epilogue

8.5K 133 2
                                    

ADRY'S POV

Makalipas ang anim na buwan ay grabe na kung makabantay sila nanay, Lucke at mga kapatid ko saakin dahil malapit na ang kabuwanan ko. At sa anim na buwan ding yun ay naging maayos na ang relasyon namin sa kambal. Naging magaling na ang kambal, hindi na sila sinusumpong ng kanilang sakit dahil nadin sa tulong ng mga magagaling na duktor at medisina.

Mag isa lang kaming dalawa ni Lucke sa mansion dahil on vacation ang lahat maliban saamin dahil baka sa byahe pa daw ako manganak.

Naka higa ako ngayon sa sofa at akmang tatayo para kumuha ng apple ng bigla nalang nanakit ang tiyan ko. Kakaibang sakit yun pababa ng puson ko.

Napatingin ako sa binti ko na may dumadaloy duon pababa ang parang tubig na kung tawagin ay panubigan. Napaigik ako ng mas lalo pang sumakit ang tiyan ko.

"LUCKE! MANGANGANAK NA AKOOOOO!" malakas kong sigaw at nakita ko naman kaagad si Lucke na tumatakbo papunta sa akin na may dala dalang bag na kung saan duon na namin inihanda ang mga kailangan ni baby.

Agad ako nitong binuhat at ipinasok sa kotse nito, agad itong naupo sa passenger seat at pinaharurot papuntang ospital ang kotse.

Nang makarating ay agad na may nag sidatingang nurse at isinakay ako sa kamang may gulong.

Ipinasok ako sa isang room at pinahiga sa isa pang kama at pinabukaka.

Napa tili ako ng sumakit ang tiyan ko pababa ng puson ko at sa pagkababae ko.

"Misis kailangan niyo pong i-push para makalabas si baby. Sige po puuuuuush." sinunod ko ang sinabi nito at pinaulit ulit namin yon hanggang sa lumabas na si baby. Parang may bumabara nanaman sa pagkababae ko at laking gulat ko sa sinabi ng duktor.

"Misis kailangan niyo pa pong mag-push dahil kambal ang baby." ginawa ko ulit ang pag push o pag ire hanggang sa makalabas ng tuluyan ang baby.

Inilagay ito sa isang maliit na kama at itinabi saakin.

"Papahugasan lang po namin ang mga baby misis ha? At lilinisan din po kayo." tumango ako at ipinasok nito sa isang pinto ang mga baby at ganun din ako.

Napapikit ako dahil sa pagod at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

NAGISING AKO sa maingay na paligid at nang imulat ko ang mga mata ko ay sinalubong kaagad ako ng maraming tao sa loob ng kwarto.

"Lucke." tawag ko dito na may hawak hawak na baby.

"Hey love, this is our baby boy." pinakita nito saakin ang maamong mukha ng natutulog na baby.

"And this is your baby girl." pinakita saakin ni nany ang baby at ang cute cute nito.

Pinabuhat ito saakin ni nanay at nag usap usap muna ang mga ito bago napag disisyonan na lumabas muna para makapag solo kaming dalawa.

"I love you baby girl ko." hinalikan ni Lucke ang noo ng baby na hawak ko. "I love you too baby boy ko." hinalikan din nito ang baby na hawak. "And I love you very very much love ko." hinalikan nito ang labi ko at nagulat ako ng bigla itong lumuhod sa harapan ko.

"Love ko, gusto ko may matawag na akong asawa ko sa araw araw, gusto ko din na idugtong ang apelyido ko sa pangalan mo, gusto ko ding maging akin ka na pang habang buhay at higit sa lahat para maipangalan ko na saakin ang mga anak natin." napaluha ako sa mga sinabi nito.

"Love ko, will you merry me? Will you be my Mrs. Vicell?" bakas ang saga sa mukha nito at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinagot ang katanungan nito.

"Yes na yes love ko." tumayo ito at naupo sa tabi ko.

"Mahal na mahal kita Lucke. " nakangiting wika ko.

"Mahal na mahal ko din kayong tatlo." at agad ako nitong siniil ng halik na puno ng pagmamahal. Humiwalay ako sa halik nito ng may maisip.

"So ano ang ipapangalan natin sa mga baby?" tanong ko.

"Kung gusto mo ay paghaluin natin yung name natin?" napangiti ako sa suhistyon nito.

"Oo ba." sabi ko at sabay kaming nag isip.

"Jan Drucke Vicell para kay baby boy natin." sabi nito na ikina tango tango ko naman.

"At Jan Lucy Vicell kay baby girl natin." napangiti kaming pareho at puno ng saya na tumingin sa aming mga munting anghel.

Sana naging mabuting mga bata ang mga anak namin. At marunong magbigay, magparaya, magpahalaga at gumalang sa kapwa. At sisiguraduhin naming mag asawa na magiging mabuti kaming magulang para sa anak namin na sa bawat taon ay lalaki at magkakamalay sa mundong hindi pantay pantay ang mga taong may buhay.

--

Trese♡

ADAY : Lucke Vicell's Twin BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon