Nandito kami ngayon sa loob ng bahay at kumakain na naman ako ng prutas dahil yun ang hinabilin nila nanay at Tita. Napatingin ako sa wall clock at napangiti ako ng madali ng mag alas dose.
“Lucke 11:45 na, sabihan mo na ang lahat na maghanda na para sa noche buena.” tinapik tapik ko ito.
“Hindi mo man lang ba ako tatawaging love nagtatampo tuloy ako.” nakangusong sabi nito kaya hinalikan ko ang labi nito at nagsalita.
“Love ko, pwede bang pakisabihan sila na maghanda na kasi sasapit na ang noche buena.” nakangiting sabi ko at nag puppy dog eyes pa.
“Yan! Mas maganda na tinatawag mo ko ng ganun. Sige sasabihan ko sila.” humalik ito sa nuo ko bago umalis.
Patuloy ako sa pagkain ng grapes ng may biglang bumuhos na malamig na tubig sa aking katawan kaya napatili ako, sa sobrang lamig ay napatayo pa ako. Pag tingin ko ay si Ally lang pala.
“Naku sorry Adry sobrang clumsy ko talaga. Hindi ko sinasadya.” naiiyak na sabi nito kaya nginitian ko lang ito ng pilit, baka magkagulo pa.
“Naku okay lang yun, basta mag iingat ka na sa susunod at baka ikaw pa itong mapano.” naglakad ako papuntang kwarto at naramdaman kong may umalalay saakin. Pag tingin ko ay si Lucke na may pag aalala sa mukha.
“What happened? Nanginginig ka at basang basa.” pinunasan nito ang tubig sa may tiyan ko.
“Magpapalit lang ako ng damit baka lamigin din si baby.” sabi ko at nagpatuloy na kami pagpunta sa kwarto para magpalit ako ng damit.
Pagkapalit ko ng damit ay lumabas na kami kung saan lahat nagtatawanan at kumakain. Napangiti ako dahil sa nakita ko at ganun din si Lucke na nasa tabi ko.
Agad akong sinalubong ng mga kapatid ko at si nanay.
“Merry Christmas mga kapatid, pati narin sayo nay.” tumingin ako dito ng naluluha.
“Naku wag ka nang maiyak, nagawa ko lang namang humingi sayo ng pera palagi para makalaya ang tatay mo, nakulong siya dahil sa drugs at pinilit kong maging masama ang tingin mo saakin dahil ayaw kong mag alala ka sa sakit ko.” nagulat ako sa sinabi nito at hindi nakapag salita. “Natatakot akong mawala sainyo kaya sinuhulan ko ng pera si Lucke, nagpagamot ako at salamat dahil naagapan ang sakit ko. Naisip ko na maikli lang ang buhay kaya napagdesisyonan ko na maging mabuti at responsableng ina sa inyo.” nakangiting niyakap ako nito at tuluyan nang tumulo ang luha ko. Ngayon ko lang nayakap si nanay simula ng mag hiwalay sila ni tatay.
Kumalas kami sa yakap at pinahidan ang kanya kanyang luha.
“So kumain na tayo at mag celebrate!” nakangiting pumunta kami sa hapag at kumain.
Kukuha sana ako ng sariling plato ng pigilan ako ni Lucke.
“Share nalang tayo ng plato para naman masubuan kita.” nakangiting humalik ito sa pisngi ko at kumuha ng pagkain habang masayang tinuturo ko kung alin ang gusto kong kainin.
Naupo kami sa hagdan at sinubuan ako nito at susubo din ito. Naisip ko yung napansin ko sa tiyan ko kaya agad ko itong sinabi dito.
“Love ko, pansin ko lang na iba ang laki ng tiyan ko sa normal na two months palang ang tiyan.” nagtatakang tumingin ako dito.
Natigilan ito at napatingin sa tiyan ko at sumilay ang ngiti sa mapupulang labi nito.
“I think its twin.” nakangiting hinaplos nito ang tiyan ko at ako naman ay napatingin sa tiyan ko at napa kurap kurap.
“Kailangan na talaga nating magpa check-up.” ngumanga ako sa harap nito at agad naman ako nitong sinubuan.
Habang lumilipas ang oras ay panay lang tawanan at kwentuhan naming dalawa hanggang sa makaramdam ako ng antok.
Tumingin ako dito at naka tingin din pala ito saakin na ikina pula ng psingi ko.
“Why are you blushing my love?” nakangising humalik ito sa namumula kong pisngi.
“K-kasi nakatingin ka saakin.”
“Oh why is that?” nakangising sabi nito.
“I don't know.”
“Haha I was just asking but you are so guilty.”
“I'm not.”
“Okay. Alam kong antok ka na so you can sleep at my shoulder.” tinapik tapik nito ang balikat at agad naman akong sumandal duon at niyakap siya patagilid.
“You know that I love you right?” nakatingin sa lapag na tanong ko dito.
“Yeah, bakit mo naman nasabi yan?”
“Its just a feeling na parang gusto kong sabihin sayo lahat at iparamdam ko sayo lahat ng pagmamahal ko. I can't understand my self pero nararamdaman kong--------” hindi natapos ang sasabihin ko ng may tumawag sa mga pangalan namin at pagtingin ko ay yung Lola ni Lucke. Tumayo kami at inaalalayang naglakad kami ni Lucke papalapit duon.
“Halika dito nak, gusto kong makausap ang babaeng nagpatibok ng iyong pusong naliligaw nuon at nakahanap na ngayon.” nakangiting tumingin ito saakin at saaking tiyan.
Naupo ako sa tabi nito at si Lucke naman ay humalik sa nuo ko at hinimas him as ang tiyan ko.
“Duon po muna ako kila dad.” umalis ito at pumunta kung saan nagiinuman sila Tito.
“Alam mo ba ineng itong batang toh nuong college ito ay umibig yan ng palihim at ako naman ang palagi niyang pinagkukwentuhan dahil yata iniisip niya na madali ko yung nakakalimutan, pero hindi. Palagi kong naaalala kung paano siya umiyak ng dahil sa babaeng yun, hindi ko nga alam jan sa batang yan at bakit hindi niligawan ang babae yun at pinaabot niya pa sa pagkawala ng babae sa school nila. Iba kasi yan magmahal, sobra-sobra yung tipong wala siyang tinitira para sa sarili niya.” nakatingin kaming pareho kay Lucke na nakikipagtawanan sa mga lahat ng lalaki kasama na ang mga kapatid ko.
“You won't believe Lola kung ano ang sasabihin ko sayo.” nakangiting wika ko habang hinihimas him as ang tiyan ko.
“What? Is it about the baby? Babae ba o lalaki? Masusundan ba kaagad?.” dire diretsong salita nito.
“Its all no Lola, nahanap na po ni Lucke yung babae at hindi po kayo maniniwala kung sino yun!” napapangiting tumingin ito saakin.
“Sino? Maganda ba siya?” tumingin pa ito sa kisame na parang nag iisip kung ano ang itsura nito.
“Its me Lola, at magkaka baby na kami.” bigla itong napatingin saakin at namilog ang mga mata.
“Ikaw? Naku kaya pala binuntis ka kaagad ng apo kong yan. Hayys baka ayaw na maagaw ka pa ng iba.” naiiling na sabi nito pero bakas parin ang ngiti sa labi nito.
“At nagpabuntis din naman po ako kaagad, haha kumain na po tayo dahil kanina pa po kayong nakikipag kwentuhan sa mga bisita at hindi na po kayo kumakain.” nakangiting pumunta kami sa harapan ng mga pagkain at agad na kumuha ng makakain.
Naupo ako sa isang sulok at may tumabing upuan saaking kanan at yumakap ang tanong nauupo duon sa taas ng bewang ko para hindi maiipit si baby.
“Hmm I want you right now love, but I know you are tired and sleepy kaya hanggang yakap at halik lang muna ako sayo.” hinahaplos haplos pa nito ang tiyan ko at Panay ang halik sa leeg ko.
“Hmm, I love you so much Lucke.” madamdaming tinitigan ko ito sa mga mata at nakipagtitigan din ito ng may sobrang pagmamahal at saya sa mga mata.
“I love you too very very very much love, and our baby.” humalik ito sa tiyan ko at ganun din sa nuo ko bago ako halikan sa labi.
This is the happiest day with him.
--
Yieeee.
Trese♡

BINABASA MO ANG
ADAY : Lucke Vicell's Twin Baby
RomantizmThe lovely Aday whose dancing and having a night with every kind of men for their living when this Lucke Vicell offered a deal but instead they end up having a twin baby. ~~ Please read my story. This is the second one to be completed pero di ko pa...