Chapter 15: I love you!

57 4 0
                                    

"Ay? osige na.Ihatid na kita?"

"Thank you na lang .Kaya ko na"

"No."

"Dex--"

"Baka mamaya may mangrape pa sayo jan. Delikado na no. Hayaan mo na akong ihatid ka, Please? Kahit ngayon lang."

"I said no. Wag ka ng makulit."

Bigla siyang nalungkot.Umiyak pa siya. Hindi kaya ng puso ko na nagkakaganito ang kaisa isa kong mahal.

"Bye,Trish."  Bumalik siya sa kotse niya. 

"Dex--"

"Ano yun?"

"Fine. Papayag na akong magpahatid sayo."

"What? Pakiult nga."

"Nevermind. Taxiiii!" Hinawakan niya yung braso ko.

"Trish, let's go. Iuuwi na kita."

"Ma'am, saan po?" 

"Manong, dalhin mo nga 'tong bestfriend ko patungo sa puso ko."

"What?! Baliw! Manong---"

"Manong, ang pogi ko daw po."

"Ay jusmiyo ewan ko sa inyo!" The taxi left.

"So, pano ka na uuwi niyan?" Nang aasar talaga 'to eh.

"Maglalakad ako!"

"Okay. Bye." He left me. Akala ko ba ihahatid niya ako?!

It's been 30 minutes na nakatayo ako dito para maghintay ng masasakyan. Pero wala pa rin.

Maglalakad na lang talaga ako! Papanindigan ko 'to!

Maya maya, may dumaan na pulang kotse. Tapos biglang huminto sa harapan ko. Oh my god ayoko pang mamatay, ang bata bata ko pa para hindi na maging virgin tapos, tapos, tapos ---

"Relax, it's just your bestfriend." Okay, Trish, hinga ng malalim, mahal mo yan hindi yan si kamatayan.

"Walanghiya ka tinakot mo pa ako! Oh, bat ka nga pala nandito?"

"Obligasyon kita, Trish. Pag may nangyaring masama sayo, di ko alam ang gagawin ko. Obligasyon 'to ng mga asawa. Ang protektahan ang kanilang wife." 

"Wait, what?! asawa,wife?! Talaga bang nasisiraan ka na ng ulo?" Omg, wife daw niya ako. How I wish.

"I'm your future husband, bestfriend."

"At paano ka naman nakakasiguro?"

"Dumaan ako sa manghuhula kanina. Sabi niya ikaw daw ang future wife ko. Well, why not? Eh kung magpropose kaya ako sayo ngayon."

"Wow. Lakas. Di ka pa nga nanliligaw kasal agad?" Wait, paano ko nasabi yon?!

"So gusto mong ligawan kita ngayon? Ready na ready na ako. I want to be your boyfriend, Trish."

I WANT TO BE YOUR BOYFRIEND TRISH.  

I don't know kung dapat ba akong kiligin pero kinilig ako bigla.


"Pero before that, ihahatid muna kita. Tapos tatawagan ko na yung maggi-gitara at ako naman yung kakanta."

"Anong pinagsasabi mo jan?"

"Manghaharana lang naman."

"Mapapagod ka lang. Wag na. Sayang effort."

"I don't care. I just wanted to express my feelings for you kahit na barilin mo pa ako sa tapat ng bahay niyo ayos lang. Basta napatunayan ko sayo na mahal na mahal kita. Kuha mo?"

Hey bestfriend, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon