Sober's Sponge

0 0 0
                                    

🎵🎶 Ano ba talagang mas gusto ko.Ang beer na to o ang pag-ibig mo.Nais kong magpakasabog ....🎵🎶

Naka sakay ako sa bus papunta sa malayong lugar kung saan ako magaaral. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon, pagkatapos nang sobra sa 5 hours naka rating din ako. Nilibot nang aking mga mata ang paligid. Malayo ang lugar na ito kung e kumpara mo sa aking pinanggalingan pero kailangan ko para makaiwas, para makalimot at para tuparin ang pangako ko kay Tita.

Sinundo ako ng aking pinsan. Pagdating sa apartment kung saan ako tutuloy para akong nalungkot. Pagkatapos ng dinner dumerecho ako sa kwarto at pinipilit makatulog. Wala na kasi akong communication sa mga barkada ko; deactivated na rin ang facebook at myspace ko; nagpalit na rin ako ng simcard. Haaay buhay! Makakaya ko kaya?

Napatingin ako sa wall clock, 7:39?! Ang aga pa para matulog. Bumangon ako at bumaba patungo sa ref para kumuha ng malamig na tubig. Nadaanan ko sa sala yung ibang mga kasama ko sa apartment building na umiinom kasama ang pinsan ko.

Niyaya ako ni Clyde. Shot daw para maka tulog. Isa isa nya akong pinakilala sa mga kasama nya. Halos lahat hindi taga bayan., pareho ko lang din na my mga sariling kwento bakit na padpad dun. Masaya silang kasama, nakakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko at guilt na din.

Halos gabi2x akong tumatagay, ang dami kung new friends - mga anak ng politiko, businessman at iba pa. Nakilala ko si Mark. Sa konting oras na nakilala ko sya palagay na ang loob ko. Alam nya rin kung bakit ako lumipat ng school... masasabing sya ang naging sponge ko, taga punas ng luha; nakikinig sa mga paulit ulit at walang kamatayang kwento.

Hindi ko alam kung kailan at kung paano pero nalaman ko nalang na nahuhulog na ang loob ko sa kanya, si Mark ay sadyang mabait at maalalahanin. Lahat na yta ng bisyo natikman ko, lahat ng pwedeng gawin ng isang taong sober at galit sa mundo nagawa ko na. Lumipas pa ang mga araw na puno pa rin ng galit ang dibdib ko para kay Tita. Naiisip ko pa din si Dean pero dahil wala akong balita, wala na akong alam kung ano ang nangyari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Twisted LoveWhere stories live. Discover now