Tatlong araw ang nakalipas at hindi padin nagigising si Adry, marami ang bumibisita kay Adry at ako ang palaging nag papaiwan. Nagdala na ako ng mga damit ko dahil dito na ako naliligo para mabantayan siyang mabuti. Dito nadin ako kumakain, palagi ko siyang tinatabihan pag matutulog na. At araw araw chinecheck ng duktor kung okay lang ang baby.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa tabi ni Adry at kumuha ng grapes. Mag isa akong magbabantay sakanya ngayon dahil may pasok na yung apat at si Ciller ay ganun din.
Nang ipasok ko na sa bibig ko ang limang piraso ng grapes ng mapatingin ako kay Adry na nakaupo na sa kama at hinihimas ang tiyan. Dahil sa gulat ay nalunok ko lahat ng grapes at hindi ako makahinga.
Naramdaman ko nalang na may pumalo ng malakas sa likod ko at duon ko na nailuwa ang mga grapes na bumara sa lalamunan ko. Napaubo ubo ako at napaupo sa upuan na inuupuan ko kanina.
“Bakit ka ba nabulunan ha?” tanong ni Adry na nakapameywang sa harapan ko.
“Eh sa ginulat mo ba naman ako, eh di sana di ako nabulunan ngayon at hindi masakit ang likod ko sa palo mo.” hinimas himas ko pa ang likod ko.
“Eh may nakakagulat ba sa mukha ko?” tinuro turo nito ang mukha at nang umiling ako ay bigla nitong piningot ang ilong ko.
“A-a-a-awwww masakit ano ba.” binitawan nito ang ilong ko at biglang naupo sa hita ko at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ko.
“Ikaw kasi eh, imbis na lambingin mo ako ay sinisigawan mo pa ako.” nakangusong sabi nito.
Agad kong ipinulupot ang mga braso ko sa bewang nito at pinugpog ng halik ang buong mukha nito.
“Syempre lalambingin kita pero hindi ka pa nakakapagpahinga ng maayos kaya hinayhinay lang.” pilyo akong ngumiti dito dahilan ng pagkurot nito sa tagiliran ko.
“Heh ang harot harot mo, teka paano niyo pala ako nakuha?” napatayo ito sa pagkakaupo sa hita ko at naupo sa kama kaharap ko.
“Nakita ka ni Ciller sa kalsada at dinala ka niya dito sa ospital. Hubot hubad ka daw nang makita ka niya at hindi namin alam ang nangyari sayo, kaya pwede bang sabihin mo saakin ang mga nangyari sayo para mapapanagot ko na ang may kagagawan nito sayo.” bakas ang determinasyon sa boses ko at bigla rin yung nawala ng marinig ko ang mga sinabi nito.
“Kinuha ako ni Julius at ng tatlo niya pang kasamahan, at dinala ako sa isang lumang bahay at sinaksak ako sa binti ng gagong yun at bago pa man niya ako patayin ay dumating itong si Ally, siya ang nanguna sa pagpapahirap saakin gamit ang mga kutsilyo at kuryente. Hindi ko alam kung paano pa ako nakaligtas sa dami ng saksak na nakuha ko, basta ang inisip ko lang ng mga panahong iyon ay si baby at ikaw, hindi ko din nakalimutang manalangin na sana ay ibalik niya ako sayo ng ligtas. At ito nag nga, nandito ako ngayon sa harap mo, with our baby.” agad ko itong niyakap ng umiyak na ito.
Hindi ko matanggap na si Ally ang may kagagawan ng lahat na ito. Biglang humiwalay sa yakap ko si Adry at tumingin sa mga mata ko.
“Gusto kong mahuli mo si Ally at hindi ipapakulong kung hindi dadalhin mo siya sa isang magaling na duktor.” bakas ang pag aalala sa mukha nito.
“Bakit naman? Siya ang may gawa nitong lahat sainyo ni baby at muntikan pa kayong mamatay dahil sakany----------”
“LUCKE! Hindi mo ba nahalata ang pagbabago kay Ally simula ng ipakilala niyo ako sakanila. At alam mo bang madalas ko siyang makitang tumatawa kapag may nangyayaring masama saakin? hindi mo rin ba nahahalata na may pagtingin sayo ang kaibigan mo? At hindi mo rin alam na may kakambal si Ally?” nagulat ako sa sinabi nito. Lahat kaming magkakaibigan ay walang alam kung hindi lang ay solong anak si Ally at wala nang mga magulang.
“Kaya siya naging ganyan dahil kulang siya sa pagmamahal, kulang siya ng aruga. Kailangan parin natin siyang igalang at isama sa pamilya natin. Alam kong mabait siyang tao pero kinain na siya ng lungkot at selos, si Julius ay naging isa sa mga kostomers ko at nag hiwalay sila ng asawa niya dahil saakin, muntikan nading mamatay ang mag ina niya dahil saakin. Kaya ganuon nalang ang mga galit nito saakin. So please gawin mo ang gusto ko kung hindi........................”
“Ano?” nagtatakang tanong ko.
“Lalayas kami ni baby at hindi na babalik sayo.” nahiga ito sa kama at nagtalukbong ng kumot.
“Pero Adry halos mamatay na ako nang mawala ka tapos ganito pa igaganti mo.” nahiga ako sa tabi nito at niyakap ito ng mahigpit mula sa likuran nito.
NANDITO KAMING magpipinsan ngayon sa bahay ni Ally at kinakausap ang mga ito. Silang dalawa lang ni Julius ang naninirahan sa malaking bahay na ito o mansion nga ba.
“Ally gusto kitang ikulong pero naiintindihan ko naman kung bakit niyo ginawa yun kay Adry, I just want you to come with me at ipapasuri ko kayo kay Lona. Gusto din kayo maging ninong at ninang ni Adry sa magiging anak namin.” nakangiting wika ko sa mga ito.
“Pero malaki ang naging kasalanan namin kay Adry at hindi kami karapat dapat ng pagpapatawad niyo, hindi lang talaga namin makontrol ang sakit namin dahil hindi na kami maka inom ng gamot simula ng maubus ang mga pera na iniwan ng mga magulang namin. Sa totoo lang ay pera ang habol ko sayo Lucke para makabili kami ng gamot pero umabot sa ganito. Hindi talaga namin ginusto ton.” sabi ni Ally na akmang luluhod sa harapan namin ng pigilan ko ito.
“Tulad ng sabi ko ay naiintindihan namin kayo at sana ay maintindihan niyo din kami na handang tumulong sainyo ano mang oras. Alam mo namang hindi nag iiwanan ang magkaibigan diba Ally?” napaluha ito at niyakap ako.
“Hindi talaga namin ginusto yun, I'm sorry.” hinagod ko ang likod nito.
“Kalimutan nalang natin ang mga pagkakamaling nagawa niyo at kailangan niyong magpagaling para pag nanganak na si Adry ay maging ninong at ninang kayo.” humiwalay ito sa yakap at tumango.
“Sige sasama kami sainyo.” sabay nilang sabi na ikinatuwa namin.
NANDITO KAMI ngayon sa ospital kung saan pina pa check sila Ally at Julius. Pupunta kami sa kwarto ni Adry sa hospital kung saan may mga hinanda kami para sa kambal at madali nang matapos ng check up ng dalawa.
Pagkatapos ng check up ay agad kaming pumunta sa kwarto ni Adry at napaiyak nalang ang kambal ng makita ang ginawa naming surpresa para sa mga ito.
“HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUUUUUUUU!!” kanta lahat ng mga pamilya ko at pamilya ni Adry sa dalawa.
Malaki naman ang kwarto kaya kasya kaming lahat.
“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.” naluluhang sabi ni Ally.
“Ngayon lang po kami naka pag celebrate ng birthday ng may kasama.” nakangiting sabi ni Julius.
“Kaya nga, blow the candle na!” sabi ni Lola at inihipan na ng kambal ang kanya kanyang cake.
“Kainan na!!” malakas na sigaw ni Adry na ikinatawa ng lahat.
--
Gutom ako!
Trese♡
BINABASA MO ANG
ADAY : Lucke Vicell's Twin Baby
RomanceThe lovely Aday whose dancing and having a night with every kind of men for their living when this Lucke Vicell offered a deal but instead they end up having a twin baby. ~~ Please read my story. This is the second one to be completed pero di ko pa...