chapter 7

7.5K 144 2
                                    

Nag aagahan kami ng mga kapatid ko sa hapag kainan at hindi ako pinapansin ng mga ito. Kanina kasi ay nag empake ako ng mga damit ko at pinigilan nila ako pero ipinaliwanag ko sa mga ito na para ito sa kanila at uuwi ako every weekend. Pero ang mga ito ay nanahimik at hindi na ako pinansin pa.

Tumayo na ako at nainom ng tubig at hinintay na tumayo ang mga ito pero patuloy lang ito sa pagkain at hindi ako pinapansin.

I sighed. Hindi ko kaya ang mga ugali ng kapatid ko. Naglakad na ako sa may pintuan kung saan nandoon ang isa kong maleta at akmang tuluyan ng lalabas ng may biglang yumakap sa likuran ko.

Napangiti ako.

"Ate naman eh!! Hindi mo man lang kami pinilit." sabi ni Aljan na nakayakap saakin ganun din yung tatlo.

"Eh sa pabebe kayo." sabi ko.

"Ate naman, next week ka nalang umalis." sabi ni Amer.

"Jan lang naman sa bayan eh." sabi ko.

"Magtatrabaho nalang ako ate para hindi ka na umalis." sabi ni Alfred.

Sinipa ko ang paa nito at agad naman niyang hinawakan at namilipit sa sakit.

"Magtrabaho kalang at bubugbugin kita." banta ko dito.

"Yan kasi eh." tudyo dito ni Alson.

"Sige na aalis na ako. Uuwi naman ako kada weekends." sabi ko at humalik sa mga pisngi nito bago tuluyang umalis ng bahay at pumara ng jeep. Iniwagayway ko ang kanang kamay ko sa mga kapatid ko na ganun din ang ginawa.

Tuluyan ko nang hindi nakita ang mga ito at duon na bumuhos ang mga luha ko pero agad ko namang pinunasan at sumandal sa jeep.

NAKARATING NA ako sa sinabi niyang address saakin at pinindot ko ang doorbell. Malaki ang bahay nito at maganda rin ang design sa labas palang, paano pa kaya pag nakapasok ako dito.

Bumukas ng kusa ang gate at pumasok na ako sa bahay nito na nakabukas narin pati pinto.

Pagkapasok ko ay namangha ako sa ganda ng bahay mas maganda tingnan kaysa sa labas. Napaigtad ako ng may magsalita sa may sofa. Hindi ko agad ito napansin dahil sa pag tingin ko sa paligid.

"Sit." sabi nito ng may ngisi.

Naupo ako sa harapang sofa nito at hinintay ang bawat sasabihin nito.

"May kwarto ka na, at malapit iyon sa kwarto ko. May mga damit pang maid kana duon at ang sweldo mo ay matatanggap mo kada Friday at magsisimula ka na mamaya pag maayos mo ng mga gamit mo." sabi nito at tumayo. "Follow me." sabi nito at umakyat ng hagdan na agad ko namang sinundan.

Nakarating kami sa second floor at namangha ako dahil maraming kwarto dito at mukhang nag iisa lang kaming nandito.

"This is your room and that's my room next to your room." sabi nito sabay turo sa kanang bahagi ng pasilyo na ikinatango ko.

"Pumasok ka na jan. Tatawagin nalang kita, may intercom naman sa kwarto mo kaya madali kitang matatwag. I'll go downstairs." sabi nito at bumaba na ng hagdan at iniwan ako sa tapat ng magiging kwarto ko daw.

Binuksan ko ang kabinet at nanduon ang mga pang kasambahay na susuutin ko. Pero bakit ang ikli naman? De bale na nga. Inilagay ko na duon ang mga damit ko at agad na nahiga sa sobrang lambot na kama at ipinikit ang aking mga mata.

NAGISING AKO SA pagtunog ng intercom. Nasa tabi ito ng pinto at ang tunog nito ay parang sa cellphone na ringtone lang. Kaya hindi siya masakit sa tenga.

Pinindot ko ang green botton at sinagot ang nasa kabilang linya.

"Yes?" tanong ko.

"Cook us food, darating kasi yung mga kaibigan ko. And don't wear that maid uniform bukas nalang." sabi nito sa kabilang linya.

"Sige po." sabi ko at namatay na yung tawag kaya dali dali akong pumunta sa banyo at naligo. Nagbihis din ako ng maayos. Isang short na itim at t-shirt na white.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko naman kaagad siya sa sala na may kausap na mga kaibigan niya yata. Nang makarating ako sa tabi sir ko at nag bow sa lahat ng mga kaibigan nito. May tatlong babae at isang lalaki at pangalawa sa lalaki si sir. Tumayo si pinatalikod ako sa mga kaibigan niya ganun din ito.

