Magpapaliwanag na sana ako ng bigla nalang parang binaliktad ang aking tiyan kaya agad akong nagpunta ng banyo at sumuka sa bowl. Naramdaman kong may humagod sa likod ko at binigyan ako nito ng isang tabong tubig na inilimugmug ko.
Tumayo na ako at lumabas na kami ng banyo at nalaman kong si Alfred ang umalalay saakin. Pinaupo ako nito sa upuan ko kanina at nasa likod ko lang ito.
Nanghihina ako at parang malalaglag ang ulo ko. Inabutan ako ni Amer ng isang basong tubig at agad ko itong ininom at ibibigay na sana dito ang baso ng bigla nalang nandilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa malambot na bagay.
============================
ALJAN'S POV
Ito na nga ang sinasabi ko eh. Nandito kami ngayon sa kwarto ni ate at hinihintay na magising ito. Kanina pa kasi ito nahimatay. Gabi na at kailangan na naming kumain at kailangan din namin siyang makausap.
Lahat kami ay nakatayo at naghihintay na magising ito.
"Hmmmmm." napatingin kami dito na naupo sa kama at nag inat inat pa.
"Good evening mga kapatid." masiglang bati nito at humalik sa pisngi naming lahat.
"May kasalanan ka pa saamin. Kakain na." sabi ko at nauna na akong pumunta sa kusina.
Hindi naman sa galit ako. Nagtatampo lang ako dahil hindi siya nag sabi ng totoo saamin. Tsaka hindi naman sana ako magagalit kaso duon pa sa lalaking yun. Malandi kasing gagu yun.
Naupo na ako at ganun din ang mga kapatid ko. Nakayuko lang si ate na hindi man lang tumitingin saakin. Ako lang kasi nakaka alam at hindi niya pa sinasabi sa mga kapatid namin.
"Sabihin mo na kaya Adry. Its big deal for us." sabi ko.
"Ano ba kasi yun kuya at parang galit ka kay ate?" tanong ni Alson.
"Wala ako sa posisyon para magsabi nun, mas mabuting manggagaling sa kanya mismo." sabi ko at tumingin dito.
"Ate pwede bang sabihin mo na. Para makakain na ako. " sabi ni Amer na humawak pa sa kanyang tiyan.
"A-ano kasi t-tungkol sa trab-aho ko. I-ibinebenta................." huminga muna ito ng malalim at dire diretsong nagsalita. Mukhang hindi ko yata alam ang sasabihin niya. "Ibinebenta ko ang katawan ko sa halagang 5 thousand pataas para lang mapag aral at matustusan ang pangangailangan niyo. At nag offer saakin yung kaibigan ni Aljan na maging sex slave niya kapalit ng 50 thousand per week at kinagat ko iyon dahil alam kong mabibili na natin ng tuluyan ang mga kailangan natin. Pati narin maipagmalaki ako ni nanay. Hindi ko naman ginusto ito diba? Alam niyo yun, Simula nang mangyari yun saakin ay parang wala nang halaga ang buhay ko kaya ito nalang ang naisip kong trabaho. Kapit sa patalim kung kailangan." sabi nito at tumayo ng hapag kainan at tumaas ng hagdan at nakarinig nalang kami ng malakas na pag sara ng pinto.
"Kailangan niyo siyang kaisapin. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya. Ayaw kong magalit sakanya pero yun ang nararamdaman ko kaya yun ang kailangan kong sundin. Pag nahimasmasan ako kakausapin ko din siya." sabi ko at tumayo si Alfred at hinala ko ay pupunta yun kay ate. Nagpatuloy nalang kami sa pagkain ng tahimik.
============================
ALFRED'S POV
Nagulat talaga ako sa mga sinabi ni ate pero hindi ko magawang magalit dito kung hindi ay maawa at mas lalo pang nadagdagan ang pagmamahal ko kay ate.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto nito at laking pasasalamat ko at hindi naka lock iyon.
Nakita ko itong nakahiga sa kama nito at naririnig ko rin ang mahihinang pag hikbi nito.
"Ate alam mo naman na bawal magpalipas ng pagkain diba. Makakasama yun sayo." sabi ko at naupo sa tabi ng kama nito.
"Para sainyo naman ang ginawa ko eh. Bakit galit kayo?" sabi nito at naupo sa kama at humarap saakin.
"Alam ko naman yun ate eh. Pero napag usapan na nating lahat yun, na ayaw namin sa trabahong yundiba? Kilala mo naman si kuya Aljan diba, bawal siyang magalit. Kaya ako nalang muna ang pumunta dito para kausapin ka. Pahupain mo muna ang galit niya ate. Hayaan mong siya ang lumapit sayo, baka anong mangyari sayo pag lumapit ka sakanya. Mauna na ako ha. Matutulog pa ako dahil may pasok pa bukas, kumain ka nalang sa baba ha. Mahal na mahal ka namin ate, tandaan mo yan." sabi ko at hinalikan ito sa kanyang nuo at lumabas na ng kwarto nito.
Pagpunta ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama ko at natulog.
============================
ADAY'S POV
Pumunta ako sa kusina at pumunta sa ref at kumuha ng fresh milk at inilagay ito sa baso at naupo ako sa hapag kainan at binuksan yung pagkain na natatakpan at kinain ito.
Napansin ko lang. Bigla nalang akong lumakas kumain at yung mga dating ayaw kong kainin ay nagustuhan ko ngayon. Pinabayaan ko nalang yun dahil people change ika nga naman.
Pagkatapos kong kumain ay nagpunta na ako sa kwarto ko at natulog na. Pansin ko rin na mabilis akong makatulog. Hayyys marami kasi akong night shifts.
NARAMDAMAN kong may nakayakap saakin at nakita kong si Amer ito at mahimbing na natutulog. Agad ko itong ginising at may klase pa ito.
"Huy Amer gumising ka na jan. Wala ka bang pasok?" niyugyog ko ito at agad naman itong nagising.
"Good morning bunso." masiglang bati ko dito at hinalikan ito sa noo.
"Good morning din ate. Salamat at ginising niyo po ako. Dito na po kasi ako natulog dahil baka umalis ka." sabi nito at naupo sa kama at nag inat inat.
"Hindi naman ako aalis eh, baka mas lalong magalit ang kuya Aljan niyo. Masama pa naman yun magalit." sabi ko at tumayo na. Nakaramdam ako ng hilo pero tumayo parin ako, bigla nalang bumaliktad ang loob ng tiyan ko at napatakbo ako sa banyo at duon nag susuka.
"Ate lagi ka nalang nag susuka patingin ka kaya sa duktor. Baka may kung anong sakit ka." sabi ni Amer na hinahagod ang likod ko. Tumayo ako at humarap ito kahit gusto nang bumigay ng katawan ko.
"Walang sakit si ate at hindi ko na kailangan mag pa ospital, gastos lang yan at tsaka okay lang ako. Gusto ko lang natulog, maghanda na kayo sa klase niyo at sabihan mo ang mga kuya mo na magiingat sila palagi pati narin ikaw. Bababa nalang ako kung gusto kong kumain." pagkasabi ko nun ay nahiga na kaagad ako sa kama ko at agad na natulog.
----------------
------------------------------------------------------Hanggang dito nalang po muna kasi sa next chapter ay hindi na POV ni Aday. Mas maganda po kasi na mga kapatid niya ang mag POV kasi mas maipapaliwanag ang kanyang kalagayan.
Sorry po kung napadalas ang pagpapalit ng POV sa chapter na ito pati nga ako nalito hahaha.
Salamat po sa nagbabasa nito. And please vote and comment if may Mali po kayong napansin or typos. Thank you.
If you have questions just comment.
Trese♡
BINABASA MO ANG
ADAY : Lucke Vicell's Twin Baby
RomanceThe lovely Aday whose dancing and having a night with every kind of men for their living when this Lucke Vicell offered a deal but instead they end up having a twin baby. ~~ Please read my story. This is the second one to be completed pero di ko pa...