Flying with colors and Cloud 9

0 0 0
                                    

Hindi lang naman kami mahilig sa sports, balanse rin lahat., pareho kaming honor students, active sa lahat na clubs at steady lang ang buhay pag ibig. 3 years na kaming steady. Steady and stable ika nga kasi never kami nag cool off, never kami nag break, never kami nag away nang sobra2x. Isang factor talaga sa isang relasyon ang friendship kasi kilala nyo na at ease kayo sa isa't isa. My konting away din, tampuha, selosan, walk out dito - walk out doon pero hanggang dyan lang. Never lumalim, never kami nag give up.

Graduation namin sa high school halos magkasunod na tinawag ang pangalan namin. #3 sya ako #5, ang lakas ng hiyawan ng mga kaklase namin. Kita ko sa mukha nya ang pagka proud. Kita ko sa mukha ng parents namin ang kasiyahan. Hindi man kami ang naging valedictorian, sapat na ang medalya at pagmamahal sa aming dalawa.

Kumuha sya ng kursong nautical at ako naman ay pagiging nurse. Malayo ang school nya sa akin. Dahil medyo nagkaroon ako ng freedom sa bahay at na belong sa barkada na mga "city girls", napadalas ang night out at puyatan sa bar at gimikan which is ayam nya talaga. Umabot sa point na nakapag sinungaling na ako. Sasabihin ko na matutulog na pero nasa bar pla ako, sasabihin ko na hindi ako makaka uwi kasi my projet kami.

Unti unting nabawasan ng kulay ang aming relasyon pero ang communication nandyan pa rin. Every Friday bago umuwi sa lugar namin nagkikita kami, pero hindi ako sumasabay. Ang dami kong alibi para lang maka eskapi kasi sasabay ako manunuod ng concert kasama mga barkada ko.

Sabado, malakas ang togtog... lahat nag hihiyawan! Naka dalawang bote ako nang budweiser at umiindak na rin sa tunog nang banda. Ang mga kaibigan ko nasa stage na walang sawang nag sasayaw. Paglingon ko sa kaliwa, nanlaki ang mata ko 😳, si Dean naka upo my hawak na Juice naka tingin sa akin na nka salubong ang kilay. Kasama nya pala ang pinsan nya na kakababa lang ng barko.

Nagtext ako if pwede kaming mag usap, lumapit sya sa akin at inalalayan ako palabas (yes, kahit galit sya... maginoo pa rin). Nung sa labas na kami, pumunta kami sa car nya. Pumasok sa loob. Nag sorry ako. Nag sorry ako sa lahat2x nang pag sisinungaling ko sa kanya. Dahil na rin siguro sa tulak ng konting alak at naging emotional ako., sinisi ko sya kung bakit ako nagka ganito, hindi naman sa sobrang higpit nya pero dahil sa hindi ko naranasan ang ganitong freedom.

Niyakap nya ako at pinatahan, naiintindihan nya daw ako. Ang hiling nya lang is ipaalam ko sa kanya para kahit anong mangyari alam nya kung saan ako hahanapin. Sa totoo lang sobra akong na guilty. Alam ko dapat magalit sya pero hindi nya ginawa. Sabi ko sa sarili ko: tao ba itong boyfriend ko? Bakit hindi nagagalit?

Nagpatuloy pa rin ako sa pag labas2x, dumating sa point na halos gabi2x na at kasama pa si Dean, hindi sya umiinom pero alam ko puyat sya sa kakabantay sa akin.. sa nobya nyang manginginom, sa nobya nyang walang ginawa kundi mag night out.

Midterm nang buong university, lahat ng grades ko pasang awa. Sa akin okay lang kasi hindi ko naman gusto ang nursing. Hindi ko alam na napapagalitan na pala si Dean kasi bumaba ang grades nya at my possibility na maalisan sya ng scholarship. Nung sinabi sa akin nga pinsan nya para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Bakit hindi sinabi sa akin ni Dean? Bakit nya tinago? Sana nagtulungan kami kasi alam ko kaya nya naman ang mga subjects. Ano ang problema nya?
😰😰

My Twisted LoveWhere stories live. Discover now