They say that High School life is the best, mararanasan mo lahat. Maraming kaibigan, masasayang programs, camping doon- camping dito, sports event, dance troupe at kung ano pa pero siguro ang hindi ko naiwasan ay yung bigla nalang nagsabi si Dean na manliligaw sya sa bagong transfer sa school na galing Manila.
Hindi ko alam if matutuwa ako or maiiyak — pero nakita ko sa bestfriend ko na desidido sya, excited at masaya "ti suportahan ta ka." I made him feel na supportado ko sya. For how many years kami ang magkasama, bigla may Mae na sa buhay nya... for months sya ang sentro ng attention ni Dean. Hindi man ako pinapabayaan pero syempre iba pa rin ang alaga kay Mae kasi sya ang GF. Best friend lang ako eh.
That time hindi ko pa alam if nasasaktan ako dahil possesive ako bilang bestfriend - gusto ko lahat ng attention ni Dean nasa akin lang, hindi ko masabi if yung lungkot ko eh dahil lamang sa nawawalan na ng time si Dean sa akin at wala na akong kasabay pag uwi at kahit sa pagkain ng arroz caldo sa canteen.
Big adjustment talaga pero inisip ko nlang na masaya naman si Dean although my mga times na nag aaway sila, pati ako nasasaktan. Lumayo si Dean sa akin kasi pinag seselosan na ako ni Mae. Ako pa ang pinagmumulan ng away nila. Lumayo na din ako, nag focus ako sa ibang activities sa school. Lahat sinalihan ko para maging busy - para ma kahit papano makalimutan ko ang konting kirot sa ❤️ ko.
Nagseselos ba ako dahil mahal ko sya higit pa sa kaibigan or naninibago lang ako kasi sinanay nya ako na ako lang ang babae sa buhay nya? Habang nag iisip bigla akong naka tanggap nang text galing kay Dean.
"Janna, saan ka? Pwede ba tayong mag usap?"
"Dean nandito ako sa bahay, saan ka? Gabi na ah - importante ba?"Hindi na ako nka tanggap ng reply sa kanya pero maya't maya ay my kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sabi ng katulong nasa terrace daw si Dean. Hinihintay ako. Pagdating ko sa terrace nakita ko sya naka upo hawak ang phone. I went up to him and gave him a hug. Realizations? - na miss ko sya.
He said sorry kasi gusto nya lang maging sure sa sarili nya, maging sure sa nararamdaman nya at maging totoo sa lahat. Habang sinasabi nya yun, kinakabahan ako kasi feeling ko, aamin sya na bakla sya. OMG! hindi ko talaga matatanggap, sayang ka men!
Ano ba talaga Dean? Bakit ganyan yung actions mo?