"Duon ka na muna sa kusina ipagluto mo kami ng kahit ano. Yung pang walo na katao dahil may darating pa sa mga kaibigan ko. Sige na ayun yung kusina." sabi nito sabay turo sa may kanan. Tumango ako at nagpunta na duon.

Nakarating ako duon at ang laki ng kusina dito, tsaka pagbukas ko ng ref ay maraming pagkain, karne, manok, gulay, prutas at may mga drinks.

Kumuha ako ng karne at hiniwa sa maliliit na piraso at minarinate ko sa toyo, suka, paminta at laurel. Sinimulan ko na itong prituhin at nang maprito ay minarinate ko siya ulit at prinito ulit. Pagkatapos kong magprito ay sakto namang pumasok na si sir at yung mga kaibigan niya.

Hindi ako umimik at sinimulan ko nang ilagay yung prinito ko sa lamesa at kumuha ako ng mga baso at inilagay sa mga harapan nito pati narin plato, kutsara at tinidor. Kumuha ako ng pitsel at nilagyan ng malaming na tubig at sinalinan ang mga ito.

Nagtatawanan ito at ayaw kong gumawa ng ingay dahil baka mapagalitan ako ni sir. Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng tubig sa baso ng isang lalaki ng may mga lalaking pumasok sa loob ng kusina at napatigil ng makita ako.

Nagulat ako dahil isa duon ang kapatid ko na si Aljan. Pareho kaming gulat na tumingin sa isat isa. Una kong binasag ang katahimikan saaming dalawa.

"Bakit ka nandito? Wala ka bang pasok?" tanong ko.

"Meron po kasi kaming kukunin sa kuya ko." sabi naman nung katabi ni Aljan.

Bigla namang lumapit saakin si Aljan at hinila ako ng sobrang higpit palabas ng bahay. Mabuti at nailagay ko yung pitsel sa lamesa.

Nang nasa may garden kami ng bahay ay hinarap ako nito at parang may gustong sabihin saakin pero agad din naman itong tumalikod saakin.

Napayuko ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Napaigtad ako ng marinig ko itong sumigaw.

"Hindi mo ba alam ang pinapasukan mo ha!!" sigaw nito saakin. Tumingin ako sa mga mata nito at agad ko ding binawi. Pag nagagalit si Aljan ay wala na siyang pakialam, hindi ka na niya tatawaging ate, nay o di kaya ay bunso at kapatid. Pangaln mo nalang o wala siyang itatawag sayo.

"A-alam ko n-naman y--------------" hindi natapos ang sasabihin ko ng sumigaw ulit ito.

"Tangina naman eh!! Sabi mo kasambahay ka lang, pero kilala ko yang kaibigan naming yan. Pag nagdadala yan ng babae sa bahay ay kinakama niya. Ano ba naman toh oo!! Umalis ka na dito Adry bumalik ka na sa bahay at duon tayo mag uusap." matigas na sabi nito.

"Kailangan ko ito para-------" naputol ang sasabihin ko ng hilain ako nito papasok ng bahay at itinapat ako sa may hagdan. Lahat ng tao sa loob ng bahay ay nakikinig lang sa pag aaway namin.

"Mag impake ka na at uuwi tayo ng bahay." sabi nito at pinagtulakan ako papataas ng hagdanan.

"Magpapaliwanag ako Aljan hin------"

"Magimpake ka na!! Kilala mo akong magalit Adry, diba ayaw mong magalit ako?" sabi nito sa mahinahong tono na ikinatango ko. "Then go fucking pack your things and go home with me!!" sigaw nito at agad na akong pumunta sa kwarto ko at inilagay sa maleta ang mga damit ko at bumaba na ng hagdan at kinuha ni Aljan yung maleta at hinila ako palabas ng bahay.

Agad itong pumara ng taxi at ibinigay ang address sa driver. Nakayuko lang ako hanggang sa hindi ko na namalayan at nakatulog ako sa balikat ni Aljan.

Nagising nalang ako sa pagtapik sa aking pisngi. Pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko si Aljan na walang emosyon ang mukha. Bumaba na kami ng taxi at pumasok kami ng bahay at nanduon na ang mga kapatid ko na agad naman ako ng niyakap. Niyakap ko rin ang mga ito ng sobrang higpit at hindi ko na napigilan ang pag iyak ko.

"Hey bakit ka umiiyak ate?" tanong ni Alson na umalis sa yakap.

"Ikaw ang kailangang magpaliwanag dito Adry." sabi ni Aljan na walang emosyon ang mukhang naupo sa sofa. Ganun din ang mga kapatid ko at naupo sa tabi nito. Ako naman ay harapan nila na maliit na sofa.

--

Lagut na!

Trese♡

ADAY : Lucke Vicell's Twin BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon