ANG SIMULA NG DIGMAANPAUWI na si Marga sa kanilang bahay dahil kakatapos lang ng kanilang klase. Mahaba-haba pa ang kailangan niyang lalakbayin patungo sa kanilang simpleng bahay. Medyo malayo-layo kasi ang kanilang bahay sa bayan. Kinakailangan pang maglakad ng ilang kilometro para maabot ito.
Laki sa hirap si Marga. Payak at simple lamang ang kanilang pamumuhay. Nagtatrabaho bilang kargador ang kanyang ama sa merkado sa kanilang bayan habang ang kanyang ina naman ay gumagawa ng basket.
Ang sahod ng kanyang magulang ay hindi sapat sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Panganay si Marga sa apat na magkakapatid kung kaya, pinagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral dahil siya lang ang inaasahan ng pamilya. Gusto niyang makakuha ng magandang trabaho upang makaahon na rin sa kanilang mahirap na kalagayan.
Sa ngayon ay nasa ikalabing-dalawang baitang na siya sa sekundarya. Magtatapos na siya sa darating na Marso at balak niyang maging working student upang makapagpatuloy sa kolehiyo. Guro ang gusto niyang kukunin na propesyon kapag papalarin.
Tanaw na ni Marga ang maliit nilang bahay. Yari sa nipa ang bubong at ang dingding naman ay yari sa matitigas na kawayan. Ganoon na lamang siya kalungkot nang matanaw ang sitwasyon ng kanilang bahay. Hindi ito kagaya sa bahay ng mga kaklase niya na magaganda. Kaya isa rin ito sa mga pinaghuhugutan niya ng inspirasyon upang makapagtapos ng pag-aaral upang maayos ito.
Nang makarating na siya sa kanilang bahay ay agad siyang nagmano sa kanyang ina na patuloy sa paggawa ng basket.
" Nay, ako na po ang magtatapos nito. Magpahinga muna kayo mukhang marami-rami na rin kasi itong nagawa n'yo," saad niya sa kanyang ina at pagkatapos ay inilagay niya ang kanyang bag sa kanilang maliit na mesa.
Hinubad din niya ang kanyang puting uniporme at ini-hanger sa pakong nakausli upang hindi madumihan. Pagkatapos niyon ay agad ipinagpatuloy ang sinimulan ng kanyang ina.
BANG!
Isang malakas na putok ang umalingawngaw matapos kalabitin ni Francisco ang gatilyo ng baril.
Sapol ang isang larawan matapos binaril niya ito sa isang pag-eensayo sa fire shooting. Kasalukuyan kasi siyang nasa kampo ng militar bilang isang trainee sa kanilang on-the-job training sa isang asignatura nila. Ganoon na lamang siya kadeterminado sa pag-eensayo dahil kilala siya bilang anak ng isang retirado at kilalang sundalo na si dating Heneral Franklin Baltazar--- dating kasapi ng militar na may mataas na posisyong pinanghahawakan sa kaniyang serbisyo.
Nag-iisang anak lang si Francisco nina Franklin at Clarissa Baltazar. Sa edad na labimpito, gusto ni Francisco na sundan ang yapak ng kanyang ama. Gusto niyang bigyan ng karangalan ang pangalan ng kanilang pamilya hindi lang sa bayan ng Marawi kundi pati na rin sa buong bansa. Sa pagtatapos niya sa sekundarya, papasukin niya ang mundo sa militar upang unti-unting abutin ang kanyang pangarap.
Puno ng saya ang puso ni Francisco matapos makita ng Heneral ng militar ang kanyang ginawa at ng makatanggap siya ng papuri galing sa iba pang kasapi ng militar at maging sa kanyang kapwa trainees.
Sabik na sabik siyang ipaalam ito sa kanyang ama. Alam niya kasi na magbibigay ito ng kasiyahan sa kanyang ama. Kaya matapos ang pag-eensayo ay dali-dali siyang nag-ayos upang makauwi sa kanilang bahay. Sakay sa isang papasaherong dyepni, baon ni Francisco ang matamis na ngiti matapos marinig ang lahat ng papuri.
Sa patuloy na biyahe ng kanyang sinasakyang dyipni ay biglang napahinto ito matapos makarinig ng isang pagsabog. Agad na narinig niya ang sigawan ng mga tao sa pamilihan ng bayan. Sa palagay niya ay doon naganap ang isang pagsabog, kaya dali-dali siyang bumaba kasama ang iba pang pasahero upang tingnan ang kaganapan.
Natanaw nila ang nasirang kalahating parte ng pamilihan. Agad na nagsilikas ang mga tao roon at dumating naman ang mga pulis upang suriin kung ano ang pinagmulan ng pagsabog at may ilang rescue team din ang dumating upang dalhin ang mga sugatan sa ospital.
Biglang sumagi sa isipan ni Francisco ang ama ng kaibigan niyang si Marga. Sa pagkaalam niya ay nagtatrabaho bilang kargador ang ama ng kaibigan sa pamilihan. Pinuntahan ni Francisco ang lugar na pinagsabugan at tiningnan kung naroon ba ang ama ng kaibigan niyang si Marga. Ngunit nabigo siyang mahanap ito dahil pinagbawalan siyang magpunta doon ng isang pulis dahil patuloy pa ito sa pagsusuri kung bakit nagkaroon ng pagsabog.
"Kailangan itong malaman ni Marga," bulong ni Francisco sa sarili niya at dali-daling tumakbo patungo sa bahay ng kaibigan niya.
Nais niyang ipaalam ang nangyari upang masiguro ang kalagayan ng ama nito. Nag-alala siya sa nangyari. Naging malapit na rin kasi siya rito sa ama ng kaibigan dahil palagi siyang pumupunta sa bahay nina Marga. Malapit ang loob niya rito kaya ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman.
Matagal na silang magkaibigan ni Marga. Simula noong elementarya sila na ang palaging magkasama hanggang tumuntong sila ng sekundarya. Natutukso nga sila minsan ng kanilang mga kaklase at mga kakilala dahil sa pagiging malapit nila sa isa't isa.
Nagkahiwalay lang sila nang tumuntong ng Senior High School. Pagluluto kasi ang kinuha ni Marga kaya nagkahiwalay sila ngunit hindi ito hadlang sa kanilang samahan.
Habang papalapit na si Francisco sa bahay nina Marga ay biglang nakarinig na naman siya ng isang pagsabog. Napalingon siya sa pinanggalingan nito at nasisiguro niyang sa pamilihan ito nanggaling. Kaya agad siyang tumakbo papunta sa bahay ng kaibigan upang ihatid ang masamang nangyari.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Makita Kang Muli (Completed)
RomanceDalawang taong may pangarap sa sarili, pamilya at bayan. Hanggang saan dadalhin ng pangarap sina Francisco Baltazar at Marga Delos Santos sa kabila ng kaguluhang nagaganap sa kanilang paligid? Kaguluhang pipigil sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap...