Marga at ang pamilya nito. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na buhay pa rin ito.

"Tingnan mo! Hindi ba't gusto mong manatili sa atin? Pagmasdan mo ng maigi kung ano ang kalagayan nito. Palibhasa kasi pagmamahal lang ang tumatakbo sa isipan mo. Nang dahil sa pagmamahal na 'yan ay may maraming buhay na isinisugal na nauwi sa kamatayan".

Pagpapaalala ng kanyang ama habang siya at tutok na tutok sa panood ng telebisyon. Palagi pa rin itong naninirmon dahil sa desisyon ni Francisco na manatili sa lugar nila.

"Ganyan po ba talaga ang tingin niyo sa 'kin? Palibhasa kasi sa'yo hindi mo nakikita lahat ng mga nagawa ko. Hindi mo man lang ako kayang ipagmalaki sa kabila ng lahat ng naabot ko ". Nagsimula ng tumulo ang luha ni Francisco matapos nagawa niyang sumagot sa kanyang ama. Alam niyang mali ang sumagot pero gusto rin niyang iparating kung ano ang nararamdaman niya. Naramdaman na lang ni Francisco ang kamao ng ama sa kanang pisngi.

"Sumasagot ka na ngayon! Ganyan ka ba namin ipinalaki? Marunong gumalang sa akin". Galit na galit ang mukha ni Franklin matapos marinig ang pagsagot ng kanyang anak na si Francisco kaya nagawa niya itong masuntok sa pisngi.

"Kung gusto mong maipagmalaki kita, patunayan mo sa'kin at sa sarili mo. Ang isang magiting na lalaki ay may isang salitang salita. Tandaan mo 'yan!". Bilin ni Franklin sa anak nito at pagkatapos ay umalis at umakyat sa kanilang kwarto. Agad namang ginamot ang tama ni Francisco ng kanyang ina. Patuloy si Clarissa sa pag-iyak matapos mangyari ang sagutan ng mag-ama. Sinubukan niyang awatin ang asawa pero hindi niya ito napigilan.

Itinatak ni Francisco ang bilin ng kanyang ama. Nasubok ang kanyang pagkatao at pagkalalaki sa sinabi nito. Dahil dito mas naging malakas ang loob niya na simulan ng pumasok bukas bilang pagpapatuloy sa nahinto niyang pag-aaral sa Senior High School. Matapos ang isang buwan ng paghabol sa lahat ng kulang niya sa bagong paaralan, nagawa niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Lumipas ang ilang buwan, pumasok siya sa mundo ng militar upang simulan ang hamon ng kanyang ama. Ang hamon nito ang nagsilbing gabay at inspirasyon niya upang magpursige sa ginagawa niya. Bawat pagsubok na kanyang pinagdadaanan ay iniisip niya daan ito sa kanyang pag-abot ng pangarap. Tiniis niya ang lahat ng pag-eensayo kahit nakaramdam na siya ng sakit at pagod ngunit ipinagpatuloy pa rin niya dahil ang isang magiting na lalaki ay may isang salita. Kailangan niyang ipakita sa ama niya na karapat-dapat siya nitong ipagmalaki sa buong lahi nila maging sa buong bansa.  Gusto niyang ipakita nito na may isa siyang salita bilang isang magiting na lalaki at ganap na sundalo sa hinaharap.

Makita Kang Muli (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon