chapter 6

7.9K 143 1
                                    

FRIDAY na ngayon at naghahanda na kami sa pagpunta namin sa park. Nandito kami sa kusina at nagaayos ng mga pagkain na dadalhin namin para sa picnic namin. Nahanda na yung pangsapin namin na paguupuan namin mamaya at nilagay na lahat ng pagkain sa basket.

Dadaan din kami mamaya sa bilihan ng sasakyan at kukuha ng kotse na pwedeng hulughulugan.

Ng makarating kami sa park at napangiti ako ng makita ang lake nito. Parang bata na hinatak ko ang mga kapatid ko papunta malapit sa pangpang ng lake at duon ko nilatag ang sapin.

Naguusap usap kami at kumakain rin at nagtatawanan pag nagbibiro ang isa.

Ngayon lang nabuo ng ganito kaming magkakapatid kaya sinulit ko talaga. Nag selfie kami, nag video at marami pang iba. Sa sobrang saya ay hindi na namin napansin na mag gagabi na pala kaya naman ay inayos na namin ang mga gamit namin at sumakay sa jeep papuntang bayan.

Nakarating kami sa bilihan ng sasakyan kaya agad akong nakipagusap sa babaeng nasa desk. Ang nagustuhan ko naman na sasakyan ay yung Honda, Brio Amaze 1.3 V NAVI AT ang price niya ay 843,000 at pwede ko raw hulugan every month ng 30k at yung 30k ko na tinago ay agad kong ibinayad pang down payment.

Lumabas na kami at bukas na daw pwede na naming makuha yung kotse. Ihahatid nalang daw ng isa sa mga tao nila.

Nakauwi na kaming bahay at nakatulog lahat ng mga kapatid ko dahil sa pagod, pumunta narin ako ng kwarto ko at nahiga sa aking kama at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako at tangayin papuntang dreamland.

NAGISING AKO sa tunog ng busina sa labas ng bahay kaya agad akong lumabas ng kwarto ko papuntang labas ng bahay at nakahinga ako ng maluwag ng makita ang mga kapatid ko na lahat nakapalibot sa kotse habang may lalaki sa loob ng kotse at pinapaandar ito, nakita ko rin na nakikipag usap siya sa mga kapatid ko na tumatango lang. Siguro tinuturuan nito ang mga kapatid ko. Lumapit ako sa kanila at nag good morning sakanila. Tumingin saakin yung lalaki na sa tingin ko ito yung sinasabi ng babae sa desk na tauhan nila.

"Hi ma'am sabi po ni ma'am ay kailangan ko itong ihatid sa tapat ng bahay niyo itong kotse at itatanong ko lang po sana na kung saan po natin ito pwedeng iparada kasi po baka ma-car nap ito dito." sabi nito.

"Oh ganun ba. Ayun yung garahe namin paki pasok nalang. Tsaka pwede bang turuan mo yung kapatid ko sa pagda drive. Kung pwede lang." ginamit ko ang charm ko dito na laging nakakakuha ng puso ng isang lalaki.

"O-oo naman po, tsaka wala naman akong trabaho ngayon." sabi nito at sinama ang mga kapatid ko sa garahe.

Naligo na ako at nag agahan at nagbihis na ng pang alis ko at lumabas na ng bahay papuntang garahe para magpaalam sa mga kapatid ko.

Nakita ko ang mga ito na nagtatawanan kaya tumikhim ako na kumuha sa atensyon nilang lahat. Nandito parin yung lalaki.

"Aalis ka kaagad ate?" tanong ni Amer na agad na lumapit saakin at niyakap ako.

"Oo eh. Sige na huy kayong tatlo gumawa kayo ng projects niyo, bantayan niyo rin itong si bunso at pag hindi niyo iyon nagawa malalagot kayo saakin." banta ko na agad naman nitong tinanguan at lumapit saakin para yumakap saakin at humalik sa noo ko at nag goodbye kiss.

Sumakay na ako ng jeep at pumunta na sa pinagtatrabauhan ko.

Nakarating na ako sa club at hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa room namin ay narinig ko na ang pagtawag ni madam Dalaga sa pangalan ko kaya agad akong humarap dito. Ngumiti ito at hinatak ako papunta sa VIP room ng club.

"Madam Dalaga bukas pa ako magtatrabaho ng ganito diba? Bakit niyo ako pinapasok sa VIP room?" curious na tanong ko dito.

"May gusto daw kumausap sayo." sabi nito na parang kinikilig na mas lalo pang nagpa curious saakin.

Binuksan nito ang pinto ng VIP room at tinulak ako na muntik ko pang ikatumba, sinara nito ang pinto kaya wala na akong magagawa.

Napaigtad naman ako ng may magsalita mula sa likuran ko.

"Hi Aday, miss me?" tanong nito na agad ko namang nakilala.

