Kabanata VIII

65 32 8
                                    

MADUGONG SAGUPAAN

AGAD na dinala si Marga sa isang ligtas na lugar dahil naghudyat na na magsisimula na ang pagsulong nila sa kampo ng mga Maute. Sinubukan ni Marga na hindi sumunod dahil pakiramdam niya ay nadoon si Francisco na nakikinig sa kanya kanina sa kanyang pagsasalaysay. Ngunit sa huli ay wala siyang nagawa dahil magsisimula na ang mga ito sa kanilang misyon. Naiwang mag-isa doon si Marga. Bagot na bagot at tila may malalim na iniisip. Nagplano ito na tumakas at saksihan ang sagupaan ngunit saad ng puso nito na mapanganib ang iniisip ng utak niya. Sa huli nanaig pa rin ang puso nito na manatiling ligtas sa loob na tinitirhan niya.

Nang marinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril. Doon na siya simulang kabahan. Nasisigurado niyang nandoon kanina si Francisco kaya hindi siya makakapayag na hindi ito makita. Baka sa huli ay magsisisi siya sa kaduwagan niya. Naaalala rin niya ang pangako sa sarili niya na hindi na siya magiging takot. Lalaban at lalaban kahit kapalit nito ay buhay niya. Sinusuri niya ang mga kagamitan sa loob. Naghanap siya ng mga gamitang maaaring ipanglaban niya kung sakaling may makasalubong siyang kaaway.

Nakita niya isang kalibreng baril at buong lakas niya itong dinala kahit medyo nabibigatan siya nito. Buo na ang desisyon niya na pumunta sa bakbakan. Wala na itong atrasan. Tumalon siya sa isang palapag at dali-dali siyang tumakbo patungo sa pinanggalingan ng mga putok ng baril. Hindi naman naging mahirap ang pagtuntun niya sa pinangyarihan. Naging sagabal lang niya ang mga bubog na nagkalat sa daanan at hindi niya maiwasan ang mga taong nakahandusay na hindi pa natatagpuan ng mga rescue team.

Sa isang malawak na espasyo ay natanaw kung paano nangyari ang labanan. Matagal siyang nakatayo roon at sinaksihan kung gaano katakot ang pagbabarilan ng mga sundalo at ng mga Maute. Natulala siya at nakaramdam siya ng takot. Nagdadalawang-isip siya na umurong na lang o dapat ba siyang lumaban para na rin mabigyan niya ng katarungan ang pagkamatay ng pamilya niya.

Mabilis ang pagsagip at pagdala ng isang sundalo ni Marga sa isang sulok na maaaring pagtaguan nito. Hindi alam ni Marga kung sino ito ngunit nang tingnan niya ng diretso ang mata nito na parang nangungusap ay agad niya itong nakilala.

"Francisco? Buhay ka!" Masayang sambit ni Marga at hindi maiwasang yakapin ang lalaki. Agad naman itong binitawan ni Francisco dahil may misyon pa siyang dapat gampanan.

"Dito ka lang. Huwag kang aalis!" bilin ni Francisco at lumisan sa tabi ni Marga. Nakaramdam ng saya sa oras na iyon si Marga. Muli niyang nakita ang lalaking minamahal na akala niya ay namatay sa nakaraang pagsabog.

Sinundan ng tingin ni Marga ang lumulusob na si Francisco. Malaki na ang ipinagbago nito matapos mangyari ang lahat. Naging masaya si Marga dahil sa pangarap nitong sundalo na natupad. Ilang taon na rin pala ang lumipas nang mangyari ang pagsabog na iyon at marami na rin ang nagbago.

"Sana ang pag-ibig mo sa'kin ay hindi pa rin nagbago kahit pinaghiwalay tayo ng mundo". Umaasang sambit ni Marga habang tinitigan ang lalaki sa gitna ng labanan. Hindi rin maiwasan ni Francisco na lingunin ang lugar na pinagtataguan ni Marga. Sa unang tingin niya rito ay nagkatinginan sila. Agad naman na may malaking epekto nito sa kanyang puso. Bumuhay ang inspirasyon niya na bawiin ang kalayaan na inaasam ng lugar nila na naging saksi sa kanilang pagmamahalan.

Nang muli niya itong sulyapan ay nagulat siya ng makitang wala na si Marga sa pinagtataguan nito. Tiningnan niya ang kapaligiran ngunit wala siyang nakikitang babaeng nakatayo. Mas lalong wala siyang nakikita dahil sa kapal ng usok at maiingay na putok na pinulanan sa kanila ng kalaban. Isinantabi muna ni Francisco ang pag-aalala kay Marga. Alam niyang malakas ang babae kaya panatag ang loob niyang nasa mabuti at ligtas na sitwasyon ito. Isa pa, kinakailangan din na maging pokus siya sa labanan upang matapos na ang kaguluhan ito.

- - -

UMALIS si Marga sa pinagtataguan nito dahil sa malakas na pagsabog. Minabuti niyang humahanap ng ibang pagtataguan na malayo-layo sa bakbakan na kasalukuyan nagagaganap. Pinilit niyang maglakad ng maayos sa gitna ng pagyanig na dulot ng pagsabog. Sapo niya ang kanyang ulo at minsa ay tinatakpan niya ang kanyang tainga dahil sa ingay na nagmula sa barilan.

Pagdating niya sa isang sirang bahay ay kaagad siya ng maaring pagtaguan sa loob. Nagtungo siya ilalim ng mesa sa isang sulok at doon nagdasal ng taimtim. Pinagdasal niyang sana maging ligtas si Francisco at ang mga kasamahan nitong sundalo sa laban. Humingi rin siya ng gabay ng Panginoon na bigyan ng lakas ang mga kababayan niya. Nang biglang tumigil ang putukan ay nakarinig si Marga ng ilang ingay malapit sa pinagtataguan niya. Sinilip niya ang maliit na butas sa sirang bahay at tiningnan kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.

Nakita na lang niya si Asylum doon na may tama ng baril sa kanang balikat nito. Kitang-kita niya ang pag-inda ng sakit nito. Ang buong akala niya ay ito ang binaril ng nakatakas siya. Akala niyang nahuli si Asylum sa ginawang pagtakas niya. Gusto niya sanang tulungan ang lalaki dahil sa pagpapatakas niya bilang sukli na rin sa ginawa ngunit naisip niya ang pangakong binali at hindi tinupad niya. Nangako kasi siyang hindi siya magsusumbong sa mga sundalo ngunit hindi niya tinupad ang kahilingan iyon ng lalaki. Hanggang tingin na lang ang kaya niyang ibigay at maya maya ay nakita niyang nilapitan si Asylum ng isang kasamahan niya at tinulungan itong makatayo. Dinala ang sugatang Asylum ng isang lalaki pabalik sa kanilang kampo.

Makita Kang Muli (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon