chapter 2

10K 164 5
                                    

Kumakain na kami ng dinner ng bumukas ang pinto at pumasok si nanay.

Tumayo ako ng makalapit ito at akmang magmamano sakanya ng tampalin nito ang kamay ko at naupo sabay kuha ng makakain.

Naupo na ako at ngumiti sa mga kapatid ko na nakatingin lang saamin.

"Ah nay ipapasyal ko lang yung mga kapatid ko sa mall bukas kung guasto mo sumama ka saamin may extra kasi akong pera-------" hindi natapos ang sasabihin ko ng magsalita ito.

"Pinapalabas mo ba na wala akong pera?! Eh di kainin mo ang pera mo!!" singhal nito at tumayo. "Nakakawalang gana naman oh. Maguusap tayo mamaya." sabi nito at dinuro duro ako bago tumaas ng hagdan.

"So tuloy tayo? Marami akong pera, malaki sweldo ko ngayon kaya makakapasyal tayo." sabi ko at kumain nang muli.

"Ate pala, wala na kaming mga school supplies. " sabi ni Amer.

"Syempre bibili rin tayo nun." sabi ko at kumain na kami.

Kada linggo lang ang trabaho ko kaya limang araw lang ang nilalagi ko sa bahay. Sabado ay mag wewaiter ako at linggo naman ay bayarang babae.

Natapos na kaming kumain at yung mga kapatid ko ay nagsiharap sa TV at nanuod. Ako naman ay nandito sa kusina at naghuhugas ng mga pinagkainan namin. Gusto pa nga ng mga kapatid ko na sila na maghugas ako pero mas makulit ako sakanila. Sa aming magkakapatid kasi ay kung sino pa ang matanda siya pa ang makulit. Si Amer nga kung magsalita ay parang ang tanda na, tapos ako pa lagi ang pinapangaralan nila.

Kaya hindi ko sakanila masabi ang trabaho ko dahil alam kong magagalit sila. Ayaw nila ako sa trabaho ko ngayon, alam kasi nila ang nakaraan ko. Ayaw nilang maulit ang nangyari pero heto parin ako basta para sakanila ginagawa ang lahat.

Pagkatapos kong maghugas ay naligo ako at napatingin sa kabuuan ng kwarto ko. Maliit lang ito at may laman na pangdalawahang tao na kama at kabinet na singtaas ng kisame. Maliit lang ito pero malinis, lagi kasi itong nililinis ng apat na palagi kong binibilin sakanila.

Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa sala kung saan nanduon si nanay habang nakaupo sa sofa at nanunuod ng pelikula.

Napatingin ako sa orasan at alas nuebe na pala kaya wala na sa sala yung apat, siguradong tulog na ang mga yon.

"Ikaw na babaita ka. Naghiwalay kami ni Ramel, dapat ikaw itong pinapalayas eh!!" singhal nito saakin.

"Nay naman eh, hinipuan ako ng lalaking yun tapos ano hahayaan ko lang ano yun gaguhan?" sabi ko dito.

"Eh duon ka naman magaling diba?" sabi nito na ikinatigil ko. Ngumisi ito at nagsalitang muli.

"Wag mong ipagmayabang ang pera mo saakin kahit na pera mo ang bumubuhay sa pamilyang ito. Hindi mo naman yan pinaghihirapan eh, tutal nga eh nasasarapan ka sa trabaho mo dahil pokpok ka!! POKPOK!! Pasalamat ka at hindi ko iyan sinasabi sa mga kapatid mo, dahil kung hindi at matagal kanang wala dito sa bahay. Sa linggo ha, galingan mo para mas malaki naman ang bayad sayo." sabi nito at binangga muna ako bago talikuran.

Napaupo ako sa sahig at napahawak sa nuo ko. Mabuti at hindi narinig ng mga kapatid ko. Baka sa kalye na ako nito matulog.

Pinahid ko ang luha ko at pumunta sa kwarto ko para matulog. May pupuntahan pa kami bukas.

NAGISING AKO ng maaga at ginawa ang morning routine ko. Pagkatapos ay bumaba ako ng hagdan papunta sa kusina para maghanda ng umagahan namin. Pero pag dating ko sa kusina ay napangiti ako ng makitang may makakain na at nakaupo duon ang tatlo habang si Aljan ay nakatayo at sinasalinan ng kanin ang mga kapatid niya. Lahat narin sila nakabihis na ng pang alis. Mukhang excited ang mga ito.

ADAY : Lucke Vicell's Twin BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon