Sadya yatang mapag hamon ang tadhana.
Buong linggo kung magtext at tawag kami sa isat isa parang normal lang. Ayoko syang tanungin over the phone kasi ayoko rin syang saktan. Friday pagkatapos ng last subject nagmamadali akong lumabas kasi I know he's waiting sa malapit na mall. We hugged and kissed nung nagkita kami. Wala yung usual na spark sa mata nya.Nag snacks kami sa malapit na fast food, I got the chance to asked him about his grades. For a moment my nakita akong lungkot sa mata nya then he told me:
"Okay naman ang grades, babawi ako sa finals. Kakayanin ko, my enough time pa naman.""Dean, bakit hindi mo sinabi sa akin na nahihirapan ka sana nagtulungan tayo. Pwede namin nating e review ang isa't isa tulad ng dati dba?"
"Janna, naging busy ka. Nagtry naman ako na kahit papano magka time tayo sa isa't isa pero naging busy ka."
Realizations struck me., ako ang nawalan ng time, ako ang naging selfish. Dapat nag rereview sya nung mga time na sinasamahan nya ako sa gimikan, dapat nagpapahinga sya nung mga time na my night out kaming girls na dapat kasama mga BF's., ang sakit sa dibdib, ang sakit lunukin ang burger habang pinipilit mong hwag maiyak. Sa isip ko babawi ako sa kanya.
Natapos ang first sem, wala pa kaming idea sa mga grades namin if pasado ba o hindi. Umuwi kami sa bayan kasi sem break na. Nakipagkita kami sa mga barkada namin, tambay sa plaza, kulitan at kung ano2x pa. Isang araw nka tanggap ako ng tawag galing kay Tita Esther ang mama ni Dean na pina pupunta ako sa house nila. Importante daw.
Akala ko pagdating nandun si Dean, wala pala. Nag usap kami ni Tita at nagkamustahan. Tapos bigla syang naging seryoso, sabi nya:
Janna, maganda ka. Alam ko nagmamahalan kayo ng anak ko at mahal na mahal mo sya pero my mga bagay na hindi dapat muna mangyari. Mag aral muna kayo, hindi ko gusto ang pagiging liberated mo na. Nagbago ka and hindi na kita gusto para sa anak ko. Hindi deserve ni Dean ang babaeng walang gustong gawin sa buhay aside sa inom at magwaldas ng pera ng magulang. Hindi ka karapat dapat sa anak ko. Bilang magulang nang taong mahal mo, respetuhin mo ako at ang desisyon ko. Hiwalayan mo si Dean, umalis ka o pumunta ka sa malayo. Ayokong mapariwara ang buhay ng anak ko. Balang araw if okay na lahat ag my trabaho na kayo, pwede namang maging kayo uli. Pero sa ngayon ayokong makikita kayong magkasama, piliin mo ang makakabuti sa anak ko. Nag sakripisyo na sya sayo, wag mo nang dagdagan ang pa."
Sa haba nang sinabi nya, tumatak lang sa isip ko ang salitang, "HINDI DESERVE NI DEAN" naging sobrang masama ba ako na GF? 5 years mahigit na kami, isang sem lang ako uminom at nag gimik hindi na ako deserving? Galit ang nararamdaman ko that time, galit sa nanay nya at sa desisyon nya. Pero nangingibabaw ang respeto ko sa kanya. Napaisip ako, if hihiwalayan ko si Dean makakapag concentrate sya sa buhay nya... makakatapos sya ng pag aaral. If hindi ko sya hihiwalayan, magiging happy kami pero malamang hindi kami makakapagtapos ng pag aaral.
Ilang araw pa bago ang 2nd semester, pa sektretong kung nilipat lahat ng schools records ko sa nursing school na malayo. Gabi bago ako umalis dun sa lilipatan ko na school, sinadya ko si Dean sa bahay nila.
Sinadya kong may magyari kasi sa isip ko., lahat nang sa akin deserve ni Dean lalo na ang isip at puso ko.