chapter 14

6.3K 116 4
                                    

Today is December 24 at nagluluto kami ng mga ihahanda dito sa bahay este mansion nila Lucke. Pagkatapos kasing mag celebrate ng birthday ni nanay ay nagkaayos na kami at naging mabuti at maaruga na ito ngayon kaya nga abot abot ang saya ko. Mga dalawang araw namin sa bahay ni Lucke na bahay na daw namin ay pumunta na kami dito at sa laking tuwa namin ay magaan kaming tinanggap nito, hindi nila kami hinusgahan hindi tulad ng ibang mayayaman. Actually nagkasubod kaagad sila nanay at mommy ni Lucke dahil sa pareho nitong paguugali, at ngayon nga ay tulong tulong kaming mga babae pati narin ang mga kasambahay sa paghahanda at pagluluto. Ang mga lalaki naman ay ang mga naka toka sa pag de-decorate ng bahay.

Hinuhugasan ko ang kutsarang hawak ko dahil kakain ulit ako ng powdered milk ng biglang humilab ang tiyan ko at napatingin ako sa mga tao na abala sa mga ginagawa kaya dahan dahan akong nagpunta sa malapit na upuan kung saan ako lang ang tao at mahinang hinilot ang parte ng tiyan ko kung saan ang humihilab.

Hinihilot ko ito ng mahinay pero hindi parin nawawala yun kaya agad kong kinausap ang tiyan ko.

“Baby sorry na hindi na si mama magpapagod, kapit ka lang huh? Mahal ka ni mama wag ka na magalit hindi na si mama magpapagod, promise.” parang tangang kinakausap ko ang tiyan ko at paunti unti ay nawala ang hilab hanggang sa naramdaman kong may humaplos din sa tiyan ko at pag tingin ko ay si Lucke iyon. Hinalikan ako nito sa nuo bago ito lumuhod sa harapan ko at hinalikan ang tiyan ko.

“Si mama kasi baby nagpapagod pa, hayaan mo hindi hahayaan ni papa na magpagod si mama. Just stay still baby.” hinalikan nito iyong muli bago ito kumuha ng upuan at tumabi saakin.

“Sumasakit pa ba?” hinaplos haplos nito ang tiyan ko.

“Hindi na, parang naiintindihan niya tayo. I'm sorry hindi na mauulit. Gusto ko lang namang makatulong eh, kaysa naman maburyo ako duon sa isang gilid at walang ginagawa.” nakangusong sabi ko.

“Haha, duon ka nalang sa amin nila dad para may makausap ka. Tutal wala namang ginagawa si Ciler makipag kulitan ka duon, tsaka nandyan si Mola.” alam kasi nito na natuwa ako kay Mola kaya tuwing pupunta ang mga ito sa bahay ay hindi pwedeng mawala si Mola.

“Ganun ba? Pero gusto ko ng gatas muna, tsaka avocado shake din. Please!” nag puppy dog eyes pa ako sabayan pa ng pagnguso ko, alam ko kasi ito ang mga kahinaan ng mga kapatid ko at ni Lucke kaya lagi ko itong ginagamit para mapapayag ito sa mga iniuutos ko.

“Opo, just wait here.” sabi nito at hinalikan ako sa nuo bago nagpuntang ref at ginawa na ang pinapagawa ko.

Mga ilang minuto pa ay tumabi ito saakin at ibinigay ang isang baso ng gatas at isang baso din ng avocado shake.

“Wala ba itong asukal?” tanong ko.

“Wala.”

“Eh onteng gatas?”

“Wala din po.”

“Walang halo?”

“Wala po talaga.”

“Bakit wala kung ganun?” naka taas kilay nabtanong ko dito.

“Dahil alam ko na po na ayaw mo ng may mga halo ang avocado shake mo.” nakangising sabi nito bago tumayo at inalalayan ako papuntang sala.

Duon kasi kakain mamayang Noche Buena. Naupo ako sa sofa at tumabi saakin si Ciler na agad pinatabi saakin ni Lucke, pinahawakan ko yung powder na gatas dito at kay Mola naman yung avocado shake.

Tumayo ako at tumaas ng hagdanan para kumuha ng towel para ipunas kay Lucke na pawisan na, bumaba na ako ng hagdan at malapit na sana ako sa dulo ng hagdan ng may biglang tumulak saakin sa likuran ko kaya napa upo ako sa sahig at lahat napa tingin saakin. Pag tingin ko ay nanduon si Ally na naka ngisi at bigla namang napalitan yun ng pag aalala, siguro namalikmata lang ako.

ADAY : Lucke Vicell's Twin BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon