Bumalik ako sa kwarto ng daddy namin ni Nick after ng shift. Pagbalik ko ay wala pa si Nick. Dumaan muna siya sa vendo sa labas para magkape. Pagdating ko ay gising na ang daddy namin ni Nick at nasa tabi niya naman ang mommy namin ni Nick.
“Gising na po pala kayo,” ang sabi ko. “Kumusta na po kayo?”
“Ayos naman kahit papaano,” ang sagot ni daddy. “I’m feeling quite better actually.”
“That’s good to hear.”
Umupo ako sa paanan ng kama niya. Sinubukan niyang umupo pero pinigilan namin siya. Ngumiti siya sa akin, tila pinipilit akong maniwalang okay lang siya.
“Bakit hindi niyo po sinabi sa akin na may sakit kayo?”
“That wouldn’t change anything,” ang sagot ni daddy.
“But are you planning to?”
“No.”
“Why?”
“Because if ever matanggap mo man kami bilang pamilya mo, at least gusto kong maalala mo ako na malakas at hindi katulad ngayon na ulo nalang ang wala pa sa hukay.”
“I’m sorry,” ang sabi ko. Yumuko ako’t dumaloy na naman ang mga luha ko.
“Para saan?”
“Sa lahat. I wasn’t there for you these past few days – when you needed your family most.”
“Well, you’re here already, and that’s more important.”
Tumingin ako sa mga mata niya at ngumiti siya sa akin. Medyo nagkakulay ang namumutla niyang mukha. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. He squeezed it a bit.
“Hindi ako makapaniwalang ang 16 na taon kong paghahanap ay natapos na at nasa harap kita ngayon,”
ang sabi niya. “Not in the circumstances I was imagining it to be but this is better than not seeing you again.”I squeezed his hand back and he smiled. “The last time you squeezed my hand was when you we’re a year old. Ang liit ng kamay mo noon, mahigpit ang hawak mo sa mga kamay ko. At ngayon, ang laki mo na, mas malaki na ang kamay mo at buong palad ko na ang hawak mo at hindi na dulo ng isang daliri. You know what, I’d like to hear all about your stories in that 16 years we’re apart. But I guess we don’t have much time.”
“We have all the time we needed, and we have more than enough.” Ipinikit niya ang mga mata niya at huminga ng malalim, nakangiti parin siya.
“The sun was shining so bright that day, it was summer,” he started to say. I already know what he was trying to tell, what story it was. “The four of us were at the park, just like an ordinary family. It was a perfect Sunday morning. I was pushing you’re stroller while your mom carried your older brother.”
“That’s new, I never thought Nick was older than me.”
“He’s a year older. At two, napakaprotective niyang kapatid. Kapag naglalaro kayo kasama ng mga pinsan niyo, ayaw niyang inaagawan ka ng laruan o sinasaktan.” Natawa ako sa sinabi ni daddy. Hindi ko maimagine na ganoon si Nick, ang taong nambully sa akin sa college. “And that day, he never stopped calling your name, he was looking for you. He can’t even sleep at night.”
“Parang hindi naman po si Nick ang ikinukwento niyo.”
“Talaga?”
“Opo. I first met him when I first entered college, and he practically made my life a show to everyone. Parang hindi kami college, para kaming high school,” habang sinasabi ko ito ay nanlalaki ang mga mata ng mommy namin ni Nick, hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko, habang napakunot noo lang ang daddy. “Pinaliguan ako ng slime noong birthday ko, tinabig ang tray ko sa canteen para mabuhos ang lunch ko sa damit ko, pinatid ako sa corridor at napahiya sa maraming tao, pinakasimpleng bagay na yung last na binaggit ko. I hated him then. I can’t say I have forgiven him, but at least the anger is gone.”

BINABASA MO ANG
Bloodlines and Heartstrings 2: Broken Strings
Teen FictionSa pagpapatuloy ng kwento ni Zach... Nayanig ang buong mundo niya nang makilala niya ang tunay niyang pamilya. Magkahalong galit, takot at pagkalito ang bumalot sa kaniyang puso. Sa mga pagbabagong dumarating sa kaniyang buhay, paano kung bumalik an...