🎶🎵 I must be crazy now, maybe I dream too much... 🎶🎵
"Hoyyyy Janna! Bilisan mo at mahuhuli kana sa klase., kanina pa ang bell ng flag ceremony nyo. Kung maka kanta ka dyan sa banyo eh daig mo pa si Nora Aunor sa Araneta!" - Sigaw ng nanay na sa labas ng banyo.
Frustrated singer po ako, tanging ang sayaw ko lang ang nasa tono.
Nasa 1st year high school na kami ni Dean. Parang kailan lang ano, ngayon welcome to high school life!
Ito daw ang pinaka exciting na phase nang buhay estudyante. Sabi ko sa sarili ko, bring it on!Pagpasok ko sa gate nakita ko kaagad ang mga barkada namin na sila yaj, babs, tort at nom. Syempre as always, hindi po ako ang pinaka huli,. Mas late pa sa akin si Dean. Hindi kaya pumapasok nang maaga yun, effort kasi sa pag gel eh. ✌🏼
Tawanan dito, tawanan doon. Natapos ang speech ni Maddam Principal na wala akong naintindihan, papasok na kami ng classroom ng my umakbay sa akin, alam ko na kung sino dahil sa malakas na pabango.
Sabi ko sa sarili, swerte ng babae na mamahalin nito, hindi na kailangan ng air freshener kasi nasa kanya na lahat. Mabait naman talaga si Dean, suplado at seloso nga lang. Loyal na kaibigan at sobrang mapagmahal.
Siguro nga maraming naiingit sa akin na mga girls, parati syang nka akbay at naka alalay sa akin. Parati nya akong pinagsasabihan na kumilos bilang dalaga, wag tumawa ng malakas at umupo ng maayos. Feeling ko nga katabi ko sa school ang tatay ko eh., daming bawal eh.
Alam ko nung elementary nag promise kami na we will take good care of each other hanggang tumanda.
Syempre pag promise, sometimes "its made to be broken."