Nakatulala sa harap ng salamin ng kanyang kwarto si Nadine nang sumunod na umaga pagkagaling sa beach, hindi niya namamalayang hinahaplos pala niya ang kaniyang mga labi. Ang tanging nakikita lang niya ay ang mukha ni Zach nang matumba sila at magkalapit ang mga mukha at muntik maglapat ang mga labi. Kumabog ang dibdib ni Nadine, naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha at hinawakan niya ang mga kabila niyang pisngi na kapwa namumula.
Hinawakan ni Nadine ang dibdib niya at pinakiramdaman ang kabog ng kanyang dibdib. Ano ba 'to, bakit nararamdaman ko 'to? ang bulong ng isip ni Nadine. Hindi ito ang unang pagkakataong nakaramdam si Nadine ng ganito.
Sa bawat tawag ni Zach ay hindi maipaliwanag ni Nadine ang sayang nararamdaman niya, sa tuwing pinipisil si Zach ang kanyang ilong, sa bawat pitik sa noo, ang mga ngiti niya habang isinusubsob ang sarili sa mga libro sa library, ang lahat ng pagkakataon, sa simpleng bagay sa simpleng oras – lahat ay nagbibigay ng kuryenteng dumadalong patungo sa kanyang puso.
Naguguluhan siya sa nararamdaman. It feels right yet so wrong. Mahal niya si Aldrin, alam niya iyon sa sarili niya. But with Zach...
Zach consumes me. One look into his eyes and I am lost in space. His eyes captures me, his smiles seduces me, and the sound of his voice makes me weak. Sinubukan kong huwag makaramdam nito para kay Zach, pero the more I try the more I fall, the more I fail not to fall.
Fourth year high school sila nang makilala niya sina Aldrin at Zach. Nakilala niya si Zach bilang ang mysterious side kick ni Aldrin. Mailap si Zach sa ibang mga tao maliban sa best friend nitong si Aldrin. Konti lang ang mga kaibigan ni Zach at hindi lahat sila ay talagang kilala kung sino ba talaga siya. Kahit si Aldrin ay natagalan bago niya malaman kung ano ang kwento sa likod ng isang Zachary Navarro. Hindi pala kwento si Zach noon, walang may alam ng kahit ano tungkol kay Zach bago siya lumipat sa kanila. Si Nadine ang nagtiyagang alamin kung ano nga ba ang kwentong bumabalot sa misteryosong binata.
Sa paglipas ng mga taon ay naging malapit sila ni Zach, hindi sila magpaghiwalay na tatlo nina Aldrin. Unti-unting nailabas nila ang tunay na Zach from the shell of a mysterious young man. And the first time she saw him smile – a real big smile – was the moment she fell for him. Itinago niya iyon simula noon dahil alam niyang mali. Nagmamahal siya ng dalawang tao nang sabay.
Sa mga araw na may hindi sila napagkakasunduan ni Aldrin, mga araw na nauuwi sa pag-aaway ay kay Zach tumatakbo si Nadine. Doon niya nararamdaman ang comfort na hinahanap niya. Sa piling ni Zach siya pinakakomportable sa mga ganoong oras.
* * *
"Natutulog pa siya," ang sabi ni Nick kay Kat sa telepono. "Oo, tinignan ko sa kwarto niya. You worry a little too much."
"Bakit hindi ka ba nag-aalala para sa kapatid mo?" ang tanong ni Kat.
"No. Nakita niya ang ex niya sa beach. That's not a big deal."
"Alam mo ba kung gaano kadrama ang kapatid mo?"
"He's my lil'bro, I know he's okay."
"You don't know him."
"Maybe I know him more than you," mapanghamong sinabi ni Nick.
"Bite me."
"After almost 9 months na kinaibigan ko siya hanggang sa naging magkapatid kami, I think mas kilala ko siya kesa sayo na halos dalawang taon na niyang kaibigan."
Natawa lang si Kat kay Nick. "Ang cute ng biro mo Nick, muntik na akong maniwala."
"Basta huwag kang OA sa pag-aalala. He's okay. Natanggal na niya sa sistema niya na nakita niya ang ex-girlfriend niya. Anyway, free ka ba for today?"
"Bakit?"
"Yayayain sana kitang lumabas."
"Hay naku Nick, matanda ka na. Hindi mo na kailangan ng kasama sa paglabas mo ng bahay," pabirong sinabi ni Kat.
"Siryoso ako Kat."
"Hindi," ang sagot ni Kat. "I need to stay here sa bahay, walang tao at kailangan kong maglinis."
"Akala ko pa naman namimiss mo na ako."
"Nick kagabi lang tayo huling nagkita noong umuwi tayo from beach."
"Eh di may mga pagkakataon ngang namimiss mo ako?"
"Wala akong sinabing ganyan."
"Pero parang ganun na nga yon."
"Uy hindi ah. Assuming ka!"
"Kat?"
"Ano?"
"I love you."
Namula si Kat sa sinabi ni Nick, at napaupo ito sa pinakamalapit na upuan. Nanginginig ang kamay niyang may hawak sa telepono. "Matulog ka na nga lang ulit, puyat lang yan."
"I'm serious," ang sabi ni Nick. "I love you. I did, I still, and I will."
"Matulog ka na. At magprepare na kayo for camping. Sa isang araw na yon," at binaba ni Kat ang telepono.
Nakatitig lang sa pader si Kat, paulit ulit ang boses ni Nick sa ulo niya. I love you. I did, I still, and I will. Hindi maalis ni Kat ang ngiti sa mga labi. Matagal na rin simula nang marinig niya ang mga katagang iyon mula kay Nick. Pinaniwalaan niya si Nick noon, and she knows Nick means it. She did love Nick, and she thinks she might have fallen for him all over again. But she's afraid to admit it. Natatakot siyang maulit muli ang nangyari sa kanila three years ago.
![](https://img.wattpad.com/cover/29852661-288-k5c6ae6.jpg)
BINABASA MO ANG
Bloodlines and Heartstrings 2: Broken Strings
Dla nastolatkówSa pagpapatuloy ng kwento ni Zach... Nayanig ang buong mundo niya nang makilala niya ang tunay niyang pamilya. Magkahalong galit, takot at pagkalito ang bumalot sa kaniyang puso. Sa mga pagbabagong dumarating sa kaniyang buhay, paano kung bumalik an...