Malakas ang hiyawan si Gym. Last quarter na kasi ng basketball. Finals ng Intramurals. Naririnig ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko. Hawak ko ang bola na nasa free throw. Hinanap ng mga mata ko si Janna, nakita ko sya nakatingin sa akin na nka fingers-crossed. Bigla akong napangiti, sa isip ko "aba! Ang kaibigan ko mg pagdu-duda." Nag dribbol ako at nag shoot. Pasok! Nanalo ang school namin, kami ang champion! Tumakbo ako patungo kay Janna at niyakap sya. Sobra ang suporta ng kaibigan ko, importante ang presence nya sa akin. Alam ko na masaya sya sa panalo namin.
Ako si Dean, anak ng isang seaman at nurse. Bunso ako sa aming magkakapatid. Oo inaamin ko na may pagka suplado ako, ayoko lang talaga sa babaeng burara at masyadong praning. Bata pa lang ako mahilig na ako sa basketball at sa pagsasayaw. Nahilig din ako sa computer games... sino ba naman ang hindi marunong sa counter strike?
Hindi sa nagmamayabang... habulin ako.
Habulin ng bakla at babae. Nasa society na siguro natin na pag basketbolista ka lalo na kapag magaling ka sa bola, lahat gusto ng atensyon mo. Sa basketball naranasan ko na rin ang masiko, masipa, matuhod at kung ano pa. Halos sa lahat ng laro ko nandyan ang nanay ko at si Janna - sila ang inspiration ko.Iisa ang grupong meron kami ni Janna, lahat na yta ng myembro sa barkada namin ay tinutukso kmi. Pero ako mismo ang natatakot kasi sabi nila kapag ang magkaibigan ay nagkaibigan hindi magtatagal at mag aaway din nang tuluyan.
Oo duwag ako, ayoko mawala ang kaibigan ko.