Humarap ako dito at tama nga ako sa hinala ko, siya yung lalaking nagbigay saakin ng 50k sa pagtatalik namin. "Bukas pa po ang trabaho ko sir kaya magtatrabaho po ako muna bilang wait---------" naputol ang dapat ko pang sasabihin ng tumayo ito at lumapit saakin habang nagsasalita.

"I know who you are Aday, you have four brothers and your parents are divorced. Ikaw lang ang bumubuhay sa pamilya niyo at hindi nila alam na ito ang trabaho mo. Alam ko rin ang past mo, at marami pa. You are raped by your fathers friend-------" hindi ko pinatapos ang sasabihin nito at nagsalita.

"Ano bang kailangan mo saakin? Sino ka ba para sabihin iyon?" sabi ko sabay duro duro sa kanya.

"Ill pay you 50k every week and be my sex slave. Sa tulong nito onte nalang ang babayaran mo sa binili mong kotse." sabi nito sabay lagay sa kamay ko ng isang calling card. "Call me if you have your decision." sabi nito bago ako iniwan nakatunganga sa loob ng kwartong iyon.

Buong maghapon akong nagiisip kung ano ba ang gagawin ko. Buong maghapon rin akong natutunganga sa trabaho at minsan ay nasisigawan ako ng kostomers. At ngayon ay sumapit na ang gabi ay uuwi ako ng bahay para magpaalam sa mga kapatid ko.

Tinawagan ko kanina yung lalaki at sinabi na papayag ako at sinabi nito na kailangan kong magsimula bukas sa trabaho ko, hindi lang daw yung 'sex slave' ang trabaho ko. Magiging personal maid niya na rin ako dahil tinanong niya ako kung marunong ba ako magluto at nung sinabi kong oo ay yun ang sinabi niya.

"Manong jan lang po sa may kanto." sabi ko at tumango lang ang driver.

Bumaba na ako ng tumigil na ang jeep at naglakad papuntang bahay.

Hindi na ako kumatok sa pinto dahil may susi naman ako kaya agad ko ito g binuksan at nakita ko ang mga kapatid ko na lahat nakaupo sa sala habang lahat nakahalumbaba at parang ang lalalim ng mga iniisip.

"Hoy napano kayo?" tanong ko na ikinabigla nila at dali daling tumayo ang mga ito papalapit saakin at nagsiyakap.

"Oh bakit kanina ganun ang mukha niyo? Ang lalalim yata ng iniisip niyo ha. Kung may kailangan kayong bayaran sa school o pambili ng project humingi lang kayo saakin." sabi ko at naupo sa sala.

"Ate kasi.........." hindi matuloy na sabi ni Aljan na patingin tingin pa sa mga kapatid.

"Ano?" tanong ko.

"Kasi may pumunta dito na lalaki kahapon pagkaalis mo ng bahay at binantaan kami na papatayin ka niya. Hindi kami natakot na pinagbantaan niya kami ate eh. Natakot kami dahil may dala siyang baril. Alam naman namin na hindi kami ang puntirya niya kundi ikaw pero bakit ka ba niya gusting patayin ate? Ayaw ka naming mawala." sabi ni Aljan at yumakap saakin.

"H-hayaan niyo na yun, siya yata yung nautangan ko na hindi ko nabayaran sa tamang araw. Sige na wag niyo nang alalahanin yun. Ipagluto niyo ako ng paborito kong ulam." sabi ko para maiba ang topic.

Pumunta kami ng kusina at si Alfred ang in charge sa pagluluto kaya nagluto na ito ng makakain namin.

"Ate akala ko ba may trabaho ka kapag sabado at linggo?" tanong ni Alson.

"Oo nga ate. Pero mabuti at nandito ka." sabi ni Amer.

"Nandito ako dahil kailangan kong magpaalam sainyo na may iba na akong amo at sa bahay nila ako titira simula bukas." sabi ko.

"Lalaki ba ang amo mo ate?" tanong ni Aljan.

"Oo at taga luto ako sa bahay niya." paliwanag ko kahit nagsinungaling ako ng konte.

Ng maluto na ni Alfred ang mga kakainin namin ay kumain na kami at nagbonding sa pamamagitan ng panonood ng movie sa TV at pagkain ng pizza, float at fries. Lumabas din kami ng bahay namin at nagpunta ng court at naglaro ng basketball. At syempre tinuruan ako ng mga kapatid ko sa larangan na ito.

At ngayon nga ay matutulog na ako at iniisip kung ano ang mangyayari saakin duon kinabukasan.

"Hayyyys, para naman to kila Aljan eh." sabi ko sa sarili ko at nahiga na upang matulog.

--

Ihhh OA na ba?

Trese♡

ADAY : Lucke Vicell's Twin BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon