1

52 0 0
                                    

This is it. The night where everything will change. Debut ko na. At sa gabing ito, sisimulan ko na ang pagbabago sa buhay ko.

Ayoko man gawin 'to pero kaylangan ko. Alam kong masasaktan ko si Isaias sa gagawin ko pero what can I do? Buo na ang desisyon ko na umalis pagkatapos ng birthday ko dahil sumumpa ako na pagsapit ng ika-labingwalong kaarawan ko, sasama na ko sa kanila. Mahal na mahal ko si Isaias, higit pa sa buhay ko at sa mga bagay na natatamasa ko pero hindi ko na dapat palagpasin ang bawat segundong papatak.

Makikipaghiwalay na ako sa kanya.

"Hi baby, you look really gorgeous haha. Kaya love na love kita ehh. Ayie" ayan na naman sya. Mangaasar na naman. Pano ba naman 'to. Lalo akong nahihirapan dahil oras oras pinapakilig nya ko.

"Baliw ka talaga baby!! Yup, I'm really really excited. Akalain mo, grown up na 'ko?? 'Di mo na ko aasarin na isip bata, 'di mo na din ako pagtitripan." sagot ko.

Nakakatuwa ding isipin, tatlong taon na kaming magkarelasyon pero ni isang tuldok ay hindi nawala ung spark samin. We really love each other more than everything we had at sobrang thankful ako na dumating sya sa buhay ko.

"Baby.."

"Oh? Babanat ka na naman? Naku ha! Tama na." nasanay na din ako sa mga pick-up lines nya na kahit corny kinikilig pa din ako.

"Alam mo ba sobrang mahal kita. Mahal na mahal. Mamamatay ako pag nawala ka sakin Baby. Ikaw yung lakas at kahinaan ko, ikaw din yung buhay at kamatayan ko. Birthday mo na, adult ka na. Pero hindi pa din magbabago yung pagtingin ko sayo. Ang bata mo pa nung naging tayo, akala ko nga kakasuhan ako ng child abuse ng daddy mo eh! Hahaha. Hanggang ngayon nakakatunaw pa din yung titig mo, nakakarelax pa din yung boses mo, at nakakakilig pa din yung mga yakap at halik mo. Ang bakla na Baby!! Hahaha"

Bakit mo ba 'to sinasabi sakin Isaias. Mas lalo mo lang akong pinahihirapan.

"Baby... Nahihirapan ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Siguro mas mapapadali kung ganito ko sisimulan.

"Ako? Hindi ah. Hinding hindi ako mahihirapan Baby. Marami mang dumating na pagsubok satin, nakakaya naman nating dalawa diba? Ay teka! May ibibigay pala ako sayo."

May kinuha sya sa coat nya na mahabang box at malamang ay bracelet ang laman noon.

"Halika." inalalayan nya ako sa pagtayo at dinala sa couch. Mata sa mata nya akong tiningnan.

I really love his hazel brown eyes, his fiery aura, and his fine body. "Baby pikit ka"

"Bakit? Pagtitripan mo na naman ako? Nako Baby ha birthday ko!!" natatawang sabi ko. Sa totoo lang kinikilig ako. Pansamantala kong nalimutan lahat ng bumabagabag sa akin. His presence makes me relax for a moment.

"Hindi! Tsk. Seryoso."

"Oh, ok" hindi ko alam ang binabalak nya pero tiyak na kikiligin na naman ako.

"Lovely, Baby, alam ko corny 'to. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Sa totoo lang awkward 'to haha pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw yung tipo ng babae na palaban, mataray, maldita, at higit sa lahat makulit pero ikaw pa din yung babae na minahal ko bilang perfectionist at metikulosa. Kanina pa 'ko nagdadrama Baby haha."

"Anu ba yan ha! Seryoso ka ba talaga o trip mo na naman ako?" naiinis na sabi ko. Hay nako eto na naman sya. Seryoso tapos may biro? Wow seryoso nga!!

"Makinig ka muna kasi! Ayan ka na naman eh! Hahalikan kita sige! Hehe joke lang patapusin mo muna kasi ako Baby." kitams! Seryoso oo!! "This simple gift, symbolizes how I really love my Lovely Angelica Cruz the most. Kahit na anong mangyare, haharapin natin lahat ng pagsubok ng magkasama. Bubuo tayo ng masayang pamilya, at mamumuhay ng maayos at mapayapa. Ok na yung mga isang dosenang makukulit na anghel na manggagaling satin Baby haha-Aray! Bakit ka naman namamalo! Tsk.." reklamo nya dahil sa lakas ng hampas ko.

ISANG DOSENA! Jusko!

"Isang dosena?! Saang mental hospital ka ba nakatakas at naoverdose ka yata?"

"Sorry na baby hahaha. I Love You. Teka may kasunod pa kasi, naman eh! Eheeherm! Akala ko hindi tayo aabot sa ganito, pero hindi ko inasahan na sobra sobra pa pala yung aabutin natin. Walang araw, oras, minuto, at segundo na hindi kita iniisip. From the very first hanggang ngayon ikaw pa din yung tinitibok ng puso ko. Baby..."

He hold my hand and put the bracelet on."Mahal na mahal kita, sobra. Wag kang aalis ha? Mamamatay ako." tsaka nya ko hinalikan sa labi.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa ginagawa nya, mas lalo akong nahihirapan. Sobrang mahal ko si Isaias, mamamatay din ako sa oras na magkahiwalay kami pero kaylangang kaylangan ko na talaga gawin ito.

Mamaya ko nalang siguro sasabihin sa kanya. Maya maya pa'y may kumatok, yung organizer ng party.

"Ms Lovely, Sr Isaias, the party will start at exactly 9 pm." oo nga pala. 8:45 na. Kaylangan ko nang maghanda.

"Ok thanks" si Isaias na yung sumagot.

"Come on Baby. Malapit na magstart yung party mo. I Love You." then we walk hand in hand.

I Can't Find The Words To Say GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon