XXXI: The Family

5.2K 188 9
                                    

Heshiena's Point of View

Today's Saturday. Weekend. Nandito pa rin ako hanggang ngayon sa aking kuwarto. Nakatihaya akong nakahiga't ginamit ang aking dalawang kamay bilang unan. Habang ang mga mata ko naman ay nasa kisame lang nakatitig.

Rinig na rinig ko na ang ingay sa labas ng kuwarto ko't maging ang mga ingay sa labas ng cabin.

A natural sound that cause by nature. Cold breeze of the morning suddenly enter my room, made me shiver. Napalingon ako sa bintanang nakabukas. There I saw leaves are rustling. Napangiti ako. The leaves are as blue as the ocean.

From afar, I could hear the waves of the sea crushing against the shore. Subalit ang ngiting namutawi sa aking labi ay kaagad ding napawi. Bumalik na naman sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Sir Michael.

"You can't forever stay in one place, Heshiena."

That was the exact sentence that hit me to the core. Been years of keeping the blame, regrets, and grief all to myself. And most of the time, those are pain in the ass.

Gabi-gabi ako kinakain ng lungkot. I wanted to shed tears. Subalit wala akong mailabas na luha dahil tila ba'y napagod na ito. Simula noong bata pa ako, kahit ni isang kaibigan wala ako. Yes, I did try to make friends, but no matter how many times I've tried, nothing happened.

Minalas na nga ako sa ibang bagay, maging sa paghahanap ng kaibigan. When I am attached to someone, or started to like them, kukunin naman sila sa akin sa pamamagitan ng kamatayan. 'Yong parang lahat ng bagay sa mundo ipinagkait sa 'yo, ganoong pakiramdam.

Sa labing walong taon sa mundo, nasanay na ako. Lahat ng mga taong nakapaligid sa akin, hindi ako gusto. From that moment onwards, I promised that I always distance myself away from others.

"Mukhang habang buhay na akong maging ganito," bulong ko sa aking sarili. Sinundan naman ito ng mapait at malungkot na buntong-hininga.

"I am sorry." My eyes grew wider when I heard Poseidon's cracking voice. I could trace sincerity in his tone.

Kumunot ang aking noo pagkatapos. Bakit siya nagso-sorry sa akin? May nagawa ba siyang mali para humingi sa akin ng kapatawaran? Nahinto ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng tatlong katok sa labas ng aking pintuan.

"Heshiena?" it was Violeta's voice. "Breakfast is ready," she said.

A smile plastered upon my lips. Violeta, a friendly demigod who had the ability of empathy. Maging si Ace din. Bumuntonghininga ako nang malalim bago bumangon sa pagkakahiga. Naglakad ako papalapit ng pintuan at dahan-dahan itong binuksan.

Tumambad sa akin ang maganda niyang mukha. When she saw me, a sweet smile plastered upon her lips. Marahang nagsilakihan ang aking mata nang bigla niya akong hawakan sa kamay. For unknown reason, it made me feel at ease.

"You don't mind, right?" she asked.

Habang ako naman ay napatango lang kaagad. Naglakad na kami patungo sa staircase. On our way there, Violeta remained silent. Napakunot na naman ang aking noo sa pagtataka. Mas lalo lang nadagdagan ang aking pagtataka nang makita ko ang ekspresyon sa mukha ni Violeta.

She seem sad, but at the same time it's as if she's draining. It's as if all her life energy were sucked all out. Nang makababa kami sa hagdan ay hindi ako handa sa mataas na energy na sumalubong sa akin.

When Violeta removed her hand off of me, her facial expression came back. 'Yong parang bumalik na sa kaniya ang liwanag. 'Yong parang lahat ng panghihina niya kanina ay bumalik sa kaniyang mga ugat.

She's The Cursed Goddess (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon