Chapter 19

14 1 0
                                    

"Matutuwa ka kay lola, matagal ka na niyang gustong makilala actually. Kaso dahil ayaw nina mommy na mabigla ka sa sudden change, hindi muna nila pinaalam kina lola na bumisita ka dito tuwing hapon noon, at hindi pa nila nasasabing dito ka na nakatira," ang sabi ni Nick habang nagsasapatos sa kanyang kwarto. Magkatapat ang kwarto nina Nick at Zach at iniiwan nilang nabukas ang pinto sa tuwing sila ay nag-uusap.

"Hindi ko alam kung anong i-eexpect," ang pag-amin ni Zack na nag-aayos ng buhok. "Kinakabahan ako."

"Mababait naman ang mga kamag-anak natin kaya huwag kang masiyadong kabahan. Palabiro naman yung mga pinsan natin, actually tayo na nga ang pinaka bata. Only child si mommy kaya wala tayong pinsan sa side of family niya except sa mga anak ng pinsan niya. May tatlong kapatid si daddy – isa doon si Tito Franko – at may dalawang babae pa siyang kapatid – sina Tita Elaine at Tita Crista. You'll love them all."

Lumabas ng kwarto si Nick at bumaba papunta sa sala. Bibisita sila sa puntod ng kanilang namatay na lolo. Zach's going to meet the whole family today at kung anu-anong scenario ang naiisip ni Zach. Tumingin si Zach sa sarili niyang reflection sa salamin. Kamukha ba ako nina mommy at daddy? Mukha ba talaga kaming magkapatid ni Nick? Napansin ni Zach na parehas sila ng mata ng daddy niya at parehas sila ng mommy niya ng korte ng mukha. Okay I'm convinced.

* * *

Huminto ang kotse na sinasakyan ng mga Celdran sa harap ng isang malaking mosuleyo, may malaking "Celdran" na nakasulat sa itass, glass doors ang pintuan at marmol ang hagdan. Mula sa loob ng kotse ay makikita ang mga taong isa-isang naglalabasan mula sa mosuleyo. Inaabangan ang kauna-unahang paglapat ng tingin sa isang miyembrong labing anim na taong hindi nasilayan. Matatanda, middle age, at mga bata, lahat ay nakatingin lang sa kotseng kapapatay lang ng makina.

"Akala ko tayo ang pinakabata?" ang bulong ni Zach kay Nick.

"Tayo nga," ang sagot ni Nick. "Mga pamangkin natin ang mga batang iyon."

Binuksan ng mommy nila ang pintuan at lumabas, inalalayan ang daddy nilang lumabas ng sasakyan at tumayo sa tulong ng isang baston. Lumabas ang magkapatid, una ang panganay na si Nick. Ngumiti ito sa mga pinsan, tiyo at tiya, at mga pamangkin. Sumunod ang bunsong si Zach.

Napangiti ang mga tao sa harap ng musoleyo nang masilayan sa unang pagkakataon si Zach na nang huli nilang makita ay isang taong gulang palamang at buhat pa ng kanyang ina. Napatakbo naman ang isang matandang babae na may napakaputing buhok at naluluha ang mga mata. "Ang apo ko! Ang apo ko!" ang tangi niyang sinisigaw. Naglakad papalapit ang magkapatid, ngunit sinalubong ng halik at yakap mula sa lola ang kapatid ni Nick. Niyakap nalang ni Zach ang matanda, naiilang sa mga matang sa kanya ay nakalapat.

Hinawakan ng matanda ang kanyang apo sa magkabilang balikat, tinitignan ang mukha ng apong akala niya kailanman ay di na makikita. "Naku, ang gwapo ng apo ko," ang puri ng matanda. "Kumusta ka apo? Natatandaan mo pa ba ako?" Napangiti lang si Zach. Hindi alam kung anong isasagot. "Siyempre hindi na, ano ba ang iniisip ko. O sige, halika na at marami pang gustong makipag kilala sa iyo."

Tumingin muli si Zach sa mga taong nakatayo sa labas ng musoleyo. "Marami nga," ang sabi ni Zach. Higit sa bente ang mga mukhang nakikita ni Zach. Animo'y family reunion ang naganap kasama ng isang patay.

"Lahat sila ay sabik na makita ka," ang sabi ng kanyang lola. "Aba naman kasi Theo, matagal kang nawala."

Theo? Ang tanong ni Zach sa sarili. Iyon ba ang tawag nila sa akin noon? Nang mapalapit si Zach at ang kanyang lola sa hagdan ay gumilid ang lahat ng tao, nagbibigay daan para kay Zach. Ang unang nakita ni Zach ay isang sepia na larawang nakasabit sa ding ding, isang matandang bersyon ng daddy niya. Sa ibaba nito ay isang puntod na gawa sa itim na marmol na kaparehas ng sahig at buong musoleyo. May mga kandilang nakatirik sa ibaba, sa harap ng pangalan ng taong nakalibig, petsa ng kapanganakan at kamatayan. Theodoro Celdran. Born: October 28, 1918. Died December 7, 2003.

Bloodlines and Heartstrings 2: Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon