Chapter 9

100 4 0
                                    

Dala-dala ang baby ng mag-asawang Codiban, nagpunta ako kasama ng isang staff nurse papunta sa kwarto ng pasyente. Base hospital ng university ang hospital na ito kaya’t nakikita ko ang mga ibang estudyante mula sa labas. May bridge na nagkokonekta mula sa main building ng hospital patungo sa anex na malapit sa theater ng school. May glass panels ang gilid ng tulay kung kaya’t protektado ang mga dumadaan dito mula sa ulan o malakas na hangin. Sa tulay na ito kami dumaan ng staff nurse.

“Alam mo bang ito ang pinakamasayang parte para sa isang ina pagkatapos niyang manganak?” ang sabi ng staff nurse. Tinignan niya ako’t ngumiti. Hindi nalalayo sa edad ng ate ko ang nurse na ito, marahil ay mas matanda lang ito ng dalawa o tatlong taon.

“Talaga po? Dahil ito ang unang araw na makakapagbonding ang ina at ang baby niya?” ang sabi ko.

“Oo” ang sabi ng staff nurse. “Siyempre siyam na buwan niyang hinintay ang baby niya. Excited ang ina siyempre. Tulad ko, pakiramdam ko ay ako na ang pinaka masayang babae sa mundo nang dinala ng nurse sa kwarto ko ang baby ko. Hindi ko maipaliwanag ang feeling, parang lilipad na ako sa saya, every moment is magical.”

“May anak na po kayo, Ma’am?” ang tanong ko.

“Oo, nakakagulat ba?”

“Ang bata niyo pa po Ma’am, first baby niyo?”

“Oo.”

“Congratulations po.”

“Thank you, pero matagal tagal na rin naman simula noong ipinanganak ko siya, sakit na nga siya ng ulo ngayon e.”

“Sa simula lang po yan, kapag medyo lumaki na siya ay makakatulog na din kayo ng maayos sa gabi. Siguro po ay napupuyat kayo sa pagtitimpla ng gatas sa gabi o sa pagbibreastfeed?”

Natawa ang staff nurse. “Ano ka ba, ano bang iniisip mo na baby pa ang anak ko? Seven years old na ang anak ko!”

Hindi ako nakasagot, hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa tulay, natatawa parin siya sa akin. “Ilang taon na po ba kayo Ma’am? Mukha po kayong 24 o 25.”

“24 years old na ako,” ang sabi ng staff nurse. “17 ako noong ipinanganak ko ang anak ko, nabuntis ako noong 2nd year college ako at tinaguan ako ng tatay niya. Gago yung lalaking iyon. Alam ko ang iniisip mo, na wild ako noong kabataan ko, o malandi ako o mga bagay na kadikit noon. Medyo totoo.”

“Hindi naman po,” ang sabi ko. “Medyo nagulat lang ako. Sa dami po nang nabubuntis sa panahon ngayon ay parang normal naman na po ang makarinig ako ng ganyan.”

“E bakit ka nagulat?”

“Akala ko po talaga kasi ay baby pa ang anak niyo. Buti naman po at hindi niyo naisipang ipaabort ang baby niyo.”

“Kinonsider ko siya noon pero sabi nga nila, hindi maitutuwid ng isang mali ang isa pang pagkakamali, parang sa algrebra, negative plus negative is negative.”

“Nagative plus positive is negative,” pabiro kong sinabi.

“Dipende yan kung alin ang mas malaki ang value, di ba? Ikaw talaga.” Nagtawanan kaming dalawa. Gumamit kami ng elevator paakyat sa floor kung nasaan ang kwarto ni Mrs. Codiban.

“Sorry po Ma’am kung medyo kinalkal ko ang private life niyo,” ang sabi ko.

“Ano ka ba! Okay lang iyon, at hindi naman ako sasagot kapag ayoko, di ba? Ikaw, bakit ka ba nagnursing?”

“Ininganyo lang po ako ng kaibigan ko.”

“Naku, patay tayo diyan. Kung wala ang pasyon mo sa pinili mong profession ay mahihirapan ka.”

Bloodlines and Heartstrings 2: Broken StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon