15th of Summer

0 0 0
                                    

I can still remember what happened that day. Napaka clear at ma recall ko pa lahat ng images hanggang ngayon. Ito ang araw na masasabi ko na tumigil ang mundo para ipaalam na moment natin to, nag slow mo sya para ipaalam na namnamin natin ang pangyayari.

April 15th, holy week. Pumunta sya sa bahay and sinabi na samahan ka papuntang church. Naloka ako, sabi ko sa sarili ko... bakit kami pupunta dun eh holy week? Baka walang tao? I know kaibigan ko to pero baka pagsamantalahan ako (yeah, me and my weird thoughts).

Eventually, sumama din ako. We walked from the house going to the church na naka akbay sya. Ang saya namin, very light nang moment. Lahat makulay. Pag dating dun pumasok kami sa adoration chapel and he prayed while holding my left hand. Ako parang.... okay, lets pray na nga lang.

Nka holding handa kami lumabas nang adoration chapel, pumunta kami sa side nang church na my garden. We sat there, kwentuhan na parang normal at abnormal na tao. My napapadaan na mga kakilala and nag say hi pero hindi tumitigil nang matagal. Parang nagkaka hint sila na we needed time para sa amin lang.

Nka yuko ako sa table while humming yung usong kanta that time ni Ice Seguera ang "pagdating ng panahon", inakbayan nya ako and then my inabot. Natawa pa ako kasi inabot nya sa akin isang pirasong kakapitas na dahon. Nung tiningnan ko nang maigi, nakita ko sa dahon ang carved words " I LOVE YOU my SWEET".

Napaiyak ako, effort na yun and for the first time yumakap ako sa kanya nang mahigpit, yakap na my pagmamahal at pagpapasalamat. Then sinabi nya na since Elementary mahal nya ako and pangako nya na mula sa araw na yun mamahalin nya ako hanggang sa nabubuhay sya.

Sobra akong talkative, honestly speaking pero sa oras na yun parang nawalan ako ng boses, nawalan ako ng lakas. Nabasa yta nang luha at sipon yung shirt nya., takot ako bumitaw sa pagkakayakap kasi baka magbago ang isip na.

I prayed, sabi ko: Lord kung panaginip to pwede tuloy2x na? Lord kung ito ang sagot sa lahat nang mga tanong ko please make our relationship last forever.

Salamat sa pagkakataong maramdaman ang magmahal ng totoo ❤️

My Twisted LoveWhere stories live. Discover now