Whoaaaaat?!!! As in haaaaaaaa?!?!!!
Yan talaga ang napaka OA ko na reaction when I heard him confess. For months na hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko tapos bigla ganito?! Wait OA na naman ako. Pero sabi kasi nya, he used Mae to confirm everything.,feelings nya-feelings ko., reactions nya-reactions ko and if the love na nararamdaman nya for me is purely as friends lang ba talaga or pwede na e level up.
Pwede, "quit playing games with my heart!" 🎶🎵Honestly, i dont know what to say or what to do. Shoookt ako dahil love nya pala ako in all different levels and angles pero mas super shookt ako to know na kelangan nya gumamit ng ibang tao to confirm it. Nakakaawa si Mae pero sabi ni Dean my GF naman na si Mae sa Manila.
So, yun ang umpisa. Naging extra sweet sya sa akin. Unlimited texts, 10 seconds drop call, hatud-sundo hanggang sabado at linggo magkasama. Naging maka dios ako kasi gusto nya mag church every Sunday. Maraming bawal - hindi pa nga kami pero bawal na masyadong close sa boys kahit na friends, bawal na makipag tawanan nang malakas, bawal umalis ng bahay walang paalam at hindi kasama., bawal uminom, bawal magyosi at feeling ko Dala na ang No ID No Entry.
Ako sunod lang sa agos kasi gusto ko rin naman yung atensyon na binibigay nya at the same time confused and takot din kasi if ever, sya ang first Bf ko and ako din ang first GF nya (sa pagkaka alam ko ha)
Palapit na ang summer, busy sya sa summer basketball League and ako busy sa election. Yung point na sa pagkaka alam nang lahat eh kayo na pero sa pagkaka alam nyo wala pa. Walang label eh. Parang na level up lang nang konti ang pagiging bestfriends namin. Good side, nakikita ko sa kanya na responsible sya. If theres one thing na ayaw ko is ang pagiging sobrang seloso nya. Ang mundo ko ay naging sya at mundo nya ay ako lang.
Cruel di ba pero it feels right. Araw2x akong kinikilig. Ganyan siguro pag nagmamahal, araw2x mo kasama pero hanggang gabi magkausap kayo at hindi nauubusan nang topic. Inubo lang naging doctor na kasi maraming advise, natapilok lang naging physical therapist na kasi maraming alam para hindi sumakit, nagka issue lang sa charge ng cellphone naging IT na, nag discuss ng wires and stuff, konting flicker nang ilaw naging electrician na, pilit na compare ang sound ng butiki sa tuko, ano ba magandang oras maligo, anong magandang acetate sa cellphone or ilang "at tsaka meron pa" ang idudugtong bago makatulog mga 2am nang umaga.
Walang kwentang kwentuhan pero makabuluhan sa taong nagmamahalan.Paano nga ba? Can we be like this until the end? Tama, mabuti pa ang pisong chichiria my label. Kami wala. Semplang! Wala eh.
Feeling nyo for keeps?