Tiningnan ni Janna ang relo nya, 4:25 ng hapon. My 5 minutes pa bago mag uwian pero feeling nya ang tagal ng limang minuto. Katabi nya sa upuan ang matalik na kaibigan na si Dean na abala sa pakikipag chikahan kay Yaj. "Kriiiiinnnngggg!" Tunog ng bell, uwian na! Lahat ay tumayo para magpaalam sa guro. Magkasabay naglakad si Janna at Dean at dahil uwian, nagsisik-sikan ang mga estudyante patungong gate pero ang dalawa iba ang tinutumbok ng kanilang mga paa. Papunta sila sa studio sa loob ng school kung saan myembro sila ng prestihiyosong Dance Theater.
"Bilissssss! Magbihis na at para makapag rehearse na! Tandaan nyo malapit na ang September, dapat bongga ang galaw at bongga ang presentation. Maraming balikbayan na manunuod". Sigaw ni Icay ang baklang nagtuturo sa kanila ng sayaw.
Pagkatapos ng rehearsal sabay na naglakad palabas ng gate ang magkaibigan, "Janna, wag ka nang maglakad kasi gabi na. Sabay na tayo sa tricycle, parating na si Joseph", sabi ni Dean sa kaibigan. Dahil pagod, tumango nalang si Janna. Nakauwi ng maayos si Janna, habang nagpapahinga nka receive ito ng text galing kay Dean.
"Janna, are you okay? Bakit parang matamlay ka kanina? Let me know ha kasi worried ako. "
"Dean, okay lang ako. Salamat pero pagod lang talaga ako".
"Janna, pwede naman tayong mag skip ng practice bukas. Gusto mo tambay tayo sa plaza? Hindi naman yun magagalit si Icay kung mag absent tayo."
"Cge Dean, pwede ba tayong dumaan sa bahay? Dadalhin ko si Biggie ang pamangkin ko, nka stroller naman yun eh."
"Okay ah! Cge daan tayo. Maglakad nalang tayo from school, malapit lang naman house mo eh."
Matalik na magkaibigan si Dean at Janna mula pa nung Grade 3. Kahit iba2x ang grupo na sinasamahan nila pag nasa school, hindi pa rin maiiwasan na they'll look after each. Both of them came from big and rich family at dahil dyan popular sila sa school. Sadya namang pa biba at pilya si Janna na champion sa english declamation at debate parati samantalang may pagka suplado naman si Dean na sobrang galing mag basketball at football. Parehong silang magaling sumayaw at palakaibigan.
Maraming naiinggit sa kanila lalo na yung mga teenagers na my crush kay Dean at yung mga teenagers na lalake na my crush kay Janna.
Si Janna, mahaba ang buhok, chubby, pala-ngiti, pilya, matapang at parating emcee kung my mga okasyon at program sa school.
Si Dean naman ay typical boy-next-door., very neat, mahilig mag gel nang buhok, mabango (Bench Perfume) at MVP sa basketball, sya rin ang Team Captain ng team nila.
Pareho nilang gusto ang Lucky Me! Pancit Canton.